Tessie Tomas drinks wine before doing nude scene in "100"

"Ang talagang muntik lang akong hindi matuloy dahil doon saskinny-dipping. E, hindi naman talaga madaling gawin, di ba? Pero ngayongsinabi nilang maganda raw ang puwet ko, okey rin!" says Ms. Tessie Tomas.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktresna si Tessie Tomas pagkatapos ng screening ng indie film na 100 sa Cinemalaya sa CulturalCenter of the Philippines kagabi, July 15. Si Tessie ang gumanap bilang ina niMylene Dizon sa 100, isa sa competing films sa Cinemalaya, at maramiang nagulat sa ginawa niya sa isang eksena sa pelikula.

Ayon kay Tessie, natutuwa raw siya sa nakitang response ngtao sa movie nila.

"Hindi ko inakalang ganoon ang response. Para kasing kapaguna mong pinanood, parang malungkot. Pero magaganda ang feedback na maganda rawang treatment. Ang dami-raming compliments sa acting. So parang its worthit talaga. Literally, nakakalasing talaga," lahad ni Tessie.

Pagkabasa pa lang daw ni Tessie ng script ay nagustuhan naniya ito. Pero aminado siyang muntik na siyang hindi matuloy dahil sa eksenangskinny-dipping, kung saan ni-require talaga sila nina Mylene at Eugene Domingona maghubad ng lahat ng damit nila.

"Ang talagang muntik lang akong hindi matuloy dahil doon saskinny-dipping. E, hindi naman talaga madaling gawin, di ba? Pero ngayongsinabi nilang maganda raw ang puwet ko, okey rin!" tawa ng ace comedienne.

Matinding kumbinsihan nga raw bago napapayag si Tessie na tanggapinang role at, higit sa lahat, pumayag na mag-skinny-dipping sa isang eksena. Sabuong career nga naman niya, ngayon pa lang siya napapayag na maghubad.

"Ni-refer ko sa asawa ko [Roger Pullin]. Noong sinabi ngasawa ko na, okey ako. Tumawa lang siya. Parang lumakas na rin ang loobko. At saka sabi ng director [Chris Martinez], ‘Just trust me kasi, malayonaman ang shot,' which is right. And after that, parang baptism of fire sa akinyun that there's nothing to be embarrassed for as long as it's called for,"lahad niya.

Totoo raw na tinulungan siya ng mga co-stars niya na sinaMylene at Eugene para lumakas ang loob niya.

Kuwento niya, "Pinainom nila ako ng wine. Siguronaka-pangatlong glass ng wine na yun kaya medyo dark na ang labi ko. Kungmapapanood mo ulit, makikita n'yo na medyo dark na, tipsy na ako ro'n."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

After doing that scene, pakiramdam daw niya ay nagkaroon nasiya ng katapangan in accepting more daring roles.

"Siguro ang gagawin ko muna, mas pagandahin ko pa angkatawan ko. Para mas may confidence pa. Siyempre, iniisip mo, ‘Ang taba-tabamo!' So, mas papagandahin ko pa ang katawan ko and then, I can accept moredaring roles. Pero ang importante, called for. At saka sa kabuuan,kailangan yung eksenang yun, di ba?" saad ni Tessie.

Pangatlong independent film na raw ni Tessie ang 100.Pero basta may magandang material, talagang ginagawa at sinusuportahan niyaang mga indie movies.

"Basta maganda ang role, tinatanggap ko kahit mababaang budget," sabi ni Tessie bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN