KC Concepcion and Richard Gutierrez fly to Greece to shoot some scenes for their movie

"We've known eachother quite sometime and we must enjoy every moment, so siguro yun angnagdadala ng chemistry sa amin," says Richard Gutierrez about rapport between him and leading lady KC Concepcion.



Tumulak patungongGreece sina KC Concepcion at Richard Gutierrez last Sunday night, July 13, parasa shooting ng first movie nila under Star Cinema, For The First Time.Maglalagi ng ilang linggo sina KC at Richard sa Greece at pagbalik nila rito saPilipinas, ‘tsaka itutuloy kunan ang iba pa nilang mga eksena.

Bago umalis aynakunan ng pahayag ng The Buzz sina KC at Richard.

"Parang kalahati ngpelikula sa Greece. Summer pa dun, so siguradong maganda yung aura ng mga tao doon," sabi ni KC.

Dagdag ni Richard,"Perfect time to go."

Pero dito pa lang saPilipinas, marami na raw ang nakakapansin ng kakaibang sweetness na nila saisa't isa sa set ng For The First Time. Iniintriga rin angmatamis na pagtitinginan nina KC at Richard. Masyado raw kasi ang pagigingmalapit ni KC kay Richard to the point na nakikipagkilitian pa siya sa kapatid ni Ruffa Gutierrez.

"Shooting has beengood," sabay tingin ni KC kay Richard na nasa tabi niya.

"Uhm, it's been good.It's a perfect girl who has an imperfect guy in her life," sabi ni Richardtungkol sa pelikula nila.

Dagdag naman ni KC,"But he also finds out yung imperfections sa sarili niya. It's a love storyalso how a two imperfect people can find..."

"Perfect love,"dugtong ni Richard.

Tamang-tama raw angchemisty ng dalawa ayon sa mga kasama sa pelikulang ito.

"We've known eachother quite sometime and we must enjoy every moment, so siguro yun angnagdadala ng chemistry sa amin," pahayag ni Richard.

Dahil unang pelikulani KC, suportado ito ng ina niyang si Sharon Cuneta. Katunayan ay sinorpresa pang Megastar ang dalawa sa set ng For The First Time. Ipinalabas sa The Buzz ang ilangfootage ng pagpunta ni Sharon sa set ng movie nina KC at Richard.

"Excited siya na pinaka-firstna pelikula ko ‘to. She was just making sure everything was going well.Nagpakita na rin siya ng suporta bilang nanay," saad ni KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman niRichard, "Bale na-shock kaming lahat!Hindi namin ine-expect. Nagulat kami ‘andun siya."

Kamakailan naman aynakunan na ang unang music video ng pelikula nina KC at Richard. Si KC mismo ang kumanta ng theme song ng first movie niya.

"Ibang-iba namansiya dun sa music video na pang-album," proud na sabi ni KC.

Natutuwa naman siRichard dahil kasama siya sa music video ni KC.

"Ang daming first talaga sa pelikulang ito.Isang music video na kasama ko si KC," sabi ni Richard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN