Star Cinema's Malou Santos says Judy Ann will stay as Kapamilya star

"Wala namang na-mention na lipatan. Icould say na yung naging usap, it's more on nagkaayos. It's more on kung anumanang nangyari, huwag na lang nating pag-usapan," says Ms. Malou Santos, Managing Director of Star Cinema, about their recent meeting with Judy Ann Santos (inset).



Present halos lahat ng executives ng ABS-CBN at Star Cinemasa press conference para sa episode na ginawa ni Gretchen Barretto for MaalaalaMo Kaya (MMK) at sa pag-a-announce na tuwing Saturday na ng gabi, after PinoyDream Academy, mapapanood ang longest-running drama anthology sa bansa.

Ayon sa Managing Director ng Star Cinema na si Ms. MalouSantos, marami raw kasi silang natatanggap na request from the viewers nanagsasabing nauumpisahan nila ang MMK, pero hindi na halos napapanood angending dahil late ng pag-ere nito. So they decided na ilipat na ito ng Saturdaynight para nga naman hindi maapektuhan sa timeslot ng mga teleserye tuwingFriday.

For 17 years na itinatakbo ng Maalaala Mo Kaya, hindi nahalos mabilang ni Ms. Malou ang mga paborito niyang true-to-life story nanaipalabas nila, especially when she was still the executive producer of theshow. Pero may isang insidente raw na hinding-hindi niya makakalimutan.

"Nang mademanda kami, it was ‘Tanikala' episode," sabi niMs. Malou. "Nagkataon na nakiusap ang letter sender na huwag na lang gamitin yungtotoo niyang pangalan. Nang palitan at makaisip si Mel [del Rosario, MMK'sCreative Head] ng ipinalit na pangalan, yung surname na ginamit ay halos parehorin pala ng kuwento, yung may ganoong pangalan at may hacienda rin. Yung bidasa 'Tanikala' was Jaclyn Jose."

Pero nanalo naman daw sila sa kaso dahil may proof sila napinapalitan talaga ng letter sender ang name niya at hindi intentional na maykapangalan at kahawig na istorya ang napili nilang ipalit.

Naranasan din daw nila sa MMK ang pagsuspinde sa ilangdirektor, tulad ni Direk Olive Lamasan na sobrang passionate talaga sa ginagawa.Na-over budget sila at nakapag-taping ng seven at nine days for one episode.Ito ay yung epic story na ginawa nila.

Siyempre pa, hindi rin nila makakalimutan ang very firstepisode ng MMK, ang "Rubber Shoes" na idinirek ni Emmanuel Borlaza with RomnickSarmenta as the lead.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JUDAY IS NOT TRANSFERRING. Kung may na-appreciate lalo ang entertainment press kay Ms.Malou, ito ay ang pagiging straightforward niya at pagsagot ng diretso saanumang concerns ng press. In fact, sa kanya rin nalaman ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) na natuloy na last week ang meeting ni Judy Ann Santosand her manager, Alfie Lorenzo, sa ilang executives ng network, ‘tulad ngmay-ari na si Mr. Gabby Lopez, ABS-CBN President Ms. Charo Santos-Concio, Ms.Cory Vidanes, at si Ms. Malou.

Naging malinaw rin sa entertainment press na walangmangyayaring paglipat ng network si Judy Ann.

Lahad ni Ms. Malou, "Nakapag-usap naman po noong Thursday [July 10],dito rin sa 14th Floor. Tuloy ang taping ng Nurserye [ni Judy Ann],pero pagdating na niya ang pagre-resume ng taping dahil aalis ulit siya at saAugust na ang balik niya.

"Magkakaroon din siya ng isang episode sa MMK, pero hinahanapanpa ng magandang istorya. Sisimulan na rin yung sitcom nila ni Ryan Agoncillo,kasama si Ai-Ai delas Alas. And then,her movie with Star Cinema."

Nang tanungin ang Star Cinema executive kung maynapag-usapan ba tungkol sa nasusulat at nababalitang paglipat ng network niJuday, wala raw na-mention at all na ganoon sa kanilang meeting.

"Wala namang na-mention na lipatan," sabi ni Ms. Malou. "Icould say na yung naging usap, it's more on nagkaayos. It's more on kung anumanang nangyari, huwag na lang nating pag-usapan."

Masaya naman daw lahat during the meeting at naging magandaang pag-uusap at mga planong nakatakdang gawin for Juday's projects.

Ayon pa kay Ms. Malou, posibleng last quarter of thisyear mai-ere ang Nurserye ni Juday with Derek Ramsay dahil may pelikula pa ring gagawin ng aktres para sa Regal Entertainment, Kulam. Nabanggit nga raw niJuday na magiging visible siya dahil sa promotion nito, kasama na rin ang mgaABS-CBN show na lalabasan niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN