Willie Revillame looking for woman with whom he can spend the rest of his life

"Naghahanap ako, naghahanap ako ng puwede ngayon. Or may ibapa. So bale ang ginagawa ko ngayon, e, nagre-research ng taong gusto kongmakasama at magpapasaya sa akin kung kaming dalawa na lang," says Willie Revillame.



Nakausap ng Entertainment Live! ang Wowowee host na siWillie Revillame sa airport bago siya lumipad patungong New Jersey, U.S.A., lastWednesday, July 9. Tinanong si Willy tungkol sa mga babaeng nauugnay sa kanyangayon.

Una ang leading lady niya sa Mr. Housewife na si RoxanneGuinoo na na-link na rin sa kanya noon. Nililigawan daw ulit ngayon ni Williesi Roxanne kaya siya ang kinuha niyang leading lady sa pelikula?

"Wala, e," sabi ni Willie. "Alam mo, lagi namang ganyankapag meron kang ginagawang pelikula. Let it be. Kung ano'ng mangyari, e, dimangyari. Ganun naman ‘yan, e." pahayag ni Willie.

Ang maingay na isyu ngayon ang tungkol sa babaengka-date ni Willie sa Star Magic Ball na si Nadine Ignacio, na naging finalistsa Slimmer's Bikini Open na ginanap last May. Balita na dinalaw raw ni Williesi Nadine sa bahay nito sa Obando, Bulacan. Hindi naman ito itinanggi niWillie.

"Okey naman. Okey naman sila. Alam mo naman ako, binatanaman ako, e. Medyo naghahanap na rin akong babaeng makakasama," saadniya.

Malaki raw ang posibilidad na si Nadine na ang babaenghinahanap ni Willie.

"Naghahanap ako, naghahanap ako ng puwede ngayon. Or may ibapa. So bale ang ginagawa ko ngayon, e, nagre-research ng taong gusto kongmakasama at magpapasaya sa akin kung kaming dalawa na lang."

Pero maligaya naman daw siya sa pagiging single niya ngayondahil marami siyang taong napapasaya gaya ngpagpunta ng Wowowee sa New Jersey paramagtanghal doon.

"Masyado akong masaya kasi ang pamilya ko, hindi lang sarilikong pamilya. Halos lahat ng pamilyang Pilipino, pamilya mo na, e. Kaya sa mgakababayan natin diyan sa New Jersey, siyempre nandito po kami at saan mang sulokng mundo, pati yung mga hindi naaabot ng Wowowee, kami po ang pupunta atkakatok sa inyong mga tahanan diyan. At sa mga lugar na may Pilipino, sabi nga,at the service of the Filipino, nandito po ang Wowowee," pagtatapos ni Willie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN