Rafael Rosell's experience of racism while growing up in Norway

"Mahirap, kasi, nararamdaman ko noong bata ako, hindiako masyadong accepted dahil sa kulay ko. Hilaw yung pagkatisoy ko, and it waspretty obvious, hindi ako Caucasian, di ba?" narrates Rafael Rosell about growing up in Norway.



Walang pakundangan sa paghuhubad si Rafael Rosell dahilisinilang at lumaki siya sa Norway kung saan hindi na malaking deal ang body exposure. 'Ika nga niya, wala siyang pakialam, pero nagpaliwanag naman siya. Comfortable si Raf sa katawan niya, kaya naman epektibo siyabilang modelo, at nag-transform din siya bilang isang mapagkakatiwalaang aktor.

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Raf, ipinaliwanag niya ang kanyang pagka-daring at nagtanong din kami tungkol sa naging buhay niya sa Norway.

"I'm not saying that in an obnoxious manner, na walaakong pakialam na ipapakita ko na lang ang lahat, kahit hindi dapat," sabipa ni Raf.

"Hindi lang talaga ako nag-iinarte. Kasi, wala namanakong hangups. Wala akong iniisip na masama ang ginagawa ko, and I see to itna mapaganda ko ang katawan at sarili ko, para magkaroon ng katuturan yungsinasabi kong ginagawa ko, which I'm just doing because I'm modelling for Benchunderwear, right?" paliwanag ng aktor.

Kaya nga isa si Raf sa mga inaabangang liligwak sa rampa ngAraneta Coliseum, wearing the skimpiest of undies sa Blackout, ang underwear and denim show ng Bench, sa July 25.

"Masaya na akong marinig na naa-appreciate ng maramiang ginagawa ko, and fans don't find it obscene or something. Ang feeling konga, kinatutuwaan nila ako, and that's the main reason why I have to do thesethings. Kung hindi nila nagugustuhan, bakit ko pa gagawin?

"Maganda ang feedback na naririnig ko. Compliment saakin yun, kaya mas lalo ko pang pagbubutihan, at wala namang masama kung dumamipa ang exposures ko na medyo daring," sabay kindat pa ng guwapong hunk.

TRAUMATIZED BY RACISM. Naikuwento ni Raf ang tindi ngepekto sa kanya ng racism during his growing-up years sa Norway.

"Mahirap, kasi, nararamdaman ko noong bata ako, hindiako masyadong accepted dahil sa kulay ko.Hilawyung pagkatisoy ko, and it was pretty obvious, hindi ako Caucasian, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Before I reached the puberty stage, sobrang takotakong magpaitim. Noong bata pa ako, kahit every two years, we visit thePhilippines, naku, ayokong magbabad sa init ng araw!

"I stay away from the sun, kasi, may epekto sa akinyung narinig kong comment from my best friend. Kasi, may nakita kaming black manwho was playing soccer then.

"He told me, 'yuck' daw yung pagkaitim ng lalaki, kasi,yung guhit sa palm niya, lalong nagpa-obvious sa pagkaitim niya, comparing thatsa kulay ng palm niya na maputi.

"E, bata pa ako that time, kaya may effect sa akin angcomments na yun. Paano kung maging darker ako, like most Filipinos, di ba? Bakahindi na ako matanggap ng mga kakilala ko sa Norway. Naka-create yun ng malingnotion," kuwento ng actor-model.

CHANGED PERCEPTION. Inamin ni Raf. there was aconscious effort sa kanya to blend in when he was growing up in Norway.

"Pero, nagbago naman yun, when a lot of people therestarted finding exotic looks cool. Suddenly, gusto na rin nilang magpaitim.Gusto nilang kulayan ng dark ang blonde hair nila. I guess it changed thebasic perception of most Europeans.

"Noong teenager na ako, I was so happy na tinanggap parin ako ng friends ko for being what I really am, as a Filipino, na iba angkulay, kahit ano pa ang sabihin.

"I even studied ninjutsu [Japanese martial art used bylegendary ninjas] when I was younger just to defend myself. Kasi, sa tindi ngracism noon sa Norway, I figured in some fights. Hindi ako ang nag-uumpisang away, at umiiwas nga ako, pero darating ang time na kahit sa tinginan lang,may mga maghahamon na ng away sa 'yo.

"I think, I was just just in Grade 3 that time. Pero,it was just normal siguro among kids. Hindi pa nila naiintindihan, most ofthem, kung bakit nagkakaiba-iba ang mga tao, yung race at yung culture,"pagwawakas ni Rafael.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN