Gretchen Barretto plays mayor's mistress in "Maalaala Mo Kaya"

"Miserably rich! Magpaka-totoo na tayo! Mas madali namantalagang magsaya kapag may pera kesa sa walang pera, di ba? Mas maramingnagagawa kapag may pera kesa sa wala," answered Gretchen Barretto when asked tochoose between being miserably rich or miserably poor.



For the longest time, ngayon lang daw ulit na-experience niGretchen Barretto ang magtrabaho ng 24 hours sa loob ng tatlong araw. Wala rawkasing inaksayang oras ang Maalaala Mo Kaya sa sinabi ni Gretchen na shewill only work from 6 a.m. to 6 a.m.

Kaya nang matapos daw ang isang eksena ni Greta ng 6 a.m.,nagpaalam na ito agad sa buong production. Natatawa ngang ikinuwento pa niGretchen sa nakaraang press conference sa 14th Floor ng ELJ Buildingang naturang pangyayari.

"Bago ko kasi tinanggap yung MMK, may deal ako namagte-taping lang ako from 6 a.m. to 6 a.m. [the next day]. E, may tapingkami sa Batangas na 6 a.m. na, marami pang eksenang natira for that day. Animpa! Aba, ang gusto nilang tapusin pa ang six more sequences, e, anim na oras payun!

"Nakikiusap sila. So, sabi ko, goodbye everybody! See you onFriday. E, Thursday na yun ng umaga!"

GRETCHEN'S BUS. Sinubukan daw ng staff kungmapakiusapan pa nila si Gretchen dahil may 30 minutes pa raw na natitira,kaso, nang puntahan daw nila ang dalang bus ni Gretchen, ang kasama na nito anghumarap at nagsabing hindi na raw kaya ng amo at pagod na pagod na. Maging anghandler niya from Backroom na si Bettina ay tulog na rin daw.

Natatawang kuwento pa ng executive producer ng show sakasamahan din nila sa production, "Sabi ko, kotse lang ang kaya kong haranginpara hindi umalis ang isang artista, pero, itong bus, tayong dalawa anghumarang."

Kaya naman "bus" na halos ang tawag ng production samalaking sasakyang dala ni Gretchen sa taping ay sa dahilang unlike otherstars, dala-dala na raw ni Gretchen ang lahat ng pangangailangan niya dahilayaw na ayaw niya na may naaabalang tao.

THE MAYOR'S MISTRESS. Gretchen is portraying the roleof a poor woman na naging kabit ng isang mayor. Personal choice ni Gretchen angnaturang kuwento among the scripts na ipinadala sa kanya ng MMK.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, when asked, kung ano raw kaya ang mas gugustuhin niya,ang maging miserably rich o ang maging miserably poor, mabilis ang naging pagsagot ni Gretch ng, "Miserablyrich! Magpaka-totoo na tayo! Mas madali naman talagang magsaya kapag may perakesa sa walang pera, di ba? Mas maraming nagagawa kapag may pera kesa sawala.

"Alam nyo, a good friend of ours, congressman ba siya noongaraw? Si Congressman [Luis] ‘Baby' Asistio, recently lang, siguro, a monthago. Ikinukuwento niya yung buhay niya sa amin. Sabi niya, ‘You knowwhat, I've been rich, I've been poor, but one thing I can tell you, its betterto be rich!'"

NEXT, MOVIE. This time, mukhang magtutuluy-tuloy nanga ang pagka-comeback ni Gretchen sa showbiz. After testing the water insinging, open na rin si Gretchen na pagkatapos ng kanyang MMK, movienaman ang susunod niyang gagawin.

Pinag-iisipan din daw ang teleserye, pero nang malamanniyang tulad ng MMK, madugo rin ang taping ng soap and it will requirethree days a week taping, natatawang sinabi, "Movie na lang ako!"

Naghahanap na raw ng magandang material for her ang StarCinema.

"Pinag-uusapan namin ang movie. Naghahanap lang kami ngmagandang script pa. Kasi, hindi naman na ‘ko puwedeng magkaroon ng script napa-cute-cute. Kailangan something like the material that we did for MMK.Mature role na talaga. Arte na talaga at hindi yung teeny-bopper na whatdo you call this, ‘play movie'? Ayoko na nun."

NOT SETTLING FOR NUMBER TWO. May nagbanggit kayGretchen na posibleng gumawa ng sequel ng Desperada, if ever, papayag naba siyang makasama sa part 2?

"I have to be the original. I don't want to be the part two.I wanna be ‘one.' Ayoko na ng ‘2' or ‘3,' tahasang pahayag nga niya.

What about a movie with her sister Claudine?

"I would love that! I would love that! Marami akongnatutunan sa ate kong Claudine. Truly, inspirasyon ko, siya ang inspirasyon kosa pag-arte," pagpapatawa pa ni Gretchen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ANNABELLE RAMA. Sa huli, contrary to what peoplethink na may isyu sa pagitan nina Gretchen at ng mommy ng kaibigan niyang siRuffa Gutierrez na si Annabelle Rama, nagpahayag si Gretchen na parang ina naniya kung ituring si Annabelle.

Diumano, nag-ugat ang galit daw ni Annabelle kay Greta dahilsa "credit card issue." Napagalitan panga raw ni Annabelle si Ruffa sa nakaraang presscon nito na mas si Gretchen paraw ang napag-uusapan instead of the product na ine-endorse, na siyangnagpa-presscon noon.

"Tita Annabelle is my Tita Annabelle. She's my second mom.She's more my mom, alam natin yun. Pinapagalitan niya ‘ko tulad ngpinapagalitan niya si Ruffa. Sinesermunan niya ‘ko kapag may mali siyangnaririnig. And I welcome that dahil alam kong mahal na mahal ako ni TitaAnnabelle."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN