Gretchen Barretto: "Mukha bang na-botox ang face ko? Hello!"

"Hindi ko naman ginawa yung statement na ayaw kong magingkabit. Naitanong kasi, di ba? Pero siyempre, ayaw natin. Gusto natin legal, diba? Unless kung gusto mo talaga ng hindi legal!" explains Gretchen Barretto about her statement that she does not want to be a mistress.



Nagbabalik-acting sa telebisyon ang controversial celebrityna si Gretchen Barretto sa Maalaala Mo Kaya, na magsisimula sa bago nitongtimeslot tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN, July 19.

Very challenging ang role para kay Gretchen bilang misis nanagkaroon ng relasyon sa isang mayor. Pero mabilis na nilinaw ni Gretchen nahindi inspired ang kuwento sa personal niyang buhay.

"Hindi naman puwedeng maging inspired yun dahil siMargarita, kasal kay Jun [Tonton Gutierrez] at may iba. Hindi ako kasal. Kayahindi n'yo masasabing buhay ko ito," paliwanag ni Gretchen sa presscon ngMaalaala Mo Kaya kahapon, July 14.

Sa presscon ay nagbitiw ng pahayag si Gretchen na ayawniyang maging kabit. Hiningan siya ng paliwanag tungkol sa sinabi niya afterthe presscon.

"Hindi ko naman ginawa yung statement na ayaw kong magingkabit. Naitanong kasi, di ba? Pero siyempre, ayaw natin. Gusto natin legal, diba? Unless kung gusto mo talaga ng hindi legal!" tawa niya.

NOT DESPERATE TO MARRY. Muli ay may nagtanong kay Gretchen kung nangangarap ba siyang kasal. Bagamat mahigit 13 years na ang pagsasama nila ng live-in partnerniyang si Tonyboy Cojuangco, kung saan may isa siyang anak, ay hindi pa rin siyapinapakasalan ng bilyonaryong businessman.

"Nasagot ko na yun. Many years ago, di ba? At ‘pag ikinasalako, malalaman ninyo. Ayoko kasing ulit-ulitin, di ba? Kasi parang ‘pag nabasang mga tao, parang paulit-ulit na lang ako. Para naman akong desperada,naghahanap ng taong magpapakasal sa akin," saad niya.

Matatandaan na isa si Gretchen saoriginal cast ng pelikulang Desperadas, along with Dawn Zulueta, Pops Fernandez, andRuffa Gutierrez. Sa kanilang apat, si Ruffa lang ang natuloy samantalang yungiba ay pinalitan nina Rufa Mae Quinto, Iza Calzado, at Marian Rivera. Ngayon aymay Part 2 na ang nabanggit na pelikula at kasali muli sa nalalapit na MetroManila Film Festival, type ba niyang mapasama sa movie?

"I'll have to be the original. I wanna be No. 1. Ayoko na ngtwo or three," maikli niyang tugon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOVIE PROJECT. Ibinalita rin ni Gretchen na pagkatapos ng episode niya sa Maalaala Mo Kayaay may pelikula rin siyang gagawin para sa Star Cinema.

"Pinag-uusapan na ang movie. Naghahanap pa kami ng magandangscript. Kasi hindi naman na ako puwedeng magpa-cute. Kailangan talagangsomething like the material we did in MMK. Mature role na. Arte na talaga athindi na teeny-bopper. What do you call it? Play movie? Ayoko na ng movie,"pahayag niya.

CLAUDINE VS. ANGEL. Nagsalita rin si Gretchen sa usap-usapan ngayon sa showbizna engkuwentro diumano sa pagitan ng kapatid niyang si Claudine Barretto at ni AngelLocsin sa isang parlor. Kung alukin ba siya na makatrabaho si Angel papayag siya?

"With Claudine, yes," makahulugang sagot ni Gretchen.

Pero masasabi ba niya na si Claudine ang reigning teleseryequeen sa ABS-CBN?

"Oo naman!" mabilis niyang tugon. "Kailangan pa bangtanungin ‘yan? She is the reigning queen sa teleserye. Alam mo naman, di ba? Ilangtaon na siya diyan. Wala nang makakahigit doon, di ba?"

May intriga na insecure daw kasi si Claudine kay Angel kayanagkaroon ng engkuwentro sa kanila kamakailan. Ano ang masasabi ni Gretchen dito?

"Claudine is Claudine. Wala siyang karapatan at dahilan parasiya maging insecure kahit kanino. E, kung ma-insecure pa siya kahit kanino, ewanko na lang. Guniguni na lang ng mga taong nakapaligid. Pero nandiyan pa rin siya. Siya pa rin ang nagri-rate. Siyapa rin ang sunud-sunod ang teleserye," sabi ni Gretchen.

Paano kung mag-react ang kampo ni Judy Ann Santos sa sinabiniya?

"Well, Judy Ann, of course. Ibang level na yung mga Judy Annand Claudine, di ba? Alam naman natin yun. Healthy compitetion is very good, we needthat. Hindi puwedeng iisa lang, wala kang kalaban."

Parang sinasabi niya na hindi magka-level sina Claudine atAngel?

"Hindi naman," sabi ni Gretchen. "I mean, it's Judy Annnaman and Claudine. Sila yung talagang ano, awarded na many times."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibig sabihin, hindi siya papayag na sabihing magka-level nasina Claudine at Angel?

"Hindi pa naman."

What about a project with Claudine?

"I would love that. Kasi marami akong natutunan sa ‘ate' kongClaudine!" biro niya.

Hindi ba siya natatakot na matalbugan ni Claudine sapag-arte?

"Hindi, kasi ‘ate' ko siya. Sa kanya ako natututo sa pag-arte.Siya ang inspirasyon ko. Truly, siya ang inspirasyon ko."

SHOWBIZ CAREER. Magiging busy na talaga si Gretchen sa kanyang showbizcareer. Alam ba ito ni Tonyboy?

"My career is my career. So parang I take charge of mycareer and my schedule and with the offer sa Backroom office."

SNUBBED AS BEST DRESSED. Sumama ba ang loob niya na hindi siya ang napili na bestdressed sa Lifestyle Asia?

"Hindi kasi importante sa akin yung mga humuhusga, yung mgacompetition. Hindi naman ako sumasali sa competition. I dress formyself. And because I love it. I'm really into fashion. Kung mapili ako ohindi, hindi na importante yun. Basta sa akin, I'm the best!" tawa niya.

TITA ANNABELLE. Kumusta naman sila ni Anabelle Rama? Kamakailan ay nabalitang nagkalat diumano ang anak niyang si Ruffa ng balita tungkol sa credit-cardissue na unang lumabas dito sa PEP.

"Tita Annabelle is...she's my Tita Annabelle. She's my secondmom. She's more my mom, alam natin yun. Pinapagalitan niya ako tulad ng pinapagalitanniya si Ruffa. Sinisermonan niya ako kapag may mali siyang naririnig, and Iwelcome that dahil alam ko na mahal na mahal ako ni Tita Annabelle."

"KINDAT" ISSUE. Sa mga naglabasang issues kay Gretchen, hindi pa siyanagbibigay ng pahayag tungkol sa lumabas na balita rito sa PEP ng "pagkindat-kindat" diumano niyakay Sen. Ramon "Bong" Revilla sa burol ng yumaong aktor na si RudyFernandez noong June 8.

"What kindat-kindat? I don't know what kindat-kindat is? Idon't make kindat-kindat. Namatayan na nga kami, may kindat-kindat pa!" pahayagni Gretchen.

Dagdag pa sa lumabas na report ng PEP ay nag-dialogue pa diumano si Gretchen kungnapansin ni Bong na bagong botox ang kanyang mukha.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Ako? Mukha bang na-botox ang face ko? Hello!" bulalas ni Gretchen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN