Gretchen Barretto to Tonyboy Cojuangco's friends: "Sana wala nang gatungan."

"Uhm...we are very good friends. We still live in the samehouse. And, uh, nakakagulo lang naman talaga yung mga tao sa paligid namin.Katulad nung mga kaibigan ni Tony," Gretchen Barretto said in herinterview yesterday at The Buzz with host and her current manager Boy Abunda.Gretchen answered questions about her return to TV acting via Maalaala MoKaya, daughter Dominique, and of course, her live-in partner Tonyboy



Live na sinagot ng controversial actress na si GretchenBarretto ang iba pang mga isyung hindi niya nasagot sa taped interview niya sa TheBuzz kahapon, Sunday, July 13, sa ABS-CBN. Nilinaw niya ang isyu ngpagpirma niya ng kontrata with ABS-CBN.

"Ang usapan talaga namin with ABS-CBN after ng MaalaalaMo Kaya, pag-uusapan ang teleserye. Pero, Boy [Abunda], pagkataposkong gawin at habang ginagawa ko ang MMK, parang ‘di ko kaya yung 24hours na taping day!

"Tingnan ninyo naman ang mga eyebags ko. Mahirap talaga.Pagdating ng mga alas-tres, alas-singko na ng umaga, e, talagang nag-e-emote nakami nina Tonton Gutierrez. Sabi ko, ‘Ano ba itong ginagawa natin sa buhaynatin?' Parang pelikula, ang hirap, 24 hours kang nagtatrabaho," pahayag niGretchen sa The Buzz host na si Boy Abunda, who also happens to beGretchen's manager.

READY FOR GABBY. Nakunan din ng pahayag si Gretchen sa sinabi ni GabbyConcepcion sa presscon ng Iisa Pa Lamang na madalas na "Gretchen" dawang tawag nito sa kaparehang si Claudine Barretto, ang kapatid ng aktres. Handana ba si Gretchen na makatrabaho si Gabby?

"If he's ready I'm ready!" game na sagot ni La Greta.

Sa huling interview ni Gretchen sa set ng Maalaala Mo Kaya, ibang-ibangGretchen ang tumambad sa mga manonood. Ano pang bago at kakaiba ang dapat naabangan sa kanya sa special episode niya sa Maalaala Mo Kaya?

"Ah, hindi ninyo mae-expect na si Gretchen umarte. Ang pwede nyolang talagang asahan sa akin, ang bitbit ko talaga sa set—yung puso ko, yunglahat ng mga naitago ko. Kasi magaling akong magtago ng problema. Alam nyonaman ako, kapag may problema hindi ako nagsasalita, ‘di ba? Pero pagdating posa MMK, inilabas ko lahat ng dapat kong ilabas because that's thehealthy way daw to deal with your problems."

GOING TO U.S. Isa raw ba sa mga pinoproblema niya ay ang pagpilibetween her career at ang pag-aaral ng kanyang anak na si Dominique sa ibangbansa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Meron tayong mga obligasyon, ‘di ba? Bilang nanay, meron akong obligasyonsa anak ko at gusto ng anak ko na pumunta ng abroad. Gusto niyangmag-aral doon. At kahit mahirap sa akin na iwan ang show business, ang bansangito, gagawin ko lahat.

"Wala akong hindi puwedeng gawin para sa anak ko. Kaya naisip ko talagadapat nga ngayon, dapat nandun na ako either Amerika or sa England. Kasi,namimili siya, e, kung saan siya mag-aaral. Pero salamat sa Diyos, napag-usapandin namin ni Dominique na hindi pa panahon dahil second year high school palang siya. Hindi pa rin ako ready pa para mag-aral siya doon," mahabangpahayag pa ni Gretchen.

NOT PREGNANT. Kasunod nito ay diretsahang tinanong niBoy si Gretchen tungkol sa kumakalat na usap-usapan na siya ay buntis.

"Alam mo, Boy, I'll never lie. I'll never.... siguro siRuffa [Gutierrez] na naman ang nagkalat, ‘no? Ha-ha-ha! ‘Asan si Ruffa?Ha-ha-ha! Yun ang gusto ko kay Ruffa, tahimik na, e," natatawang sabi niGretchen tungkol sa kaibigan.

"You know, Boy, I've learned my lesson really well. And I know very well that Iwill never again, never, ever again, get pregnant before the wedding. So,habang wala pang wedding, hindi po ako buntis. ‘Pag nangyari yung wedding? Malalamannatin and I promise to announce. Hindi po ako yung taong magdi-deny, lalo na ‘pag may buhay akong dinadala."

TO TONYBOY'S FRIENDS. May kumakalat din na iba-ibangbersyon tungkol sa estado ng relasyon nila ng live-in partner niya na si TonyboyCojuangco.

"Ah, ngayon, mas okey na kami ngayon. Ah, you know, Boy,ilang beses ko nang sinabi na ayaw ni Tonyboy na pag-usapan siya. Pero sa raminga ng naglalabasan, hindi ko na yata maiwasan na hindi magsalita.

"Uhm...we are very good friends. We still live in the samehouse. And, uh, nakakagulo lang naman talaga yung mga tao sa paligid namin.Katulad nung mga kaibigan ni Tony. Ayokong...hindi ho ako galit. Peronakikiusap ako na, sana wala nang gatungan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT A QUITTER. Ipinaalam daw ni Gretchen kay Tony Boy angpagbabalik-akting niya sa telebisyon sa Maalaala Mo Kaya.

"Yung sinabi ko sa kanya na aalis kami kasi gusto niyang [Domique] mag-aral saabroad? ‘Tapos sinabi ko na rin na gusto ko rin na magpahinga dahil angdami-dami nang tsismis, at that time na nagdesisyon ako na mag-Amerika, hindikami nag-usap ni Tony ng three weeks na.

"Uhm, sabi niya sa akin which is sinabi ko last week na, ‘Hindi ka namanquitter, e, bakit ka tatakbo? Bakit mo tatakbuhan ang problema? Harapin mo‘yan.' That's what I do best daw and I believe him. Kaya nandito po ako. So,I'm just going to the flow and I'm enjoying it," tapos ni Gretchen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN