James Yap surprises wife Kris Aquino on their third anniversary

"I think ang alam na namin dalawa ngayon what we're sensitiveabout. Alam namin kung ano yung hindi namin gusto talaga... Choice mo to protect therelationship and choice mo rin kung iwi-weaken mo or sisirain mo yung samahanninyo," says Kris Aquino about her relationship with husband James Yap.



Muling naging saksi at malaking bahagi ang The Buzz sarelasyong Kris Aquino at James Yap. Sa The Buzz ipinalabas ang kanilangpagpapakasal at dito rin unang nalaman ang maselang pagbubuntis ni Kris kayBaby James.

Kahapon, July 14, idinetalye nina Kris at James sa The Buzzang naging selebrasyon ng kanilang third wedding anniversary.

Noong July 10, Huwebes, isang sorpresa ang inihanda ni James para kay Kris sa EdsaShangri-La.

JAMES: "Sinurprise ko siya sa Edsa Shang, sa Gazebo.Sinurprise ko siya, romantic dinner."

KRIS: "Withcandles, may curtain-curtain gumaganun-ganun, may violins and guitar. Lahat ngmga songs na favorite ko."

JAMES: "Lahat ng songs pinili ko na favorite niya, ‘taposako mismo pumunta doon sa Edsa-Shang para tingnan kung talagang maganda ba oromantic ba. So yun, at least happy naman."

KRIS: "Supernice ‘tapos nung fifth song, bumuhos na yung ulan."

JAMES: "Binagyo na kami!"

KRIS: "Soaking wet na yung nagba-violin, kawawa naman. Nungdumating tayo."

JAMES: "Nakaupo si Strawberry Shortcake [stuffed toy]."

KRIS: "E, kasi favorite ko talaga si Strawberry Shortcake.Nandun siya nakaupo. Nung pauwi, dala-dala ko si Strawberry Shortcake. Sabi ko,‘This is our new baby.' Inuupakan ni Baby James! Yung song, kinanta kasi ni Jed[Madela] sa Boy & Kris, yung ‘Your Are The Love of My Life,' gusto ko yun.‘Tapos of course, yung kanyang [James] national anthem na ‘Beautiful In MyEyes.' ‘Tapos nandun yung ‘Love MovesIn Mysterious Ways,' ‘tapos yung ‘Can't Take My Eyes Off You.'"

JAMES: "Marami pa sana yun, kaso inulan, e."

KRIS: "Dapat 15 songs daw yun, e."

JAMES: "Sabi ko nga [kay Kris], ‘Dito na lang tayo. Bahalana mabasa. Ano, magkasakit pa tayo? Pasok na tayo.'"

KRIS: "Kasi kawawa yung mga waiter na nagse-serve ng food,malayo. But it was really nice."

Naging masayang-masaya raw si Kris sa paghahandang ginawa niJames para sa kanilang anibersaryo. Maging si James ay puno rin ng kasiyahandahil nakita niya kung gaano kaligaya ang kanyang asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KRIS: Na-touch ako kasi akala ko kaya Shang dahil bakain-invite niya yung family ko ‘tapos magdi-dinner kami sa summer place. ‘Taposayaw niya isama yung kids [Josh and Baby James]. Nagtatampo na nga sila.‘Hindi, tayong dalawa lang.' ‘Tapos nagulat ako na kaming dalawa lang talaga."

JAMES: "'Tapos nung dumating kami doon, naka-ganun lang. Soinisip ko, ‘Mukhang hindi naman na-surprise ‘to, a!' Sabi ko, ‘Na-surprise kaba?' ‘Siyempre.' ‘Tapos ikinuwento na niya sa ate niya. Happy naman ako nanag-success yung inisip ko na i-surprise siya."

KRIS: "Kasi siguro ngayon nare-realize niya na gusto kotalaga ng surprise, na happy ako."

JAMES: "Una, tinatamad pa, e. ‘Babe, kakain tayo sa EdsaShang, ha?' Sabi niya, ‘Huwag na, dito na lang tayo. Kain tayo ng pizza withkids.' Sabi ko, ‘Hindi, sige na. Dinner na tayo kahit sandali lang.'"

KRIS: "Sabi niya, ‘Nagmamahal-mahal ka pa diyan, ha?' ‘Tapossabi niya, ‘Ang arte mo, ha!' Talagang maarte ako! Ako, I wanted lang namantalaga manood ng movie. ‘Tapos mag-dinner, yun lang."

JAMES: "Sabi ko, ‘Huwag na, huwag na!' Pero may pinaplano naako. Naka-set-up na lahat."

Ikinuwento pa ni James ang isang nakakatuwang plano niya parasa kanila ni Kris.

JAMES: "Dapat diyan sa may Luneta. Meron diyan, e. Hindi,meron doon na mas romantic talaga, maraming puno. Ayaw niya. Iniisip ko na..."

KRIS: "Ang layo, traffic! Mahal ang gas!"

JAMES: "Pero ang ganda. Ang ganda doon! Sabi ko sa EdsaShang na lang. Siyempre masaya dahil napa-happy mo yung asawa mo. Yun ang hindiko makakalimutan sa mukha niya na happy pala siya."

KRIS: "Sinabi ko nga sa kanya nung nag-kiss kami nungmidnight, sabi ko, ‘Achievement ‘to, ha! Naka-three years tayo.' Achievement,bongga!"

JAMES: "Siyempre ako naman, hindi ko na kinontra. Oo ngaano, achievement talaga."

Pagkatapos ay nagsalita na rin ang mag-asawa tungkol sa pinagdadaanan nilang marriage counseling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KRIS: "Nakakatulong talaga sa amin ngayon na parang... Kasi,di ba, huwag mo na pag-usapan nanagka-counseling kayo kasi parang inamin mo na may problema, e. Lahat naman ngtao may problema. E, yung sa amin talaga, it helps a lot. Nakatulong talagakasi yung may nakakausap ka."

JAMES: "Feeling ko, tama ka, tapos mali pala. Yun angmaganda sa counseling naming dalawa. ‘Tapos sinasabi namin kung ano yungweakness namin. Adjustments na kailangan gawin yung ganun. So maganda yungnadudulot noon sa amin kasi ‘pag mainitna ang ulo mo o gusto mo na makipag-away, may maaalala ka na sinabi sa‘yo, so yun."

Dahil sa counseling nila, mas nakikilala pa nila ngayon angisa't isa.

KRIS: "I think ang alam na namin dalawa ngayon what we're sensitiveabout. Alam namin kung ano yung hindi namin gusto talaga. Kasi na-tackle namin yunsa last session na sensitivities, ‘tapos priorities. So alam niya kung ano yungtalagang hindi ko gusto at alam ko na rin ngayon kung ano ang ayaw niya talaga.It's your choice, e. Yun ang natutunan namin ngayon. Choice mo to protect therelationship and choice mo rin kung iwi-weaken mo or sisirain mo yung samahanninyo."

JAMES: "Dati inis na inis ako at saka galit na galit akodahil nagdedesisyon na mag-isa ito [Kris], e. Hindi pinapaalam sa akin. Yun yungmajor ano, e, kailangan ipaalam mo kung ano ang mga desisyon mo para walangproblema, hindi tayo nag-aaway. In-open up ko yun sa pari namin na ganito anghindi ko gusto sa ginagawa niya sa akin. ‘Tapos yung pinagsasabihan siya. At least ngayon, malaking pagkakaiba."

KRIS: "Ako naman, ang sabi ko sa kanya, ‘Kung galit ka, don'tignore me.' E, parang ayaw mo magpakita sa akin, mas magagalit ako. Akoconfrontational, talk nang talk."

JAMES: "Ako naman sa natutunan ko rin, sige, hayaan ko na lang siya mag-talk nang talk."

KRIS: "Ngayon, wala nang paliguy-ligoy. Gusto ko talaga ‘to,ayaw ko talaga ‘to. We learned that."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagbigay rin ng mensahe at pangako sina Kris at James saisa't isa para tumagal pa ang kanilang pagsasama.

JAMES: "Nagpapasalamat talaga ako sa ‘yo dahil nakikita kotalaga yung katapangan mo. Ikaw pa ang makikipagsuntukan para sa akin.Na-appreciate ko talaga yun. Ang dami natin natutunan in the past three years.Sana mas lalo pa tayong tatatag and ipagpatuloy natin itong counseling natindahil ang dami nating natutunan. So, love na love kita. And sana habang buhaytayo magkasama forever."

KRIS: "I appreciate so much na humaba na talaga ang pasensiyamo sa mga moments na nagba-brat ako. Natatawanan mo na. Na-appreciate ko din nangayong nabo-voice out mo sa akin ‘pag appreciative ka sa akin. Happy ako kasina meron tayong dalawa ng commitment na magmahalan tayo. Gawin nating strong yungfamily. Tanggap ko na bilang misis dapat walang ego. Kung sa labas ng bahaynatin, puwede akong magsikat-sikatan; sa ating dalawa, walang ganun.Pantay-pantay.

"When it comes to decision making siyempre nagkokonsultahantayo, pero tanggap ko na na ang final say nasa iyo. Nagte-thank you ako kasinakikita ko talaga yung effort to be more responsible and to be more caring.Pagtibayin natin ang pagsasamahan and yun lang, magsumikap tayong dalawa kasiang success naman nitong pagsasama natin, naka-depend sa ating dalawa hindinaman sa ibang tao."

JAMES: "Thank you din."

Sa susunod na buwan ay magbabakasyon sina Kris at James saAmerika bilang regalo nila sa isa't isa for their third anniversary.

KRIS: "Ang hatian namin, sagot ko ang air fare, sagotniya ang hotel. Hindi niya na-compute na lugi siya kasi mas mahal yung hotel! Sabiniya, ‘Ako na yung hotel.' Tapos nung kinompute ko, ipinakita ko, nakalamangako!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN