Matt Evans gets rid of curly locks for his role in "Iisa Pa Lamang"

"'Yung big bosses ang nagsabi sa akin na subukan ko nayung ganitong hairstyle. Tapos na yung mga araw na curly ang hair ko...gustonilang sumubok ako ng drama at tingnan kung ano ang potentials ko sa drama,"says Matt Evans.


Umiiba ng diskarte ang young actor na si Matt Evans. Isa sa iilang masuwerte siMatt, lalo na nang ipagkatiwala sa kanya ang pagiging bida sa Pedro Pendukoseries noon sa ABS-CBN na talaga namang naging super-hit sa mga manonood. Ngayon,may attempts na magpaka-versatile si Matt.

"First drama soap ko bale ang Iisa Pa Lamang,"bungad ng young actor nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal)."I play the role of Toby Torralba, bale kapatid ko si Gabby [Concepcion]sa series, at challenging ang role ko dahil rebelde, kaya may inner conflict.

"Kami pa rin ni Melissa [Ricks] dito, and I'm happy naganoon. Kasi, comfortable with each other na kami. Bale si Melissa angsinasabing 'Iisa Pa Lamang' sa buhay ng character ko rito. Bawat isa kasi saamin, may taong parang pinakamahal sa amin. Ganoon," pahapyaw na kuwentoni Matt tungkol sa bagong teleserye ng ABS-CBN.

Mula sa Pedro Penduko, naisalang pa si Matt sashort-lived na Princess Sarah at nakasama pa siya sa isang month-longseries na itinampok sa Your Song.

Sabi pa ni Matt, "Kung tutusin, mula sa Pinoy Big Brother Teensnoon, nagtuluy-tuloy ang exposure ko sa TV. Naging regular pa ako sa ASAP,hanggang ngayon."

NEW IMAGE. May pagka-clean-cut,boy-next-door na ang appeal ni Matt ngayon.

"'Yung big bosses ang nagsabi sa akin na subukan ko nayung ganitong hairstyle. Tapos na yung mga araw na curly ang hair ko,"natatawang sabi ni Matt.

"Sa Princess Sarah, nasubukan ko pa yunglong hair ako. May pagka-character ako noon, and this time, gusto nilangsumubok ako ng drama at tingnan kung ano ang potentials ko sa drama.

"Mas gusto ko na itong ganitong malinis ang itsura kosa hairstyle ko. Mas comfortable ako. Baka subukan ko uli yung kulot ako, if arole requires na ganoon. But as of now, okey na muna ako sa ganito.

"'Pag kulot kasi, ang init!" nasabi na lang niMatt habang nangingiti.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FROM PBB TEENS TO DRAMA. Hindi naman dawnababahala si Matt dahil may bagong batch na ng PBB Teens. Baka ngamaitsapuwera na siya.

"Naririto pa rin naman ako kaya hindi ko iniisip naganyan. Trabaho lang ako nang trabaho. Habang nagtitiwala sila sa akin,sasamantalahin ko ito by doing what's best for me or for the show kung saankasama ako.

"Pinagsasama-sama nga kami, e. Like ang isa sa kasamako sa bagong PBB Teens, si Beauty [Gonzales]. Yung iba , magkakasama sa MyGirl. Palagay namin, ang mas makabubuti, magsuportahan na lang kami, parawalang problema," nasabi na lang ni Matt.

Marami pang gustong subukan si Matt. Hindi pa raw siyanakakapag-Maalaala Mo Kaya. Gusto talaga niyang mag-heavy drama.Nasubukan nang mag-action at comedy ni Matt. This time, drama naman.

REAL SCORE WITH MELISSA. Ano na rin nga ang realscore sa kanila ni Melissa?

"Ganoon lang talaga kami ni Melissa," sabi paniya. "We're really just friends, at mas gusto na namin ang ganito.Nakikilala pa namin ang isa't isa, while working.

"So far, wala pa namang balak ang ABS-CBN na i-partnerkami sa iba. Kaya habang ganito, ini-enjoy na lang namin. Gusto rin naman kaming fans, I guess. Lagi nga kaming magkasama dahil halos araw-araw, sa trabaho,magkasama kami, at nagkakahiwalay lang kami kapag pauwi na galing sa trabaho.

"E, 'pag nasa bahay naman, nagtatawagan pa kami, kayaparang hindi rin kami naghihiwalay," natatawang pagwawakas na lang niMatt.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN