Robin Padilla visits Manny Pacquiao in GenSan

"Nang magkausap kami ni Manny pagkatapossabi ko sa kanya, puwedeng-puwede pala talaga siyang maging pulitiko. Kungnoong araw ay ayoko siyang kumandidato, ngayon, sa nakita kong pag-aasikasoniya sa mga tao, payag na akong kumandidato siya. Biro ko nga sa kanya,bugbugin niya ang mga nasa kongreso," says Robin Padilla about his visit to General Santos City.



Fresh from General Santos City si Robin Padilla nang dumalosiya sa presscon niya bilang celebrity endorser ng Lungcaire Plus ng Macropharma Corporation. Naganap ang product launching sa Annabel's restaurant, Tomas Morato Ave., Quezon City, kahapon,July 17.

Nagkaroon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng pagkakataonna makausap si Robin bago nagsimula ang presscon sa standby place niya saAngela Room ng restaurant. Binati muna namin siya dahil sa magandang finale atmataas na rating ng Joaquin Bordado.

Ano ang kasunod niyang gagawin ngayong wala na siyangpinagkakaabalahang taping?

"Tinatapos ko pa po muna ang mga pagpapalang dumaratingsa akin!" natatawang sagot ni Robin. "Isa nga po sa pagpapalangdumating itong pag-i-endorse ko ng Lungcaire Plus na alam kong makatutulong saakin. One month na po akong umiinom nito at napansin kong kahit ako pagod satrabaho, pakiramdam ko malakas ang baga ko at maayos ang aking paghinga kahitnag-a-action scenes ako.

"Mapapatunayan ko po talaga kung gaano ka-effective sa akinito kapag nagsimula na akong mag-training para sa susunod kong action-drama saGMA-7, ang Totoy Bato. Sa ngayon po kasi, nakatatakbo ako ng 20 miles na hindinakakaramdam ng pagod. Pero 150 pounds lang po ako, kaya hindi ko alam kapag 200 pounds na ako, na siyang requirement weight sa role ko sa Totoy Bato, kung ganoonpa rin ang magiging pakiramdam ko."

MEETING WITH PACMAN. Kinumusta naman ang muling pagkikita nila ng World BoxingLightweight Champion na si Manny Paquiao, na inimbitahan siyang dumalaw sabayan nito sa General Santos City?

"Maganda po at muling nabuksan ang tipan ngpagkakaibigan namin ni Manny. Matagal-tagal na rin po kaming hindi nagkakausapdahil pareho kaming naging busy, pero natutuwa po ako sa mga karangalangnatanggap niya. Humaba po ang aming pagkukuwentuhan at natuwa ako na maramipalang kuwento sa aming dalawa na hindi naman totoo at nagkaliwanagan na kami tungkolsa mga maling balitang ‘yon.

"Pero ibang-iba po pala talaga si Manny, talaganghahangaan mo siya. Personal siyang nag-asikaso sa lahat ng mga tao roon. Siyatalaga ang punong-abala kaya mahal siya ng mga kababayan niya. Kahit poumuulan, naroon talaga ang mga tao, libu-libo sila, at hindi sila umaalis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para matupad ni Manny ang pangako niya sa mga kababayanniya na makita ako doon, nag-motorcade na kami mula sa GenSan hanggang saSaranggani. Kahit umakyat pa kami ng bundok, siguro mga 45 minutes away ‘yon saGenSan, napakarami pa ring tao!"

Kuwento pa ni Robin, "Nang magkausap kami ni Manny pagkatapossabi ko sa kanya, puwedeng-puwede pala talaga siyang maging pulitiko. Kungnoong araw ay ayoko siyang kumandidato, ngayon, sa nakita kong pag-aasikasoniya sa mga tao, payag na akong kumandidato siya. Biro ko nga sa kanya,bugbugin niya ang mga nasa kongreso. Pero hayaan po muna nating tapusin niyalahat ng mga laban niya."

"TOTOY BATO." Napag-usapan ba nila ang tungkol sa Totoy Bato na sabi'ypagsasamahan nila?

"Hindi pa po ‘yon ang tamang oras at lugar," sagot niRobin. "Pero sinabi ko na po sa kanya na ‘yon ang plano ng GMA-7, na pagsamahinkami sa Totoy Bato. Sabi ko sa kanya, napakaganda pala ng Gen San at puwedekaming mag-taping doon. Payag naman siya at tinanong niya kung ano raw angstory ng action-drama series. Pero ang nasabi ko pa lang sa kanya, bagay sakanya ang role dahil siya naman ang tunay na boxer.

"Ang title ng series, si Direk Carlo Caparas na siyangsumulat ng nobela at ang GMA Network, ayos na ‘yon. Twenty percent ng storydoon sa unang ginawa ng idolo kong si Fernando Poe Jr., ayos na rin ‘yon. Pero yung80 percent ng story ay nasa utak ko pa lang, at iyon po ang susunod namingpag-uusapan."

Totoo bang kasama raw pumunta ng GenSan si Katrina Halili?

"Opo," pagkumpirma ni Robin. "Kasi special request raw pong mga kababayan ni Manny na makita naman nang personal si Katrina doon.Paborito raw po nilang panoorin ang afternoon drama ni Katrina na Magdusa Ka.Nagkaroon po ng maikling show at nagpasalamat din ako sa mga taong pumunta roonpara makita lamang kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ng manager ni Robin, nag-request pa raw ng kiss ang mgatao kina Robin at Katrina. Nag-smack daw naman ang dalawa kaya nagpalakpakanang mga tao.

FAMILY BONDING. Tuloy ba ang family bonding nila sa Baguio City?

"Hindi na po, dito na lang kami nag-bonding. Kailanganna pong bumalik sa Australia ni Liezel at mga anak naming sina Zhen Zhen at Alidahil may classes na sila. Sa pag-uwi ko na lang sa Australia for my training,saka namin itutuloy ang bonding naming," pagtatapos niya.

Bukas, July 18, ay may meeting si Robin para sa pelikulaniya sa GMA Films, ang Sundo, kung saan makakasama niya sina Sunshine Dizon atRhian Ramos. Next week, aakyat na sila sa Baguio para sa shooting ng suspense-thrillermovie na ididirek ni Topel Lee sa script ni Aloy Adlawan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN