Mylene Dizon not really prepared to receive award for Best Actress in Cinemalaya '08 awards night

Mylene Dizon won the Best Actress award from Cinemalaya forher performance in 100. She admitted her acceptance speech was bad and mayhave forgotten a few people, but did not forget to thank her specialsomeone—Tomas, her son.



Kahit sa isang linggong ongoing ang pagpapalabas ng mga filmin competition for Cinemalaya '08 sa CCP na ang pangalan na ni Mylene Dizon angmatunog na mananalo for their digital film na 100, halata pa rin angpagkagulat sa actress nang i-announce na ang pangalan niya as Best Actress.

BAD TRIP! "Overwhelming!" ang nasambit niya whenasked about what she was feeling nung oras na yun na hawak-hawak pa niya angkanyang tropeo. "Ang pangit ng speech ko, grabe! Wala akong nasabingtama, bad trip!" naiiling pa niyang sabi.

"E, siyempre sabi nila, mag-semi-prepare, so, nag-semi-prepare ako. Meron akong random sa utak ko, nagkahalu-halo na lang siya."

PEP (Philippine Entertainment Portal) urged Mylene na kunggusto niya, ulitin na lang niya habang ini-interview ang thank you speech niyakung pakiramdam nga niya ay may mga nakalimutan siyang pasalamatan.

"Hindi...hindi ko na rin magagawa talaga. Tapos na yungmoment, e. Pero iniisip ko rin naman kung may nakalimutan ba ‘kong pasalamatan,pero, parang wala naman. Napasalamatan ko naman ang mga magulang ko, patipamilya ko, tatay ko, anak ko, director ko, mga kasama ko pelikula.

"Ah, yung crew namin, yung cinematographer namin, si SirLarry, marami pa pala ‘no? Basta, lahat ng kasama sa production. It'sreally overwhelming because you know, when we did the film, you know...you don'tknow naman what you expect when you do a film.

"You just do a film and you try do your best especially ifit's an entry like for Cinemalaya at alam mo na napakaspesyal na proyekto sadirector at sa manunulat at sa mga producer, you try as much as possible namaabot kung ano ang mga expectation nila and you don't want to let themdown. And that's what I think I tried to do with Chris [Martinez, director]. Ang pinakaimportante sa akin habang nagsu-shooting ay masaya siya!Kasi, sa kanya ‘to, e."

Ine-expect niya bang siya nga ang makakapag-uwi ng trophy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May mga bumabati kasi...hindi mo naman maiiwasan, kahitkailan ka ma-nominate, somebody will always say something. Sa Cinemalaya,hindi mo alam kung ano ang mangyayari talaga. It's crazy! You can'texpect things like this. You know, there's a lot of surprises and you shouldn'texpect because when you expect ‘tapos hindi nangyari, mas masakit.

"Hindi ako nag-expect, pero umasa ako," sabi nga niya.

HOPING FOR REGULAR RUN. Bukod kay Mylene, angpelikula nilang 100 ang nanalo rin for Audience Choice for Best Picture,Best Director at Best Supporting Actress. After all their winnings, umaasaba silang box-office wise, posibleng mas malaki na ang laban ng movie nilakapag ipinalabas na ito on a regular run?

"We're hoping talaga for regular run. Yun talaga ang gustonaming mangyari, kailangan talaga magkaroon ng regular run. Kasi, marami kamingmga kaibigan na hindi nakapanood. Marami ang nagte-text sa akin, maramiang tumatawag at gusto nilang makakuha ng ticket.

"Ang daming gustong manood na gusto nilang manood not forthe sake na masabi lang na, ‘O, pinanood namin ang pelikula mo.' No, but peoplereally want to watch. People na hindi ko man lang tinawagan, sila mismoang nagte-text sa akin na, ‘Ano ba, mare, bakit hindi namin mahanap angpelikula mo? Kailan ba ipapalabas ‘yan? And people are waiting.'"

ALWAYS NOTICED. Nasabi ng PEP kay Mylene na sa haloslahat naman ng ginawa niya, napapansin siya kahit sa character na ginagawa niyangayon for Dyesebel.

"Well, yun nga, kasi sa akin, trabaho ‘to. Kailangang gawinko ito ng tama. Kasi, ito ang gusto kong gawin. Gusto kong maging actortalaga at hindi ko nalaman yun hanggang nandito na ‘ko. At masaya ‘ko dahilbinigyan ako ng Diyos ng pagkakataon.

"At kung ano ang gusto kong gawin, ginagawa ko at hindi yungI'm stuck in a job na ayokong gawin."

MYLENE'S SPECIAL SOMEONE. Wala siyang pinasalamatangspecial someone sa speech niya?

"Meron! Yung anak ko! Yun na ang pinaka-special someone ko,wala nang iba pa! Siya na ang aking forever!" natatawang pahayag niyasabay pagdiinang wala raw talaga siyang love life ngayon at nasanay na lang dawkasi ang tao sa kanya na hindi siya nawawalan, although this time, wala rawtalaga at ang anak na si Tomas lang daw talaga ang special someone niya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN