Gloria Diaz says she will never be a stage mother to daughter Isabelle

"I always tell her, if anybody likes her it's fine with me, aslong as they are good people, as long as they love her. Never go with a man becauseyou love them, go with them because they really love you," says Gloria Diaz about how she advises daughter Isabelle.



With her stature as the first-ever Filipina who won the MissUniverse crown, napatunayan ni Gloria Diaz na hindi lang siyagifted pagdating sa ganda at talino kundi sa natural na husay sapag-arte.

Patunay nito ang ilang acting awards niya na kumilalang brilyo niya bilang isang mahusay na aktres—kagaya ng pagganap niya bilang si Doña Teodora Alonzo sa Jose Rizal—kaya hindi na pagtatakhan kung sa mgaanak ng beauty queen-actress ay may isang magmana ng kanyang trono.

Hinuhulaan na susunod sa yapak ng ina si Isabelle DiazDaza dahil tinataglay raw ng dalaga ang mga katangain na makagawa ng sariliniyang tatak sa showbiz.

Sa nakaraang presscon ng Beverly 6750, kung saan parehongendorsers ang mag-ina, sinabi ni Gloria Diaz na hindi siya magiging stage mother sa anak ngayong nagsisimula nangmakilala si Isabelle.

"My mother wasn't a stage mother, she let me do what I wannado," sabi ni Gloria. "I think in the same way, I have lots of unsolicitedadvice for [Isabelle]. But at the end, I'll say to her, ‘I'll just stay home and havea massage, I trust you and you can do it.'"

Nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kung angpagiging beauty queen ba o pagiging artista ang gusto niyang i-pursue ng anak,inang-ina ang sagot ni Gloria.

"No, I just molded her to make sure that she'll take care ofme in my old days. Isabelle can do whatever she wants to do. It's up to her ifshe wants to be a beauty queen, an actress, or a model. She can dance, she canact, but can she do it well? That would be the 90-dollar question."

Kahit sa pakikipagrelasyon ay sinabi ni Gloria na hindi siyananghihimasok sa personal na buhay ng anak. May isa lang daw siyang advice naibinigay kay Isabelle.

"I always tell her, if anybody likes her it's fine with me, aslong as they are good people, as long as they love her. Never go with a man becauseyou love them, go with them because they really love you."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa nakaraang Miss Universe beauty pageant na ginanap saVietnam ay hindi na naman pinalad ang representative ng Pilipinas na siJennifer Barrientos na iuwi ang karangalan. Para kay Gloria, isang malakingbagay pa rin ang tamang panahon at suwerte.

"Unfortunately nga, hindi ko siya nakita. Pero ganun talaga yun,suwerte-suwerte lang. You're never sureno matter how beautiful you are. I think our contestant was beautiful, but it'slike a lotto; not just because you choose the 7 or the 8, you're gonna win, itneeds lot of luck. Just be there, you're already a winer. Ang gaganda ng mga sumali,lahat ng runners-up were beautiful. Unfortunately, hindi pa natin siguro panahon,"saad ng Miss Universe 1969.

Nasangkot sa isang malaking kontrobersiya ang Beverly Hills6750 noon. Hindi ba nagdalawang-isip si Gloria na tanggapin ang alok upangmaging ensorser ng naturang beauty-cosmetic clinic?

"Actualy I was not aware of the controversy, it wasjust in the latter part that I became aware of it. But I could say when I went totheir clinic, I was surprised na mayroon palang ganito dito, ganito kalinis andall the doctors are really legit doctors. This is not a beauty parlor, this isa real clinic with wholesome people."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN