Jolina Magdangal says Gabby Concepcion not in her "scheme of things."

"Sa ngayontalaga, wala siya sa scheme of things ko, wala siya sa subconsious mind ko," replies Jolina Magdangal when asked if when she will be able to forgive Gabby Concepcion for backing out from the movie I.T.A.L.Y.



Parehong naka-black sina Jolina Magdangal at Marvin Agustinnang dumalo sa presscon ng Dear Friend ng GMA-7 last Monday, July 14.Tinanong silang dalawa ng PEP (Philippine Entertartainment Portal) kungnag-usap ba sila ang kanilang isusuot.

"Hindi," sagot ni Jolina. Kaya raw siya naka-formal blackdress ay may pinanggalingan siyang affair.

Si Marvin naman, consistent na laging naka-blazer kapaguma-attend ng presscon na, in fairness, bumagay sa formal venue ng MandarinOriental Suites sa Gateway Mall sa Cubao, Quezon City.

Sinang-ayunan ni Jolina ang sinabi ni Marvin na wala silangscript na sinusunod sa Dear Friend dahil hindi maganda kung scripted angibibigay nilang advice sa featured story mula sa isang letter sender.

"Hindi kami ni Marvin yun ‘pag sumusunod kami sa script atkung pipigilan kami ng sasabihin," saad ni Jolina. "Gaya ni Marvin, wala rinakong hesitation na tanggapin ito nang i-offer sa akin dahil kakaiba ang formatand real problems ang ita-tackle. Happy ako na sa amin ito ibinigay. Ngayon ngalang, nagdidiskusyon na kami, ibang klase ito. Kaya nang i-offer, umoo agadako."

So, handa na siyang maging bagong Helen Vela ng GMA-7? Ang yumaong si Helen Vela ay may programa noon saGMA-7 na pinamagatang Lovingly Yours, Helen kung saan itinatampok din ang mgaliham mula sa mga ordinaryong tao at ginagawan ng drama.

"Why not!" natatawang sagot ni Jolina.

NO JEALOUSY. Hindi ba magseselos ang boyfriend ni Jolina na si BebongMuñoz na laging si Marvin ang kasama niya? May TV show na kasi sila, may moviepa dahil kasama rin si Marvin sa I.T.A.L.Y. ng GMA Films.

"Hindi magseselos yun," sabi ni Jolina. "Enjoy nga siyangpanoorin kami, fan daw namin siya ni Marvin. Bago niya ako nakilala, gusto naniya ang movie namin [ni Marvin] na shoot in Baguio. Supportive siya pagdatingkay Marvin. Dati, noong nasa States pa siya at ‘pag may nababasa siya sa Abante,sa Internet, na malungkot si Marvin, tatawag sa akin, i-text ko raw siMarvin. Wala nang selos-selos sa amin, seven years na kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung movie naman, yung pagpasok ni Marvin sa I.T.A.L.Y.,secret dapat yun. Bakit ninyo nalaman? Bawal pang sabihin ang role niya,"nagtatakang sabi ng singer-actress-TV host.

Sa tingin niya, may part si Marvin sa wedding nila niBebong?

"Bakit hindi? Ang tagal din naming magkatrabaho atmagkaibigan at naging part namin ang isa't isa sa showbiz."

NO PROPOSAL YET. Speaking of weddings, nag-propose na si Ryan Agoncillo sakaibigan ni Jolina na si Judy Ann Santos at malapit nang ikasal. Sila niBebong, kailan ang planong magpakasal?

"Sabi ko nga, choice nina Juday at Ryan yun and I'm happyfor them. Si Bebong, hindi pa nagpo-propose. Alangan namang ako angmag-propose? Mas maganda kung masu-surprise ako."

Posible bang magkaroon ng double wedding, as in sabay angkasal nila ni Bebong sa kasal nina Judy Ann at Ryan?

"Huwag naman!" tawa ni Jolina. "Kanya-kanyang moment nalang. Moment nila ni Kuya Rye ang wedding nila, may moment naman kami ni PapaB. Minsan lang ikasal ang isang tao, bakit naman pagsasabayin? Bata pa kami,masyado na kaming pinagbabangay. Pati ba naman sa personal, pagbabangayan pakami?"

DISAPPOINTING TEXT VOTES. Napag-usapan din ng PEP at ni Jolina ang Pinoy Idol. Inamin niya na disappointed ang Pinoy Idol judge sa resulta ng textvotes. May mga sumusunod daw sa paalala nila nina Ogie Alcasid at Wyngard Tracy tovote wisely, pero karamihan daw ay pasaway at hindi marunong bumoto. Basta'tkamag-anak at kaibigan, yun pa rin ang ibinoboto kahit hindi masyadongmagaling.

"Nalulungkot ako at nasasayangan ‘pag may magaling nanae-eliminate. Sayang na sayang ako kay Robby Navarro. Kayo ba nalungkot din?"tanong niya.

"Laging maganda ang comment sa kanya [Robby]," patuloy ni Jolina, "pero dahil mababa angtext votes, naalis siya. Hiningi sana namin fifty-fifty, hati ang votes fromtext votes at judges votes, pero may sinusunod na rule sa Fremantle bible.Kahit ano ang sabihin namin, ang tao pa rin ang nasusunod."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JOLENS ON GABO. Akala namin ay matatapos ang interview kay Jolina ng ganunlang, pero nag-iba ang mood ng kuwentuhan nang may magbanggit na hindi raw siyakilala ni Gabby Concepcion as "Jolens," na palayaw ng multi-media star

Automatic ang reaction ni Jolina na: "I feel sorry for him,na-pull out yata ang Lucida [whitening product na ini-endorse ng actor] sa market.Based lang sa napanood ko sa TV ang sinasabi ko, ha!"

Akala raw kasi ni Gabby si Jobert Sucaldito ang tinatanongsa kanya. Sabi naman ni Jolina, malayo ang pangalan niya kay Jobert.

Anyway, payag pa rin ba siyang makatrabaho si Gabby?

"Sa ngayon, hindi ko muna iniisip hangga't hindi palabasang I.T.A.L.Y.," sagot ni Jolina.

Ano ang dapat gawin ni Gabby para mapatawad niya sa ginawangpag-backout sa movie nila?

"Ewan ko, wala akong maisip, hindi ko naisip. Sa ngayontalaga, wala siya sa scheme of things ko, wala siya sa subconsious mind ko."

Kung susulat si Gabby sa Dear Friend, anong magiging payo niya?

"Bigyan niya ng time ang dad niya dahil sabi niya, angdaddy niya ang rason kung bakit siya umuwi. Mag-effort siyang bigyan ito ngtime, love, and everything."

Nang sabihin ng PEP na first time siyang nagtaray,pinakinggan ni Jolina sa tape recorder ang sagot niya sa Gabby issue at walasiyang nakitang pagtataray. May binago lang siyang konting salita sa structureng sentence na sagot niya, pero hindi nito binawi ang kanyang sinabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN