Paolo Bediones and girlfriend Abby Cruz talk about getting married

"Wedding? Yes, napag-uusapan namin, perowala pang specific date. We're preparing, nagtatanong pa rin kami sa mgafriends namin. Hindi naman kami nagmamadali," says Paolo Bediones about wedding plans with girlfriend Abby Cruz.



Any day now ay aalis na si Paolo Bediones for a South Asianisland para sa reality show na Survivor Philippines ng GMA-7. Pero nag-guestmuna siya with his girlfriend, former beauty queen Abigail Cruz, sa Showbiz Centrallast Sunday, July 13. Nag-celebrate sila ng first anniversary nila bilangmagkasintahan last June 24 sa Palawan.

"Actually, hindi namin alam kung ano ang definite datena naging kami. Pero alam naming June ‘yon, kaya kami nag-celebrate,"natatawang wika ni Paolo sa Showbiz Central host na si Pia Guanio.

Pinansin ni Pia na pinagpapawisan si Paolo.

"First time kasi naming nag-guest na magkasama!"natatawang pahayag ni Paolo. "Dati, ‘pag tungkol sa aming dalawa angtopic, either ako o siya lang ang nagge-guest. Saka nabigla ako nang tawaganako kagabi [Saturday] ng staff ng show na kailangan daw may surprise gift akofor Abby. Kaya lang, wala na akong time na maghanda. Favorite flower niya sanaang tulips, pero kailangan pa palang i-order ‘yon sa Holland at four days pabago dumating, kaya ito na munang pink roses for her.

"Saka itong blank na CDRs. Mahilig kasi kami ni Abby anything about media and movies, kaya isa itosa gusto kong ibigay sa kanya. Pero pupunuin ko pa ito ng mga memories namangyayari sa akin sa 39 days na magkahiwalay kami at nasa island ako. Everyday, may note ako para sa kanya."

FULL OF SURPRISES. Ayon na rin kay Abby, puno raw lagi ng sorpresa ang relasyonnila ni Paolo.

"Lagi akong nagugulat kapag nakikita ko siya saan manako naroon," nakangiting wika nito. "Lagi siyang may sorpresa saakin. Iba siya talaga."

"Hindi kasi ako ma-chocolate o flowers," sagotnaman ni Paolo. "Mas gusto ko ‘yong sinusorpresa ko siya. Like forexample, nagpaalam siya na manonood sila ng movie ng friend niya. Last fullshow sila nanood, pumasok ako sa sinehan. ‘Tapos, tatawagan ko siya sa cellphone at kung ano ‘yong ipinalalabas sa screen, sinasabi ko sa kanya. Nagugulatsiya kung bakit ko raw alam, ‘tapos makikita niya, nandoon pala ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

THE WEDDING. Since mukhang seryoso na sila sa isa't isa, napag-usapan naba nila kung kailan sila magpapakasal?

Ani Paolo, "Wedding? Yes, napag-uusapan namin, perowala pang specific date. We're preparing, nagtatanong pa rin kami sa mgafriends namin. Hindi naman kami nagmamadali."

Sagot naman ni Abby, "Yes, we agree na paghahandaannamin ‘yon, kaya humihingi rin kami ng advice sa mga friends namin, sa mgakasama namin sa church."

OCEANS APART. Kung 39 days ang challenges na pagdaraanan ng 16 castawayssa Survivor Philippines, ibig sabihin matagal magkakalayo sina Paolo at Abby?

"Yes, ito ang pinakamatagal na magkakalayo kami,"sabi ni Paolo. "Kung 39 days iyong laro ng 16 castaways, ako mga 45 daysna mawawala sa Pilipinas dahil mauuna ako at ang production team na aalis sakanila. I'm glad na busy naman si Abby kaya hindi niya gaanong mapapansin nawala ako."

"Open naman ang communications namin," sabi niAbby.

Biro naman ni Paolo, walang signal sa lugar na pupuntahannila.

Sagot naman ni Abby: "I'm sure he will find a way namakausap ako every day. Ganyan siya, kaya hindi ako magwo-worry kung matagalsiyang mawawala."

Natatandaan namin noong nakausap namin si Paolo tungkol sa SurvivorPhilippines, na yun lang daw ang advantage niya sa mga castaways—puwede siyangmakipag-communicate sa Pilipinas through his cell phone, kaya tama si Abby naalam niyang gagawa ng paraan si Paolo na makausap siya.

Natapos ang interview kina Paolo at Abby, sealed with akiss, na first time daw ginawa ni Paolo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN