Diether Ocampo dismisses review that he upstaged Gabby Concepcion in "Iisa Pa Lamang"


"Walang sapawan. Walang tama at mali sa ginagawa namin, 'cause we are being instructed by the director, based from the script nanababasa namin. Nakaka-flatter, pero ang iniisip ko lang diyan, ginagawa kolang kung ano ang inaasahan sa akin," says Diether Ocampo when told about the reviews on his and Gabby Concepcion's (inset) acting.



Nagkakawanggawa si Diether Ocampo. Kahit marami pa rin ang nagdududa sa kanyangmotibo. Kesyo may political ambitions lang daw kaya siya sumusuporta sa KIDS(Kabataang Inyong Dapat Suportahan) Foundation. Direkta namang itinanggi niDiet ang akusasyong ito nang makapanayam ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) kamakailan.

"Tatlong taon ko nang ginagawa ito, na sa tuwingbirthday ko [July 19], I spend it with the kids of the foundation. Yung ibangmga kaibigang artista, hinihikayat ko na maki-join na rin sa akin, at natutuwaako, marami ang nagre-respond.

"Ang wish ko lang, marami pang batang matulungan. Noongnakaraang eleksyon nga, may mga nag-encourage sa akin to run for vice-mayor, orcouncilor, sa Bacoor, Cavite, which is my hometown. Pero, tinanggihan ko lahat.

"Interesado ako sa pagtulong at hindi para pumasok sapulitika. Magagawa ko namang tumulong na hindi na kailangang gamitin pa angpolitics," katuwiran ni Diet.

BETTER THAN GABBY? Nagpapaka-busy na lang ang aktorsa bagong assignment niya sa ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, na gumagawa ngingay ang first few episodes. Lumalabas daw na naapi si Gabby Concepcion dahilhindi ito nakasabay sa tindi ng angst ng character na ginagampanan ni Diet sanabanggit na teleserye.

"Nakakataba ng puso yung mga papuri raw sa improvementko as an actor. Pero, hindi ko naman iniisip na natatalbugan ko na yung mga kaeksenako. Wala namang ganyan, lalo na yung role ni Gabby, na yun lang din kasi anghinihingi ng sitwasyon, at ginagawa lang namin ang kinakailangan.

"Walang sapawan. Walang tama at mali sa ginagawa namin, 'cause we are being instructed by the director, based from the script nanababasa namin. Nakaka-flatter, pero ang iniisip ko lang diyan, ginagawa kolang kung ano ang inaasahan sa akin.

"Kung ano yung opinyon na mas favorable sa akin,nakakataba ng puso, pero nanliliit ako kapag mayroong naikukumpara sa akin.Sana, hindi ganoon, 'cause pareho lang kami ni Gabby na ginagawa angmakagaganda para sa teleserye," katuwiran pa ni Diet.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinaliwanag pa ni Diet na ang role ni Gabby ay yung masnakatatandang may wisdom na, mas nakauunawa.

"Nagkataon lang na ang character ko, yung mas bata, mayangst. Mas may matinding conflict. Pero as time goes by, 'pag na-develop pa angcharacters namin, lalabas din naman yung conflicts sa character ni Gabby, kayahindi totoong mas pinapaboran ako.

"Hindi maganda ang ganoong impression, pero salamat dinnaman sa mga pumupuri. Litaw na litaw sa first few episodes ng teleserye angemosyon ko, kaya ganoon ang lumalabas na reactions," sabi pa ng aktor.

TINTIN AND ECHO. Ano naman ang masasabi niya sasinasabing pagbabalik-tambalan ng dati niyang kasintahan na si Kristine Hermosaat co-Hunks member niya dati na si Jericho Rosales?

"Natutuwa ako kasi, masugid na tagasubaybay rin ako ngteam-up nina Echo at Tintin," sabi pa ni Diet. "Totoo 'yan. Siguronga, mas tanggap ng publiko ang team-up nina Tintin at Echo kaysa yung sa amin,but I don't really mind.

"Hindi ako nagtataka na may clamor para sa kanila. Atyung personal sa amin ni Tintin, habang nabubuhay naman ako, hindi komasasabing closed chapter na yun. Hindi na nga siguro kami at may kanya-kanyarin kaming buhay, pero hindi masisira yung ugnayan namin bilang magkaibigan.

"May pambihira rin kaming pinagsamahan, di ba? Kayahindi maiaalis na tanungin pa rin kami about each other. Professionally,maganda rin na natanggap agad ng publiko na mas maganda yung naipapareha nakami sa iba't ibang artista," pagwawakas ni Diet.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN