Baron Geisler did not expect to win the Best Actor trophy from Cinemalaya '08


"Hindi...marami kasi akong nababasa. E, kapag mgaganitong bagay, kapag nano-nominate ako, nawawala ako sa sarili. Siyempre,sobrang high. So, gumawa ako ng speech galing sa puso ko at hindi ko napigilangumiyak dahil ang daming review rin sa kid [Julian Duque] doon sa pelikulang Boses,"says Baron Geisler.



Hindi na napigilan ng young actor na si Baron Geisler ang umiyakhabang tinatanggap at nag-i-speech sa harapan ng mga nanoood ng awards nightfor Cinemalaya kagabi, July 20, sa CCP Theater.

Si Baron ang itinanghal na Best Actor para sa pelikulang Jay. Kahitumiiyak, nagawa pa rin magbiro sa umpisa ni Baron na hindi niya raw ine-expectang pagkapanalo kung kaya't may ginawa na siyang speech in advance.

Nang makausap ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) si Baron after mag-photo op ng mga winners, sinabi niyang hindi rawniya ine-expect na siya ang makasungkit ng Balanghai trophy ng Cinemalaya forBest Actor.

"Hindi...marami kasi akong nababasa. E, kapag mgaganitong bagay, kapag nano-nominate ako, nawawala ako sa sarili. Siyempre,sobrang high. So, gumawa ako ng speech galing sa puso ko at hindi ko napigilangumiyak dahil ang daming review rin sa kid [Julian Duque] doon sa pelikulang Boses.Lahat ng sumali, makikita n'yo na lahat, mahuhusay po," simulang pahayag niBaron na obviously, hindi pa masyadong nakaka-recover sa pagkapanalo niya.

Nasa isang tabi lang daw siya nang ina-announce na angcategory nila kunsaan, katabi raw niya ang kanyang ina.

"To tell you the truth, doon nga po ako sa side, pagkataposnaming mag-present, nagtago na ‘ko sa side. At sabi ko nga, you know what,I'll give this to the kid. Kasi this kid...he deserves it, he's good," sabi niBaron na umaming hindi nga lang daw siya nagkaroon ng chance na mapanood ang Boseskunsaan bida ang batang biyolinista na si Julian Duque.

"Hindi ko siya napanood, pero, ang daming nagsasabi sa akinna maganda nga raw ang feedback, magaling yung bata. So, ang ginawa ko,umikot na lang ako at tinabihan ko ang mommy ko. So, siguro, siya yung nagbigaysa akin ng good luck.

"E, ang mommy ko, ngayon lang sumama sa akin. Ang hirappasamahin ng mommy ko, e. So, siguro, siya rin ang nakapagbigay ng good luckcharm sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iniaalay raw niya ang kanyang tropeo sa lahat ng bumubuo sapelikula nilang Jay.

"Minsan umiiyak kami, nagmamakaawa kaming manghingi ng pera.Very humbling yung experience, so, it's all worth it. Maraming salamat po."

PEP asked Baron kung gaano kaespesyal sa kanya ang award?

"Ah, it's very special pero, hindi pa ‘ko makapag-isip, satotoo lang, pero it's very special. At mas special ang pelikula at ang mgataong gumawa at nagbuo ng Jay kesa sa award na ito siyempre."

Hindi lingid sa lahat ang pinagdadaanan ni Baron ngayong mgaisyu at intriga sa buhay niya. Puwede niya kayang masabi na kahit paano,he feels vindicated because of his award?

"Wala pong kinalaman ang award na ito sa mga isyungnangyayari sa akin, pero, itong award na ito ang makakapagbigay sa akin ngalaala. Na ayusin natin ang ating trabaho at maging mas matino or mabutitayong tao."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN