Randy Santiago unaware of the future of his Kapamilya sitcom

"E, mag-aalisan yung mga artista. Hindi magkita-kita ngschedule. Hopefully, ano ba? Sanailabas within the month or next month," says Randy Santiago about the sitcom Pare Koy, which he initially directed.


Dahil sa tagumpay ng kumbinasyon nina Randy Santiago withother major artists nung dekada '80 na sina Louie Herredia, Raymond Lauchengco,at Gino Padilla, magbabalik ang Greatest Hits of the ‘80s sa Aliw Theater onAugust 8.

"Hindi kasi, alam din ng Viva na magiging maganda angturnout ng show kaya nung ginagawa pa lang yung kumbinasyon, nung pinag-uusapanpa lang, 'eto yung ito-tour sa Amerika. Ang focus kasi Amerika, yun ang ginawaSo from there, gawa muna tayo ng [Music] Museum. Pagkatapos noon, e,gustung-gusto nila kaya gumawa na para sa Aliw [Theater]," saad ni Randy sapresscon ng Greatest Hits of the ‘80s.

Nabuo raw ang Greatest Hits of the ‘80s nang ginawa ni Randy angkonsiyertong Rewind sa Araneta Coliseum noong 2004. Dito ay pinagsama-sama niRandy ang lahat ng major artists nung ‘80s tulad nina Jet Pangan ng The Dawnat Juan Miguel Salvador ng Rage band.

"So, from Greatest Hits ‘70s nina Rico J [Puno]at Hajji [Alejandro], nabuo ang Greatest Hits ‘80s. ‘Tapos si Vincent[del Rosario of Viva Entertainment] ang pumili. Since Viva artists dins inaLouie at Raymond kaya ganun. It will be easier for them to talk except kay Gino[Padilla].


"E, pero siyempre si Gino may hit, e. At least, lahat meron kaming mga plaka.Yung iba kasi nasa banda. Although we wanted sana sina Juan Miguel to be our musicaldirector, mga ganun. Kaya lang, medyo mabigat din ang budget siyempre parapagsama-samahin lahat."

GOING UP AGAINST THE MEGASTAR. Makakatapat naman ng show nina Randy ang 30th anniversaryconcert ni Sharon Cuneta sa Araneta Coliseum.

"Oo nga, e. Dapat nga manonood din ako nun. Dapat nga kasamarin ako doon. Si Rowell [Santiago,Randy's brother] ang direktor noon. Guest nga kami dapat ako doon. E, hindi namakaiwas ang Viva."

Hindi kaya magtampo ulit si Sharon sa dati niyang motherstudio na Viva Films dahil sa magkatapat ang kanilang mga concert?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi, although ang maganda doon, iba ang crowd. Soprobably naman, ang Sharonna manonood, mas malaking crowd. Kumbaga, yung sa amin, yung classmates nalang namin!" tawa ni Randy.

Alam din daw ni Rowell na magkasabay ang concert nina Randyat ng Megastar dahil ang nakababata nilang kapatid na si Jun Jun Santiago(ex-husband of Sherilyn Reyes) ang director naman ng Greatest Hits ofthe ‘80s. Hindi ba hiniling ni Rowell na umatras sila ng date?

"Ay, wala," sagot ni Randy. "In fact, ako nga, dapat lipad koyun papuntang Amerika. Lilipad sanaako the next day dahil August 9 ang show ko doon. Nakiusap sila if Ican postpone it to another day. So instead of flying August 8, lilipad ako thenext day ng show itself. So, lipad ako ng Northwest para alas-diyes ng umaga,nandun na ako. E, fiesta yun, umoo na ako. Hindi na rin kailangang may umurongkasi iba yung crowd. ‘Tsaka maliit lang naman itong Aliw compared to Araneta."

Aktibong-aktibo na naman si Randy sa concert scene kayahindi nakakapagtaka kung may ma-link na naman sa kanya.


"Kita mo ang hitsura namin sa poster, ang tatanda na! May mga bata bangmagkakagusto sa amin?" natatawang sabi ni Randy.

Bakit hindi, biro namin. Halos kaedad lang naman niya angkaibigan na si Willie Revillame, na nababalita ngayon with a 19-year-old B.S.Toursim student sa CEU na si Nadine Ignacio.

"Pareho kaming 47, magpu-48 na kami. Ako sa November, siyasa January," pagbibigay-impormasyon ni Randy.

IT'S WILLIE'S TIME. Hindi ba siya naiinggit sa status ngayon ni Willie dahilsikat na sikat ngayon ang noontime show nito na Wowowee? Noon kasi ay kabilanglang si Willie sa "Hawi Boys" ni Randy noong kasagsagan ng kanyang career. Walana ba siyang planona mag-host ulit ng isang noontime show tulad nung araw sa Lunch Date ng GMA-7at MTB ng ABS-CBN?

"Hindi, okey lang yun," sabi ni Willie. "It will come.E, nangyari na naman, di ba? Hindi na natin maaano. Kanya-kanya naman ‘yan.Ibig kong sabihin, kung darating, darating. Kagaya, di ba, nung dumating namankay Willie ‘yan, hindi natin inasahan. Nung dumating kay Edu [Manzano]ulit yung ganung pagkakataon, hindi niya inasahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero hindi naman yung piniprisinta ko yung sarili ko. Hindinaman kami ganun. So, ‘pag dumating yung opportunity, then it starts fromthere, e. Like for example, yung Wowowee naman, hindi naman ganun kaagadyun. So, trinabaho talaga yun unti-unti.

"And I'm very happy doing the TFC shows kasi ako yungumiikot, e. So, pati yung pinapadala galing New York, San Francisco, ‘taposnagpunta kami ng Copenhagen, ng Stockholm, Sweden, saka Finland sa Helsinki.‘Tapos next week, I'm flying to Austria,Vienna ‘tapos going to Rome. Lahat yun may TFC. Mas busy ako doon."

Dadalhin din daw nila sa U.S. ang Greatest Hits of the ‘80s onAugust 31. Una nilang show sa Reno, Nevada; September 6 sa Seattle,Washington; September 13 sa LasVegas; September 19 sa Houston; September 20 sa San Diego.

"'Tapos yung iba, may humahabol pa na dalawang cities, e.Pero ang title doon, Men of the ‘80s," sabi ni Randy.

DELAYED SITCOM IN ABS-CBN. Ano na ang nangyari sa comedy show na idinidirek niya forABS-CBN, ang Pare Koy, na tinatampukan nina John Prats, Zanjoe Marudo, at Jayson Gainza?

"E, mag-aalisan yung mga artista. Hindi magkita-kita ngschedule. Hopefully, ano ba? Sanailabas within the month or next month."

May balita na shelved na raw ang proyektong ito. Totoo baito?

"Ay, hindi naman!" sagot ni Randy. "Hindi puwede kasinakaka-four weeks na kami. Ang problema run, di ba, umalis ako? Iba angnagdirek. So, hindi ko alam kung ano ang gagawin nila."

Paano ‘yan at aalis na naman siya?

"Oo nga. E, kasi di ko naman mahintay. Di ba, hindi namanpuwedeng maghihintay lang ako? So, ang tagal na yun, di ba? Kasi kapagmaghihintay din ako, walang artista, walang makunan, e, di nakaganun lang ako?E, paano ‘pag ako na ang lalabas?"

May balita rin na hindi raw kasi natuwa ang management samga nakunan na nila na episode. Ano ang reaksiyon niya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, hindi ko alam! Kasi iba na, e. Yung dalawangaraw na tinape, wala na ako doon. Dalawang taping days lang ako. Dalawangaraw rin na umalis na ako. Direktor naman ako, e, hindi artista kaya. Hindiganun kalaki ang talent fee ko. Ginagawa ko yun dahil sa pagmamahal ko sa craftng pagiging direktor."

Hindi ba siya kinausap na huwag nang ituloy ang show?

"Hindi puwede," tutol ni Randy. "Kung gagawin nila yun,dapat... Kumbaga, magagamot naman. Wala namang problema. It's a matter of kungsino, ano ba talaga yung tatahaking kuwento. Maraming artista ang involved sashow. Pero as much as possible, isang direktor na lang ang gumagawa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN