Fans in Cebu mob Sarah Geronimo and John Lloyd Cruz love team

"Si John Lloyd po kasi mabait, caring, and thoughtful. Hindiko nga po akalain na ganun siya. Kayangayon po I can say na mas at ease na ako sa kanya," Sarah Geronimo says of herleading man John Lloyd Cruzin A Very Special Love.



Nasaksihan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) angnapakainit na pagsalubong at pagtanggap ng mga Cebuano sa mga bida ng A Very Special Love ng Star CinemaProductions na sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo kahapon, Biyernes, July18. Pagdating pa lang sa airport nung umaga ay dinumog na agad ng fans angdalawa.

Tumuloy sina John Lloyd at Sarah kasama ang kanyang MommyDivine sa Parklane Hotel na nasaArchbishop Reyes Avenue corner Escario Sts. saCebu City. Nagpahinga lang ng ilang oras ang dalawa bago humarap samembers of the press sa Cebu sa presscon na inihanda ng JSP Productions headedby Josie Pereyra.

Wala pang tulog sina John Lloyd at Sarah that day dahil fouro'clock in the morning nung Biyernes natapos ang shooting nila. Umuwi langsandali sa kani-kanilang bahay ang mga bida ng A Very Special Love saka dumiretso sa airport.

SARAH THE SUN DANCER.Three o' clock na bumaba sina John Lloyd at Sarah from their respective roomssa second floor ng Parklane Hotel kung saan ginanap ang presscon. Marami angnatuwa sa mga eksena ni Sarah sa pelikula, especially ang kanyang "sun dance"scene.

Nakuwento rin sa amin ng ina ni Sarah na si Mommy Divine nadahil sa eksenang sumasayaw-sayaw ang anak niya sa movie nila ni John Lloydpara huwag umulan, tinutukso tuloy ang bunsong anak niya sa eskuwelahan at tinatawagna "Sun Dance." Pero marami rin ang kinikilig sa mga eksena ni Sarah kapag kaharap niya si JohnLloyd.

"Kasi everytime na magkaeksena kami, natutunaw ako,"sabay tawa ni Sarah. "Kasi si John Lloyd once na nasa set, in character nasiya. Kaya ganun din ang ginagawa ko."

SARAH'S BIRTHDAY.Hindi rin lingid sa mga taga-Cebu na magse-celebrate ng kanyang 20th birthdaysi Sarah on July 25. Kaya may nagtanong sa kanya kung ano ang gusto niyangmatanggap na regalo mula kay John Lloyd.

"Hindi naman ako materialistic na tao. Sabi ko sa kanyaregaluhan niya ako ng Chanel bag. Ha-ha-ha!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam ninyo po, tuwing birthday ko, umuulan. May mga timenga po nung bata ako kapag dumarating ang birthday ko, ang lungkut-lungkotko. Kasi po nasa bintana lang ako, pinapanood ko lang yung ulan. Wala kasipang-party. Pero masaya po ako na makasama lang ang family ko at healthy polahat."

Kungmay one wish ba siya na hihilingin ngayong kaarawan niya, ito kaya ay angma-meet na ang magiging boyfriend niya?

"Hindi ko po yun wini-wish. Kung darating talaga, daratingpo yun. Kung hindi, hindi.

"One [wish] lang? Siguro ito na lang, success of our movie. Dahil talagangpinagpaguran namin ‘to. Umuuwi lang kami para maligo. Sana ma-appreciate ng tao ang ginagawanamin ni John Lloyd."

Masasabi ba niya na perfect guy para sa kanya si John Lloyd?

"Naku, napapatayo na naman ako sa tanong. Ah, vocal naman ako sa pagsabi nasome of the qualities na hinahanap ko, e, nasa kanya. Pero di ko po yunmasasabi, as in tinutuldukan ko na hanggang doon lang yun."

GOT CARRIED AWAY? Ipinalabas din sapresscon ang music video ng A VerySpecial Love kung saan kinanta ni Sarah ang theme song ng pelikula.

Kung may pipiliin siyang linya sa kanta at ide-dedicate niyafor John Lloyd, anong part ito?

Nag-isip muna nang husto si Sarah bago sumagot, sabay awit, "You're not likethe rest. I know you're the best."

Dahil diyan, marami ang nagdududa na nadala talaga si Sarah sa mga eksena nilani John Lloyd kaya natural na natural lumabas ang mga pagpapa-cute niya saaktor sa A Very Special Love.

"Hmm... yun nga po ang napansin ko talaga sa mga love team, madadala ka talaga.Pero kailangan pa rin may control. You should be professional. Si John Lloyd pokasi mabait, caring, and thoughtful. Hindi ko nga po akalain na ganun siya.Kaya ngayon po I can say na mas at ease na ako sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nung mag-guest si John Lloyd sa The Buzzlast Sunday sinabi niya na sa mga artistang babae ngayon, nag-iisa lang siSarah.

"Very flattering po, nakakatuwa na marinig. Coming from him, it'sa compliment talaga."

SARAH IN BLACKOUT. Sa mismong birthday ni Sarahay may dubbing sa umaga at kasali rin siya sa Bench Blackout. May nagtanong kay Sarah kung magbi-bikini ba siya sashow.

"Ay, hindi po! Wala po akong balak mag-bikini."

Tinanong din siya kung ano ang kanyang dream role.

"Sa tingin ko gusto kong maging superhero, lalo na batang-isippa ako," natatawang sabi ni Sarah.

"Pero hindi po si Darna. Hindi ko ini-imagine na masusuot koyun [outfit niya].

"Wonder Woman? Kahit yun," tawa ulit ni Sarah.

"Kahit one-piece pa yun hindi ko pa kaya."

SARAH AND JOHN LLOYDAT SM CEBU. Pagkatapos ng press conferenceay dinala na agad sina John Lloyd at Sarah sa SM Cebu City para sa kanilangmall tour. Doon ay naghihintay angnapakaraming fans nina John Lloyd at Sarah. Pagpasok pa lang sa backstage aynapakalakas na sigawan ang sumalubong sa kanila mula pagpasok sa backstage saground floor ng SM Cebu City, pati na ang mga nagsisiksikang crowd sa second andthird level ng mall.

Unang tinawag sa stage si John Lloyd, kasunod angnakakabinging tilian ng crowd at halos hindi na marinig ang kinakanta niya namay pamagat na "Ngiti." Sumunod na nagsolo si Sarah at kinanta ang sariliniyang awitin na "Ikaw."

Pagkatapos ay nag-duet na sina John Lloyd at Sarah ng themesong ng movie nila. Dito naging wild na ang di mahulugang karayom na crowd sapalibot ng entertainment area ng SM Cebu City sa ground floor. Hanggangsa di na napigilan ng mga security ang pag-akyat sa stage ng fans saka dinumogsina John Lloyd at Sarah.





Trailer courtesy of Star Cinema


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN