Baron Geisler is strong contender for Best Actor in Cinemalaya 2008

"I don't want to praise myself or tell you guys na, 'Hey, this is agreat film of mine, magaling ako dito!' Bahala na ang mga taong tumingin.Ang masasabi ko lang, you will see a Baron Geisler na puno ng passion sa roleniya and I really prepared tremendously for the film," says Baron Geisler about his performance in Jay.


Very proud ang young actor na si Baron Geisler sa kanyangpelikulang Jay, na entry niya sa kasalukuyang Cinemalaya (PhilippineIndependent Film Festival 2008). Ang naturang pelikula ay co-producedmismo ni Baron, with Pasion Para Pelicula Productions, written and directed byFrancis Xavier Pasion.

Masasabing isa ang Jay sa pinaka-hit among the 10 full-lengthfeature films sa ika-apat na taong pagtatanghal na ito ng Cinemalaya, nanagsimula noong July 12 at magtatagal hanggang July 19 sa Cultural Center ofthe Philippines (CCP), Roxas Boulevard, Manila.

Bukod sa Jay, kung saan kasama niya sina Coco Martinat Flor Salanga, ilan pa sa mga sinasabing "blockbusters" in terms ofaudience attendance sa previous screenings ay ang mga sumusunod: 100 starring Mylene Dizon; Boses, introducing mga bagets na sina Coke Bolipata and Julian Duque; at Concertonina Meryl Soriano, at Jay Aquitania.

MOST CHALLENGING ROLE. Para kay Baron, ang role niya rito saJay ang pinaka-challenging sa buong career niya. Nagsimulasiya bilang child actor sa ABS-CBN, kung saan siya literally nag-mature,hanggang sa nakasama siya—at naging kontrobersiyal—sa Pinoy Big BrotherCelebrity Edition last year.

"I play a gay producer-director in this movie, naparang documentary within a film. May TV show kaming nag-i-investigate sa deathng isang tao, katukayo ko sa pelikula, pareho kaming Jay angpangalan. Kahit na gay ang character ko, may substance naman atdisente. It's the most challenging film for me.

"Half of the film is improvisition. Minsan, nagagawa kong one take, minsan naman ilang takes. Sa TV, nakaka-take one langako. Pero dito, naaasar ako minsan, dahil may body movements ako nanahihirapan ako talaga. Simultaneous kasi na nagdo-docu kami atnagsu-shooting," kuwento ni Baron sa PEP (Philippine EntertainmentPortal).

BEST-ACTOR CONTENDER. Sinasabing pang-Best Actor angperformance ni Baron sa Jay. Siya raw ang matunog na mananalo sa naturangkategorya sa awards night ng Cinemalaya 2008 sa darating na Linggo, July 20, saCCP Main Theatre.

Maaari raw makalaban ni Baron for Best Actor ang baguhangbagets sa Boses (directed by Ellen Ongkeko-Marfil), Archie Adamos sa Ranchero,at Neil Ryan Sese for Huling Pasada. Nandiyan din sinaChristian Vazquez for Namets at Jojit Lorenzo for Baby Angelo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wow, kung yun ang sinasabi ng mga tao, yun lang,masayang-masaya na ako!" bulalas niya."Alam mo 'yon? Para na akong nasa heaven na marinig ko lang ang mgamagagandang feedbacks sa Jay, sarap na ng feeling!"

Abut-abot ang papuri kay Baron nang maglabasan ang mga taosa gala night ng Jay, gayundin kay Coco who was equally good in the movie.

"Sobrang complex kasi ang character ko dito, na hindipredictable," sabi ni Baron. "Dito ko naintindihan that acting is not basicallycrying, but you really need to know and understand your character."

Pero sa kabila ng mga papuri kay Baron, hindi pa rin siyanag-e-expect na manalo bilang Best Actor.

"Masarap sabihin, di ba, pero hindi kasi akonag-e-expect ever since sa mga award, e!" tawa nito. "Kasi nga, 'pagnag-expect ka, ‘tapos you didn't make it, masakit, di ba?

"Basta ang masasabi ko lang, ibinigay ko ang buong pusoko sa movie and to my character. Kumbaga, sweat and blood ang binuhos kodito. Kaya nga I didn't mind co-producing the film dahil na-in love talagaako sa script nang dumating sa akin."

From a source, napag-alaman ng PEP na kabilang sa celebrities na nag-audition for the said role ay siAlfred Vargas, among several theater actors.

"The movie will speak for itself, not just my character," saad ni Baron."Ang lesson na makikita natin dito ay hindi lahat ng ine-expose ng media ay angkatotohanan. I don't want to praise myself or tell you guys na, 'Hey, this is agreat film of mine, magaling ako dito!' Bahala na ang mga taong tumingin.Ang masasabi ko lang, you will see a Baron Geisler na puno ng passion sa roleniya and I really prepared tremendously for the film."

Nag-workshop si Baron sa first time-direktor nitong si DirekFrancis, na galing din sa ABS-CBN as headwriter and producer of Nagmamahal,Kapamilya ni Bernadette Sembrano, bago nito natumbok ang nuances na gustongmangyari ng direktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FRONTAL NUDITY. At ang kontrobersiyal na frontal nudityniya?

"Naku, ‘ayan na nga ba ang sinasabi ko, e, hindi akomakakaligtas!" malakas niyang tawa. "Kung napanood niyo naman, it'sreally needed in the script. Kailangan sa eksena. Maliligo ako atpapasok sa banyo, pero may tuwalya namang tapis. Wala namang naliligo nangmay damit, di ba?

"Naka-take three ako no'n and talagang pinaliwanag saakin ng direktor. Ang galing rin ng director of photography namin [CarloMendoza] at inalagaan ang ilaw ko. Yung last take, pina-approve sa akin niDirek, at okey namang lumabas! Pero sabi ko nga, film is supposedly art, andartista ako. Basta sa tingin mo na walang masama sa ginawa mo, then hindika dapat matakot."

So, hindi siya nagsisisi sa ginawa niyang pagpapakita ngprivate part?

"Sabi ko nga, hindi naman dapat maging big dealyun. Sa Hollywood, ang daming gumagawa nun but tastefully done, di ba? Atsaka yung scene ay hindi babad, kundi mabilis!" tawa ni Baron.

"Wala akong pagsisisi dahil ginawa ko 'yon, dahilkailangan sa scene. Wala namang nawala sa akin, di ba? You will just haveto see ang merits ng pelikula sa kabuuan and I'm very proud of the movie!"pagtatapos ni Baron.

Mapapanood pa ang Jay sa CCP sa July 16 (Wednesday)at 3:30 p.m., July 17 (Thursday) at 12:45 and 3:30 p.m., at July 19 (Friday) at6:15 p.m.

Kasalukuyan ring ginagawa ni Baron ang Eva Fonda, 16ni Cristine Reyes para sa ABS-CBN at kasama rin siya sa Torotot, isangsexy film mula sa Viva Films co-starring Yul Servo, Maui Taylor, at introducing Precious Adona, directed by Maryo J. de los Reyes.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN