Mylene Dizon gets rave reviews for her performance in "100"

"You know what, I have seen the others also. I think thereare deserving actresses also. Pero kung igagawad naman sa akin, aba, bakithindi ko naman tatanggapin, di ba?" says Mylene Dizon when asked about the possibility of winning the Best-Actress award in Cinemalaya this year.



Pinalakpakan nang husto ng mga tao ang independent digitalfilm na 100 pagkatapos ang screening nito kagabi, July 15, sa Cinemalaya Festival saCultural Center of the Philippines. Pinagbibidahanito ni Mylene Dizon, kasama sina Eugene Domingo at Tessie Tomas.

Napanood na raw ni Mylene dati ang kabuuan ng movie, perokagabi lang daw niya narinig at nakita mismo ang response ng mga tao sa ginawanilang pelikula.

"Napanood ko na siya noong mag-screening kami sa Unitel.Pero ano lang yun, maliit lang ang screen, hindi pa ganito kalaki. It feelsreally good na malamang maganda yung response ng mga tao. Actually, noong unasiyang ipinalabas sa Cinemalaya, wala ako rito. Pero ang dami kong text nanakuha na puno raw at grabe raw ang response!

"And then, one day when I went to Cinemalaya to watch othermovies, people were approaching me and telling me how great the movie was.Siyempre naman ako, alam ko kasi ang kuwento and it's really different, Iguess," very proud na kuwento ni Mylene sa PEP (Philippine EntertainmentPortal) after the screening.

Nang unang i-offer nga raw sa kanya ang movie, nagustuhan na niya ito agad.

"Oh yes, yes! Kasi highly recommended din ni Eugene Domingo.Sabi niya, ‘Maganda ‘to, mare!' ‘Tapos si Marlon Rivera, binigyan niya rin akong, ‘Try mo, ikaw ang bida rito.'"

Ang kuwento ng 100 ay tungkol sa isang single lady na maycancer at tinaningan ng kanyang doktor ng 100 days to live . Matatawa at maiiyakka sa approach ng movie.

Tinanong ng PEP si Mylene kung mangyari kaya sakanya ang ganoong sitwasyon, will she also do the same thing na mga ginawaniya bago siya mamatay sa 100?

"Hindi lahat ng bagay run," sagot niya. "Pero nagkaroon dinako ng sariling listahan while we were shooting. Napaisip ako, ano ba talagaang mga bagay na dapat at gusto kong gawin bago ako mamatay?"

NUDE SCENE. Kung may hahangaan man ang mga manonood sa mga indie filmsay ang pagiging matapang ng mga artistang nagsisiganap dito. ‘Tulad na lamangnina Mylene, Eugene, at Tessie na may eksenang naghubo't hubad silapatakbo sa dagat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ginawa ko na rin ito dati, sa Gatas. I think, mas brave panga ‘yon. But it's a long time and, actually, nakaka-encourage kasi pumayag siTessie Tomas. Kinailangan pa namin siyang painumin ng wine para lang magawaniya. Parang isang buong buwan niyang pinaghandaan, nakakaloka! Pinaghandaanniyang talaga!" masayang kuwento ni Mylene.

BEST-ACTRESS CONTENDER. Sa Sunday, July 20, ang awarding ceremony ng lahat ng moviesna for competition sa Cinemalaya. Ngayon pa lang, matunog na nga ang pangalan niMylene for Best Actress. Ano ang masasabi niya rito?

"You know what, I have seen the others also. I think thereare deserving actresses also. Pero kung igagawad naman sa akin, aba, bakithindi ko naman tatanggapin, di ba?"

Para kay Mylene, addictive daw gumawa ng mga indie film.

"Sabi ko nga, sana next year makuha ulit ako. Sana may entryulit ako. It's really nice to be a part of Cinemalaya. Ang sarap kasi ngcommunity dito. You come here and then you watch the other great filmmakers. It'sso refreshing and it's so encouraging!"

MYLENE'S ESCORT. Nang dumating si Mylene to grace the gala night of 100, kasama niya si Paolo Paraiso, ang ama ng kanyang anak.

Natatawa itong sumagot na, "He's supporting me, he'ssupporting the film. And, of course, ‘yang si Paolo naman, hindi na ‘yanmawawala sa buhay ko. Sa lahat ng espesyal na bagay na mangyayari sa akin, Iwould want him to be there."

Hindi pa ba sila nagkakabalikan?

"Ay naku, hindi talaga! Friends kami! Yun lang yun!" diin niMylene.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN