Teen star Nina Jose starstruck by FHM's Sexiest Marian Rivera

"Sobrang gusto ko talaga siyang makita before inperson dahil sa TV ko lang siya nakikita and now na nakita ko siya, I wasreally starstruck!" beams Niña Jose (right) about meeting Marian Rivera.


Labis na tuwa ang naramdaman ng Kapamilya teen star na siNiña Jose sa unang pagkikita nila ng top Kapuso young actress, ang itinanghalna FHM's Sexiest Pinay na si Marian Rivera sa dance rehearsal nila noongLinggo, July 13, para FHM's 100 Sexiest Women Victory Party. Gaganapin ang malakingevent na ito ngayong gabi, July 17, sa World Trade Center sa Roxas Blvd.

Isa si Niña sa sexy cover girls ng FHM na magpapamalasng sexy dance number sa nasabing event. Nagkataon namang nagkasabay sila ngrehearsal ni Marian dahil sa mahigpit nilang schedules.

Kuwento ni Niña sa PEP (Philippine Entertainment Portal),"While I was waiting at the car for my turn to rehearse, sinabi sa akin ng mgastaff ng FHM na baka magkasabay kami ng rehearsal [ni Marian] kaya bigla akongnapalabas sa car at nabuhayan! Sobrang gusto ko talaga siyang makita before inperson dahil sa TV ko lang siya nakikita and now na nakita ko siya, I wasreally starstruck!"

Ayon sa isang staff ng FHM, sa tuwing nagkakaroon ng break angrehearsal nila ay panay ang kaway at pa-picture ni Niña kay Marian.

"Nakailang pictures ako with her kasi I know minsan ko langsiya makakasama sa isang event kaya sinusulit ko na!" natatawang sambit ng teenstar.

Kahit pagod galing sa taping ng Dyesebel, nagpaunlak pa rinsi Marian na makipag-picture kasama si Niña. Halata ring natuwa ang Kapuso gemsa teen star na produkto ng first season ng Pinoy Big Brother Teen Edition ng ABS-CBN.

Naitanong din ng PEP kay Niña kung tuluy-tuloy na angpagpapa-sexy niya sa mga show, lalo pa't pumayag na siyang magpa-pictorial saFHM.

"That I am not sure," sagot niya. "Sabi kasi sa akin,parang gusto daw nilang ibahin yung image ko na hindi na pa-teeny-bopper effect.They want more mature Niña."

Sa ngayon busy si Niña sa primetime show niya sa ABS-CBN naMy Girl kasama sina Gerald Anderson at Kim Chui. Nabanggit din ng isangkasamahan ni Ninana may nakalatag na movie offer sa kanya ang Regal Entertainment,pero wala pang malinaw tungkol ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil rarampa si Niña sa FHM event mamayang gabi, ano kayaang aabangan ng mga manonood sa kanya?

"They just have to find out. But definitely they willwitness a different and sexier Niña Jose!" nakangiti niyang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN