Eugene Domingo receives early birthday gift from Cinemalaya

"Kumbaga sa nagtanim, tag-ani ngayon! Dumaan sa bagyo, kung ano-ano, tag-init, ganoon lang talaga. Ang lesson langdito, lalo na at malapit na ang birthday ko, basta magsipag ka lang, patuloyna magpakumbaba at saka kumilala sa lahat ng tumulong sa ‘yo. So, ito ayregalo...regalo ng Diyos sa kaarawan ko," says Eugene Domingo about her Best Supporting Actress trophy from Cinemalaya for her performance in 100.



Napakagandang birthday para sa character actress na siEugene Domingo—na magse-celebrate ng kanyang birthday sa July 23—angnapanalunan niyang Best Supporting Actress trophy sa Cinemalaya Awards Night sa CCPTheater kagabi, July 20

Ngayong awards season ay dalawang Best Supporting Actresstrophies na ang napanalunan ni Eugene for her role in the digital film Pisay.Ngayon naman, nakakuha siya ng isa pang award sa bilang best friend ni MyleneDizon sa 100.

Biro ng iba kay Eugene, kinakarir yata niya ang paghakot ngawards ngayong taong ito?

"Kumbaga sa nagtanim, tag-ani ngayon!" natatawa niyang sabi."Dumaan sa bagyo, kung ano-ano, tag-init, ganoon lang talaga. Ang lesson langdito, lalo na at malapit na ang birthday ko, basta magsipag ka lang, patuloyna magpakumbaba at saka kumilala sa lahat ng tumulong sa ‘yo. So, ito ayregalo...regalo ng Diyos sa kaarawan ko."

Ayon kay Eugene, noong college days daw niya—kung saan nagsimulaniyang maging matalik na kaibigan ang director ng 100 na si Chris Martinez—nagsimulaang pagtatanim niya. Kaya 10 to 15 years din daw ang hinintay niya bago siyanakapag-ani.

"Pero lahat naman ng ito, hindi ko naman sinabing, ‘one day...'wala namang ganoon. Talagang gusto kolang ang mga ginagawa ko. I'm just so blessed that I am being recognized withthe work that I do and that I love.

"At saka siguro, nakakatulong din yung hindi ako takot.Hindi ako takot na gumawa ng mga pelikula kahit na mag-eksperimento, tumawid-tawid.Kilala n'yo naman ako. At katulad ng Cinemalaya, ako ay artistang malaya,"pahayag ni Eugene.

In fairness to Eugene, ipinakita niya talaga ang suportaniya sa independent films dahil halos araw-araw yata sa loob ng sampungaraw na ipinalabas ang iba't ibang kalahok na pelikula this year sa CCP ay nandoon siya at nanonood.

Sa totoo lang din daw ay hindi siya umasang mananalo siya ngaward.

"Hindi, kasi ang huhusay," ani Eugene. "Actually, mayiba akong mga bet kasi halos lahat napanood ko. Hindi ako masyadong umaasa kasibaka sobra na naman kung manalo ka na naman. Parang sobra na, e. So, sumakit ang ulo ko nang marinig ko ang pangalanko! Parang, naku, Dyusko, nanalo na naman ako, hindi na naman akomagkaka-boyfriend nito!" tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HIGHER TALENT FEE. Mas natawa si Eugene nang tanungin siya ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) kung dahil ba sa sunud-sunod na pagkapanalo niya ngaward, mangangahulugan din ba ito na mas tataas na ang talent fee niya?

"Kakataas lang!" tawa niya. "Siyempre, practical lang namanyun, di ba? Para umuunlad ka rin. Pero nasa ano ako, sa mas marami pang pelikulaat mas marami pang makakasama at iba't ibang director."

Happy naman ba siya sa itinaas ng TF niya?

"Happy siyempre!" sagot niya. "Sino ba naman ang hindimagiging happy, kasi makakapag-ipon na? Gusto ko rin namang makapag-ipon kasihindi naman madali ang buhay. Hindi naman ako mayaman."

Expected na rin daw ni Eugene kung sakali na maintriga rinsiya at masabihan naman na lumalaki na ang ulo niya.

"Naku, yun naman ang madaling sabihin, di ba? Pero makikitamo naman as time goes by kung lumalaki or lumiliit or umiinit ang ulo ko, diba? Pero sa paglaki ng ulo, nakakatamad yun. Hindi ako masipag lumaki ang ulo."

Ayon kay Eugene, choosy raw siya pagdating sa mga project, na dapat may variation ang ginagawa niya. Pero hindi raw siya choosy sakung sino ang makakasama niya o kung malaki or maliit man ang role na gagawinniya.

"At saka, yung longevity ng buhay mo bilang isangartista, yun dapat. Yung pagiging star kasi, madali lang," pagtatapos ni Eugene.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN