Baron Geisler happy about positive reviews on his performance in "Jay"

Baron Geisler plays a gay TV reporter in Jay. Henearly let go of the role when he was advised by Director Maryo J. delosReyes not to do it. "Alam na ni Direk Maryo yung point ko kung bakitipinaglaban ko ang movie, hindi dahil lang sa gusto kong gumanap ng gay role.Yung mismong project, nakita ko yung promise."



Laki sigurong pagsisisi ni Baron Geisler kung napalagpasniya ang pagkakataong gampanan ang role na Jay Santiago, isang fictitious gay TV reporter, na gagawin ang lahat to come up with a sensationalstory sa Cinemalaya indie hit na Jay.

TOLD NOT TO DO IT. Pinag-uusapan si Baron dahil sakanyang mahusay at very daring na performance sa nabanggit na pelikula, tothink na sa umpisa ay maraming dumi-discourage sa kanya na huwag itongtanggapin.

"Yeah, noong una, I was advised by Direk Maryo [J.delos Reyes] na huwag tanggapin ang movie dahil sa sayang daw ang macho imageko. Katuwiran ko, iba naman ang role ko sa Torotot na dinirek niya, andI want to do the gay role for my craft.

"Hindi ito dahil sa image lang, kasi, super-straightnaman ako. Kilala ko ang sarili ko. This is just acting," natatawang sabi pang actor nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Naliwanagan ang kung anu-anong negative impressions na nabuonang finally ay maipalabas ang Jay, at pinupuri-puri nga ito ng mgakritiko.

"Kahit mahina nga ang budget ng pelikula, inilaban parin namin. I shelled out money for this project also. Tulung-tulong na,"sabi pa ni Baron.

"Sobrang pasasalamat ko dahil yung paniniwala namin saproject, nagbunga naman dahil nagustuhan ninyo.

"Alam na ni Direk Maryo yung point ko kung bakitipinaglaban ko ang movie, hindi dahil lang sa gusto kong gumanap ng gay role.Yung mismong project, nakita ko yung promise."

A WINNER ALREADY. Pinagpapawisan si Baron nangkausapin ng PEP pagkatapos ng premiere ng Jay sa Cultural Center of thePhilippines.

"Hindi ko kasi alam kung paano ito tatanggapin ng mgatao. Ngayon, alam ko na marami ang nagkakagusto, winner na kami, hindi pa man.

"Tama na sa akin ang ma-nominate ako. I'm not expectingto win. Basta, maraming salamat sa pagkaka-notice sa pinagpaguran ko sa movie,kasi, so far, this is the most complex and most difficult role na ginampanan kosa buong career ko," sabi pa ni Baron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

REDEEMING HIMSELF. Umaasa kaya si Baron na mababagona ang tingin ng publiko sa kanya dahil sa mga pelikula niya? Sinasabi ringnapakahusay ng pagkakaganap ni Baron sa Torotot na si Direk Maryo J angnagdirek para sa Viva Digital.

"I just hope, ma-appreciate nila, na ginagawa ko anglahat para ma-hone ang craft ko as an actor. Yun lang naman ang gusto ko.

"I just hope and pray na ma-redeem ko naman ang sariliko dahil these past few days, grabe ang mga kontrobersyang nasangkutanko," at napailing na lang siya.

NO COMMENT ON PATRICIA. Ayaw nang mag-comment muna niBaron sa kaso nila ng anak nina William Martinez at Yayo Aguila na si Patricia.

"Naipasa na sa korte yung affidavit ko, at bahala nalang ang husgado. People have heard the sides of the story, at bahala na langang korte na gumawa ng verdict. Haharapin ko naman ito," sabi ni Baron.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN