Jay Manalo bravely faces Killer Question and Killer Task of "Showbiz Central"

"Wala namang lalaking hindi naging babaero, lalo na noong kanilangkabataan. Kahit naman ang matatanda ngayon, babaero pa rin, pero ayaw langnilang aminin. Ayaw lang magpakita ng mga ‘yan, pero likas lang talaga salalaki ‘yan," says Jay Manalo.



Umpisa pa lamang ng Showbiz Central kahapon, July 20, ay nagpahayag na ng kabaang isa sa co-host ng programa na si Rufa Mae Quinto dahil isa raw sa "past" niyaang mauupo sa hot seat ng Central Jury at iinterbyuhin nila ni Mo Twister—siJay Manalo.

Ang unang tanong agad sakanya ni Mo ay kung ano ang reaction niya na maging sa lie-detector machine ay"truth" ang lumabas sa isyung babaero siya.

"Wala naman, pinagdaanan ko naman talaga," kaswal na sagotni Jay. "Wala namang lalaking hindi naging babaero, lalo na noong kanilangkabataan. Kahit naman ang matatanda ngayon, babaero pa rin, pero ayaw langnilang aminin. Ayaw lang magpakita ng mga ‘yan, pero likas lang talaga salalaki ‘yan."

Mga ilan ang bilang ni Jay sa naging girlfriends niya?

"Yung iba kasi, ego lang...may pa-macho effect. Let's say maygirlfriend ka na, pero nakukuha mo pa rin mambabae just to add to your machoappeal. Kasi may dating na ganoon. Pero sa akin kasi, kung may girlfriend akoat lumabas ako, and then she likes me, e, di sige."

Biglang nag-react si Rufa Mae at sinabing: ‘Ah ganoon? E,bakit ako ginirlfriend mo?"

"Noong time na girlfriend ko siya, siya lang!" sagot namanni Jay.

Then Rufa Mae told Mo, ‘Tanungin mo naman kung sino angpinakamabait na naging girlfriend niya sa showbiz?"

"Malamang siya [Rufa Mae] na rin ang isasagot ko!"natatawang sabi ng aktor.

"E, bakit malamang?" singit ulit ni Rufa Mae.

"Hindi, si Peachy [palayaw ni Rufa Mae], siya talaga.Naiintindihan mo ako, e. At saka mapagmahal ka rin."

"E, kasi, gusto mo akong pakasalan before!" tahasang sagotnaman ni Rufa Mae.

Dahil dito, natatawang sabi si Mo na magwo-walkout na langdaw siya dahil tila nawi-weirduhan na siya sa dalawa.

Pinigil naman ni Peachy si Mo na itanong ang hawak nitongnext question kay Jay dahil ayaw raw niya at nakakahiya. So tinanong nalang ni Mo si Jay kung ano ang feeling niya noong nag-break sila ni Rufa Mae aykinunsidera ng sexy comedienne na makipagbalikan kay Jay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko na rin siguro itinuloy pa yung gusto niya because,in the first place, ayoko na rin masaktan siya. Kung nasaktan ko man siyanoong una, ayoko nang maulit pa yun. At saka siyempre, bukod sa masasaktan kosiya, masasaktan ko rin ang karelasyon ko that time," pahayag ni Jay.

Idinagdag din ni Rufa Mae na in fairness daw ay hindi silanag-away ni Jay during the time of their relationship.

CASINO ISSUE. Pagkatapos nito ay tinanong ni Rufa Mae si Jay kung totoobang na-addict siya sa pagka-casino.

"Dati!" mabilis napag-amin naman ni Jay. "Pero gusto ko rin pong linawin, like kung may mga taongnakakita sa akin sa casino, hindi po ako naglalaro ng cards; slot machine po.May pagka-isip bata po ako kaya slot machine po. Hanggang ngayon,naglalaro pa rin po ako niyan, pero hindi na po sa casino kundi sa mga Internetgaming na po.

"Pero kung addicting, iba naman na yun. Hindi ka na halosnakakapag-taping niyan. Pero may kanya-kanya naman tayong dibersiyon sa buhay.Kumbaga, inilalagay lang natin sa tama kung ano ang dapat. At kung ano anghindi na dapat na inilalagay as libangan."

When asked kung magkano ang inabot ng naipatalo niya, inaminni Jay na sa horse racing siya nadale talaga.

"Iba...hindi sa casino. Kaya yung sa casino na ‘yan, patayinna ang isyu diyan, wala naman, e. Sa horse racing, naipatalo ko, e, enough napara mapagtapos ko ng kolehiyo ang mga anak ko," sabi ng aktor na may sampunganak mula sa anim na babaeng nakarelasyon niya.

Pinagsisihan ba niya ang pagsusugal niya?

"Ginawa ko na, e, so, hindi mo na dapatpagsisihan. Kapag ginawa mo na, huwag mo na lang ulitin, move on na lang.Matuto ka na lang sa ginawa mong mali," sagot ni Jay.

BACKING OUT ISSUE. Sinagot din ni Jay ang isyu ng pagba-backout niya sa tapingng Kung Ako Ikaw dahil hindi raw niya ka-level ang mga makakasama sa naturangepisode na sina Dino Guevarra at Joseph Bitangcol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yeah, yung isyu sa akin na sinabi ko raw na hindi koka-level ang mga kasama ko, hindi po sa ganoong sitwasyon or ganoong paraan kosinabi yun or, I mean, dapat nilang intindihin.

"Unang-una po sa lahat, isa po sa dream role ko ‘yan, e,yung maging drag queen. Actually, nagawa ko na ang maging pipi, maging silahis,ama, action star. Yung pagiging drag queen, hindi [ko] pa ‘yan [nagagawa], atsaka retarded.

"Kaya lang, noong gabing yun, tumawag sila [staff of KungAko Ikaw] na ang makakasama ko, sina Victor Neri, Joko Diaz. So sabi ko,maganda at saka pare-parehas kaming tingnan kasi pare-pareho kamingmalalaki. So, ang sagwang tingnan kung gagawin kaming drag queen.

"Pero noong umaga na, sabi ko, ‘Wow, mas kayang pagandahinito kesa sa akin!' At saka pinalitan nila talaga ang lineup. Pero kungbarumbado ako or unprofessional ako, hindi na ako magpapakita sa kanila just tosay na hindi ko talaga gagawin ‘to, hindi ko po kaya. Hindi sa hindi ka-level,pero siyempre, mas maganda silang [Dino and Joseph] pagandahin," paliwanag niJay.

JAY DOES IT ALL. Pagkatapos nito ay pinapili na si Jay kung "Killer Question"o "Killer Task" ang sasagutin o gagawin niya. Pagkabasa ng parehong nilalamanng mga ito, ginulat ni Jay ang lahat nang sinabi niya na sasagutin niya ang "KillerQuestion" at gagawin din niya ang "Killer Task."

Una munang sinagot ni Jay ang "Killer Question": "Nagkaroondaw ng time na pinag-usapan ang magagara mong sasakyan at ang usap-usapan aygaling daw ito sa rich gay businessman na karelasyon mo diumano noong panahongyun. Aaminin mo ba ngayon na nagkaroon ka nga ng relasyon sa rich gaybusinessman?"

Ito naman ang sagot ni Jay:

Ang sagot nga ni Jay, "Totoo po yun! Nagkaroon nga ako ngmagagandang sasakyan. Siguro mga dalawang magagandang sasakyan like C3 andPorsche. Pero ito lang po ang gusto kong sabihin sa inyo, sa pagtatrabaho ko,pang-52 ko na po itong ginagawa ko with Piolo Pascual.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I mean, ako po, nagtatrabaho po ako at kung anuman angpinagtatrabahuhan ko, iniisip ko po kung paano ko iro-roll ang pera, kung paanoko pagkakakitaan. That time, nagkaroon po ako ng mga kaibigan na nandito saganitong business, buy and sell. So, hindi po ako nangutang, hindi po akogumamit ng mga tao para lang magkaroon ng magagarang sasakyan."

Ang "Killer Task" naman kay Jay ay live siyang magpaliwanagkay Dino Guevarra, na isa sa mga guest Kung Ako Ikaw na sinasabing sinabihanniya na hindi niya ka-level kaya siya nag-backout.

Naka-phone patch si Dino na unang bungad agad kay Jay ay "pare"niya raw ang aktor isa sa mga totoong tao na masasabi niya kung kaya't wala rawsiyang galit dito.

Ayon kay Jay, "Actually, after ng isyu na yun, tinawagan kosiya just to say sorry, and even kay Mayor Joey Marquez [co-host ng Kung AkoIkaw] at kay Direk. Nag-text ako sa kanila at nag-sorry na talagang hindi komagagawa kasi nabago po ang line-up. Which is, sinabi ko na tuwang-tuwaako na magawa yun at makasama ang mga dati kong nakakasama [Joko and Victor].Of course, gusto ko rin makasama si Dino, pero yun nga lang, alam ko natatalunin na ako niyan!" natatawa niyang sabi.

"Pero taos-puso po akong nag-sorry sa lahat. Excitedpo talaga akong gawin yun, pero bumagsak lang po talaga ang height ng excitementko nang maiba ang line-up," paliwanag muli ni Jay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN