Sharon Cuneta, kids join Kiko Pangilinan in his campaign in Visayas

Apr 25, 2016
<p>Megastar Sharon Cuneta and kids join Kiko Pangilinan as he starts his political campaign. Kiko, who is running for senator, started his campaign in the Visayas region.</p>

Sinimulan na nitong weekend ni LP senatorial candidate Francis “Kiko” Pangilinan ang kanyang pangangampanya.

Kasama ni Kiko ang kanyang pamilya: ang asawang si Megastar Sharon Cuneta at mga anak na sina Frankie, Miel, at Miguel.

Sinimulan ni Kiko ang kanyang kampanya, na tinawag niyang #PangilinanFamilyKaravan, sa Visayas region.

Continue reading below ↓

Nitong Sabado, April 23, unang nagtungo sa Iloilo sina Kiko, Sharon, at Frankie; pagkatapos ay tumulak sila sa Cebu, kung saan naghihintay sina Miel at Miguel.

Continue reading below ↓

Sa kanilang paglilibot, karaniwang bumibisita ang pamilya Pangilinan sa radio stations para sa pangampanya, gayundin ang pagkakaroon ng press conferences.

Sa Facebook account ni Kiko, nakalahad ditong nagdesisyon siyang isama ang kanyang pamilya dahil “masakit para sa kanya na iwan ang pamilya tuwing siya ay nangangampanya kung kaya't masayang-masaya siya na sa pagkakataong ito ay makakasama na niya ang buong pamilya sa kanyang paglilibot sa buong Pilipinas para mangampanya.”

Continue reading below ↓

Isa rin daw itong paraan upang maipakita sa mga tao ang pagbibigay-halaga sa pamilya.

Nag-post din ang senatorial candidate ng mga larawan sa social media na nagpapakita ng mga kagapanan ng kanyang pangangampanya.

Nitong Sabado, nakasama rin ni Kiko sa pangangampanya ang pamangking si Gab Valenciano, anak ni Gary Valenciano at kapatid ni Kiko na si Angeli Pangilinan.

Continue reading below ↓

(Note: Photos from Kiko Pangilinan's official Facebook account)

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Megastar Sharon Cuneta and kids join Kiko Pangilinan as he starts his political campaign. Kiko, who is running for senator, started his campaign in the Visayas region.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results