Marvin Agustin "shocked" by breakup of ex-girlfriend Pauleen Luna and Mayor Gatchalian

"I haven't spoken toPauleen and I don't know the reason of their breakup. We don't talk naman abouteach other's relationship. But I feel she was sad when we were sending messages,pero hindi ako nagtanong. I just felt she was little bit depressed," says Marvin Agustin about the news that his ex-girlfriend Pauleen Luna has broken up with Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian.



Ibinabalik ngGMA-7 ang tambalan nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal sa mala-LovinglyYours at Magpakailanman format na drama anthology titled DearFriend. Silang dalawa ang hosts ng naturang show na maghahatid ng mga personalat tunay na buhay na kuwento mula sa letter senders.

Sa presscon ng Dear Friend kagabi, July 14, sa MandarinOriental Suites sa Gateway Mall, Quezon City, inalam ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) kung ano ang feeling ng actor-restaurateur na si Marvin sa muli nilangpagsasama sa trabaho ni Jolina.

"Masarap!" bulalasniya. "The chemistry is still there at nandun pa rin ang bubbly Jolina nanakilala ko ever since. Kung wala kaming chemistry, hindi na ninyo kamimapapanood on TV.

"Ang maganda sa showna ito, magko-contradict ang views namin at hindi scripted ang maririnigninyong ia-advice namin sa letter senders. Masarap pa namang kausap atkabatuhan si Jolens."

Idinagdag ni Marvinna malaking tulong na magkaibigan sila ni Jolina. Magkaiba man ang kanilang mgaopinyon, hindi yun magiging dahilan ng kanilang away. "Besides, we're bothmature enough and it's just a show."

Bukod sa hatak saviewers ng tandem nila ni Jolina, ano pa ang ibang rason kung bakit sila angnapiling mag-host ng Dear Friend, na magsisimula na sa July 20?

"Because we could do an episode without script at mahirap gawin yun,"sagot ni Marvin. "Spontaneous ang sasabihin namin at based sa experience naminat experiences ng mga kaibigan at kakilala namin. Ang suggestion ko nga sastaff, painumin kami ng wine habang nagte-taping para mas free flowing angadvices na lalabas sa amin! Maganda yun!"

Bukod sa DearFriend ay napapanood din ngayon si Marvin sa afternoon soap na GaanoKadalas ang Minsan. Dahil tuwing Linggo ng hapon ang timeslot ng DearFriend at weekdays naman ang Gaano Kadalas ang Minsan, tuwing Sabado lang siyahindi mapapanood sa TV, kaya nagbiro si Marvin, puwede rin siya sa Startalk.

PAULEEN-SHERWIN BREAKUP. Nabalita ang breakupng ex-girlfriend niyang si Pauleen Luna at ni Valenzuela City Mayor SherwinGatchalian, kaya hiningi ng PEP ang reaction ni Marvin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagulat ako!Kababalik ko lang from New York at yun ang balitang sumalubong sa akin.Shocking revelation at nalungkot ako. Kaibigan ko si Pauleen at talagangmalungkot when two people who are in love–" naputol niyang sabi.

"I haven't spoken toPauleen and I don't know the reason of their breakup. We don't talk naman abouteach other's relationship. But I feel she was sad when we were sending messages,pero hindi ako nagtanong. I just felt she was little bit depressed. Nalaman koang breakup nila sa Internet...sa PEP. May nag-pop up and one of the items ayyung breakup nila kaya naging interested na ako," lahad ni Marvin.

Wala bang balikangmangyayari between him and Pauleen ngayong free na ulit ang dalaga samantalangsi Marvin ay loveless pa rin?

"Mahirap sabihin,"sagot ng binatang ama. "You never think about it. Kung kayo, kayo talaga angmag-i-end. Hindi puwedeng pasok ka agad."

THE RESTAURATEUR. Sabi ni Marvin, walasiyang love life ngayon dahil sa career niya, sa kanyang twins na sinaSebastian at Santiago, at sa negosyo niya. Heto nga't pinaghahandaan na namannito at mga kasosyo ang opening ng Marciano's, ang Italian-American restaurantsa Greenbelt 3 na magiging operational starting August 8.

Sa bilang ng aktor,pampitong restaurant na niya ito at hindi pa kasama rito ang bubuksang Japaneseresto (Sumo Sam) sa Eastwood City sometime in November. Two restos in a yearang binubuksan nila. But this year, makaka-tatlo sila ‘pag nagbukas na angJapanese resto sa Eastwood City.

Madadagdagan pa angrestaurant ni Marvin ‘pag tinotoo ang sinabing gusto niyang mag-open ng restona venue for presscon lang. Nagustuhan kasi niya ang Mandarin Oriental Suitessa Gateway Mall, kung saan ginawa ang presscon ng Dear Friend.

Nag-suggest ang PEPna magbukas si Marvin ng restaurant under his name. Tinanong din namin siyabakit hindi siya nagbubukas ng bar.

"Ayoko ng restaurantna sunod sa name ko, nahihiya ako. Ayoko rin ng bar, nakakapagod. Late na angbukas ng bar at late din nagsasara at kailangang puntahan mo, mapupuyat ako. Sarestaurant, hindi ako puyat dahil may specific time ng pagsasara," paliwanag niMarvin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabiniya sa ibang artista na pumapasok sa restaurant business, pero hindisinusuwerteng gaya niya?

"You really have to man the business. Ako, Istill visit the restos once in a while at nagluluto ako. Kasama rin ako sadevelopment ng menu, tagatikim ng food, I check the food presentation, andwe travel to check restos, and attend conventions. Non-stop learning itopara malaman kung ano ang bagong service at marriage of cuisine. ‘Pag Asiancountries, twice ang travel namin at thrice naman sa States. Sa States, serviceang important, especially if it's fine dining," pagtatapos ni Marvin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN