John Lloyd Cruz praises his leading lady Sarah Geronimo for her "virginal outlook"

"Si Sarah, very oblivious sa mundo. Hindi naman naïve. Yungoutlook niya kasi sa buhay very virginal. Yung intentions niya are pure andtrue. That's what I mean. No malice. Ganun siya. Kakaiba na sa panahon ngayon.Walang ganun katulad niya. It's refreshing lang na makakilala ng taongtulad niya sa panahong ito," says John Lloyd Cruz about his leading lady Sarah Geronimo in "A Very SpecialLove."



Humarap sa entertainment press ng Cebu City ang aktor na si John Lloyd Cruzkasama ang leading lady niya na si Sarah Geronimo bago pumunta ng SM CebuCity para sa mall tour ng movie nilang A Very Special Love ng Star Cinema Productions at Viva Films.

Ditotinanong si John Lloyd kung ano ang ibibigay niyang birthday gift kay Sarah namagse-celebrate ng birthday on July 25.

"Kasi nag-birthday din ako, wala rin siyang binigaykaya patas na," biro ni John Lloyd habang nakikinig naman sa kanya ang PEP(Philippine Entertainment Portal).

"Of course, magkakaroon siya ng something from me.Kung anuman ‘yon, siya lang ang makakaalam," pahabol ni John Lloyd.

VIRGINAL SARAH.Hindi rin naiwasang itanong kay John Lloyd ng Cebupress kung ano ang kaibahan ni Sarah sa dati na niyang ka-love team na si BeaAlonzo.

"Si Sarah, very oblivious sa mundo. Hindi naman naïve. Yungoutlook niya kasi sa buhay very virginal–" Biglang naputol na sabi ni JohnLloyd dahil sa reaksyon ng press.

"Hindi. Totoo naman," ngiti niya.

"Yung intentions niya are pure and true. That's what I mean.No malice. Ganun siya. kakaiba na sa panahon ngayon. Walang ganun katuladniya. It's refreshing lang na makakilala ng taong tulad niya sa panahong ito."

JOHN LLOYD'S FAVORITELINE. Pinapili rin si John Lloyd ng linya sa theme song ng movie nila na A Very Special Love na puwede niyangi-dedicate kay Sarah.

"I'd say the same lines for her, yung ‘You're not likethe rest, I know you're the best.' ‘Tsaka yung ‘squeezing me tighter," maypagkapilyong sagot ni John Lloyd.

"Yun naman yun, e. Isa sa pinaka-strongest point ng team-upnamin. Kaya mo siya magugustuhan, dahil sa istorya ng movie namin."

CONTINUOUSFRIENDSHIP. Nag-last shooting day na magkasama sina John Lloyd atSarah for their first team-up sa big screen last Friday morning bago lumipadpapuntang Cebu. Pagkatapos ay pupunta si John Lloyd sa Japan for ashow. Habang si Sarah ay ipagpapatuloy ang shooting sa ilang natitirang eksenaniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hahanap-hanapin kaya ni John Lloyd ang pagtatrabaho niyawith Sarah?

"Ah, it's one of these gifts na madadala mo. Kahit tapos na yungmovie, magpapatuloy yung friendship. It had become a very special tandem. I'mhoping na kahit tapos na yung movie, magpapatuloy ang friendship namin. Sigurohindi na maiiba yung treatment o relationship namin ni Sarah. At sana, anything thatis good will last."

ACTING LESSONS ABROAD.After ng movie niya with Sarah, ipagpapatuloy ba ni John Lloyd ang dream niyana mag-aral ng acting sa ibang bansa?

"Sana mabigyan ng chance naif not this year sana mangyari next year. In life you can never learn too much. You're still in theprocess of learning. So, yung interes mo na matuto sa buhay ‘pag tinitigilmo parang tumigil din yung interes mo sa trabaho. Feeling ko lang nakakabobokung lagi kang ganu'n ulit. Gusto ko sa susunod na project kowell-equipped ako. So, I want to try that and I want to have a differentapproach sa craft ko," pagwawakas ni John Lloyd.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN