Alma Moreno refuses to be interviewed for Dolphy's autobiography

"Kung puwede, akin na lang para sa proteksiyon na rin ng anak ko. Kung mayisyu, walang isyu sa akin. Kumbaga, kung memories na kung ano ang sa akin, kemaganda or hindi, akin na lang," says Alma Moreno about refusing to be interviewed for Dolphy's autobiography.



Last Tuesday, July 8, ay isiniwalat ni Eric Quizon sa TheRicky Lo Exclusives na halos lahat ng mga babaeng naugnay sa kanyang ama, angComedy King na si Dolphy, ay nagpaunlak ng interview para sa tell-allautobiography ng ama na ilu-launch in time for the Comedy King'sbirthday. Pero bukod-tangi lang daw ang dating asawa ni Dolphy na si AlmaMoreno ang hindi pumayag sa request nilang interview.

Kaya naman sa live interview ng Startalk kay Ness (palayawni Alma) last Saturday, July 12, ay tinanong ng hosts na sina Butch Franciscoat Lolit Solis kung bakit tumanggi siyang ma-interview para sa libro. May sama ng loob ba siya sa ama ng anak niyang si Vandolph kungkaya't hindi siya pumayag na magpa-interview at mapasama ang nagingrelationship nila sa naturang libro?

"Siguro, sa akin na lang yun," sagot ni Ness."Kung puwede, akin na lang para sa proteksiyon na rin ng anak ko. Kung mayisyu, walang isyu sa akin. Kumbaga, kung memories na kung ano ang sa akin, kemaganda or hindi, akin na lang."

But Butch insisted that although his co-host Lolit may knoweverything from the beginning ng kuwento ng buhay noon ni Alma with Dolphy, ang mga huling bahagi ng pagsasama lang ang naabutan niya. Sonagtataka lang si Butch, what is there to keep private about?

"Siguro naman, alam na nilang lahat," ani Ness.

Dagdag ni Lolit, ayaw na rin sabihin ni Nessang real reason kung bakit nga sila nagkahiwalay ni Dolphy noon.

"And at the same time," dagdag ni Ness, "kay Vandolph na rin. Pero kung galitako kay Dolphy or inisnab ko si Dolphy, hindi po talaga... Ang sa akin, para narin sa katahimikan at maintindihan ni Eric. Actually, ang kasalanan ko lang,hindi ko diniretsong sabihan si Eric; actually, si Tita Nene [Riego, Dolphy'smanager], sinabihan ko rin."

DABOY & PIDOL. Nakita raw ni Lolit kung paano naapektuhan si Ness nang mamatay ang dati nitong ka-live-in na si RudyFernandez. Kung sakali kaya't ganun din ang mangyari kay Dolphy, magigingganoon din kaya ang reaction ni Alma 'tulad noong kay Daboy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ha? Ah, oo...oo!" tila nagulat na sabi ni Alma."Siyempre, naging tatay ng anak ko ‘yan. Pupunta ako bilang ako ay tanging sumusuportasa mga anak ko. Like kay Mark [Anthony Fernandez, Alma's son with Daboy], nandoon ako and kasikami ni Rudy, naging barkada. Kahit wala na, nandoon pa rin yung communication.‘Tapos si LT [Lorna Tolentino, Daboy's wife], talagang naging best friend,kumare [ko]. Like noong may problema ako kay Mark, nandoon siya."

Tinanong ni Lolit kay Ness, kapag may problema raw ba siya kay Vandolph ay hindi silanakakapag-bonding ni Dolphy?

"Well, sa totoo lang, telephone," saad ni Alma. "Nag-uusapkami sa telephone, pero hindi kasing dalas ng usap namin... Iba kasi angrelationship namin nina LT at Daboy, barkada."

ALMA'S LIFE STORY. May nasagap naman daw na information noon si Butch sa GMA-7,kung saan, nakaplano raw sanang gawin ang life story ni Alma noon para sa dating drama anthology naMagpakailanman, pero hindi natuloy. Tinanong ni Butch ang konsehala ng Parañaque Citykung pumayag noon si Dolphy na makasama siya sa life story ni Ness?

"Hindi siya pumayag," maagap na pag-amin niya. "Pumayag siRudy, pumayag si Joey [Marquez, her ex-husband]."

Sundot na tanong ni Butch, ito kaya ang dahilan kung bakithindi siya pumayag na magpa-interview sa autobiography niDolphy?

"Well, basta tahimik na lang po ako. Parana lang sa anak ko. Alam na siguro ni Dolphy kung bakit," paiwas na sagot niAlma.

Sumama ba ang loob niya sa hindi pagpayag ni Dolphy noon?

"Nasaktan lang ako, pero wala na sa akin yun ngayon. Kasisiguro may dahilan din si Dolphy, so nirespeto ko yun. Now naman, may sarilirin akong dahilan, so sanairespeto rin nila yun."

Ayon kay Butch, mas lalo raw tuloy siyang na-curious. Peroipinaliwanag ni Lolit na siguro raw dahil tell-all ang libro, may mga bagay naprivate na para kay Ness, na ayaw na niyangmabanggit o mapag-usapan pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinegundahan naman ito ni Ness sa pagsasabing, "Yeah, parasa katahimikan na rin ng lahat. Kasi alam n'yo naman dito, katulad ngayon, ibana naman. Lalo na kasi ako, iba na kasi, huwag na nating edit, ‘eto, ‘eto...so,huwag na lang."

Kung nagkataon daw kayang si Daboy ang maisipang gawan nglibro ni LT, papayag ba si Ness namagpa-interview?

"Oo naman!" mabilis niyang sagot. "Lalo na si Daboy, e,diretsong magsalita sa akin yun. ‘Ness, gagawaako ng ganito-ganyan..."

Hindi kaya inconsistent siya sa puntong yun, sabi ni Butch,dahil kay Dolphy ay tumanggi siya?

"E, iba naman," sabi niya. "Itong si Dolphy naman, hindinaman ako tinanong or kinausap, e."

May hurt feelings pa ba si Ness?

"Ako, hurt? Wala, wala na! Basta ako, anumang painfulmemories, wala na. Masaya ako ngayon sa anak ko. Si Dolphy, masaya rin, walangproblema. So wala na talaga, as in wala."

LORNA & ZSA ZSA. Kung si Lorna ay kaibigan ni Alma, kumusta naman ag relasyonni Ness sa karelasyon ni Dolphy na si Zsa Zsa Padilla, na incidentally aypinsan din ni LT?

"Wala lang...hi and hello," sagot ni Alma.

Napa-"gano'n?" si Lolit dahilparang non-entity raw ang dating ni Zsa Zsa kay Alma.

"Hindi naman," paglilinaw ni Alma. "Hindi naman kaminagkikita. At saka kami ni Lorna, chika talaga. Ninang siya ni Yeoj.Kumbaga, sa madaling salita, yung sa amin ni Lorna, iba po talaga. Yungfeeling ko, hindi ko ma-explain.

"Kasi ako naman, kapag nagsalita, yung feeling ko, walanaman akong ililihim, e. Alam na ng publiko po yun, lalo na ngayon, birthday niDolphy [sa July 25], so happy birthday! At si Eric, sorry po talaga. Lalo na ‘yang si Eric,close kami niyan. Sa pamilya, kung nasaktan ko man at hindi akonagpa-interview, sanamaintindihan n'yo ako."

WHY SHE REFUSED. Nagkausap naman daw sila ni Eric sa phone, pero hindi rawniya nagawang sabihin dito nang diretso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro yun talaga ang pagkakamali ko, hindi ko nagawangsabihin sa kanya nang diretso. Nahiya ako."

Tanggap naman daw ni Nessna kahit hindi siya nag-grant ng interview, posibleng mailalabas pa rin angnaging buhay nila ni Dolphy sa naturang libro. If ever, hindi naman daw siya maghahabol.

Butch then asked kung dadalo ba siya sa launching ng libroni Dolphy.

"Kung invited ba ako," sagot niya. "Pero madali lang ‘yan,kung nandito po ako at kung imbitado ako, darating ako. Pero as SecretaryGeneral ng Councilor's League, palagi ho akong wala talaga. Mindanao, Cotobato,Naga City... Palagi akong umiikot, totoo po‘yan. Kung nandito ako sa July 24 at imbitado ako, pupunta ako, bakit hindi?"

HER MEMORIES OF DOLPHY. Tinanong ni Lolit kung ano ang isang bagay kay Dolphy anghindi niya makakalimutan?

"Mabait... Mabait na tatay kay Vandolph."

"Pero hindi mabait na lover?" tanong ni Lolit.

"Mabait," sagot ni Alma.

Ano ba ang tungkol sa buhay ni Dolphy ang alam ni Alma na hindi alam nghalos lahat?

"Well, for one thing, si Dolphy, ang alam ko, sa TV masyadosiyang nagdyo-joke, di ba? Komedyante siya. Pero sa personal, seryoso siya. Atdoon ko nakita na naka-Amerikana siya, pero sa eroplano, nagbubuhat siya kayVandolph. Kumbaga, ibang-iba siya. At saka talagang mabait si Dolphy, superbait," lahad ni Alma.

Eight years din daw silang nagsama. When asked kung ilangtaon ang maligaya at hindi, masaya raw lahat para kay Ness.

"Naramdaman ko na maligaya ang lahat kaya nga hindi korin akalain..." nabitin niyang sagot at saka siya tumawa. "Huwag na, joke na langpo yun."

Sabi naman ni Lolit, yung sa mga huling taon ng eight yearsna pagsasama ang medyo nagdududa na si Alma kung kaya't hindi na siya masaya.Pero tinuldukan na agad ito ni Alma. Aniya, "Matagal na yun, hayaan na natin.Masaya na si Dolphy sa buhay niya. Masaya rin ako, so tama na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinaalam ni Lolit na magpinsan sina Lorna at Zsa Zsa. Anoang pakiramdam ni Almana kung si Rudy ay napunta kay LT, si Dolphy naman ay napunta kay Zsa Zsa?

Medyo natigilan si Ness sa puntong ito bago nagpatuloy nasumagot. Aniya, "E, kumbaga, may sarili na ako. Nag-move on na ako. Masaya naako. Kumbaga, kung anuman yung nakaraan, huwag na nating ungkatin yun."

Ano ang wish ni Alma for Dolphy, who is turning 80 years old on July 25?

"Ang wish ko sa kanya, good health. Sana hindi siya magkasakit. Sana malakas pa rin siya dahil para na rin saanak ko at sa mga anak niya na sobrang malapit sa kanya. Kaya Dolphy,alagaan mo ‘yang health mo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN