JC de Vera reveals Yasmien Kurdi is still the closest to his heart

Young actor JC de Vera answers questions about him and his three leading ladies: (from top to bottom) Yasmien Kurdi, Michelle Madrigal, and Rhian Ramos.



Nagkaroon ng one-on-one interview si Raymond Gutierrez at si JC de Vera, isa sa mga talent ni Annabelle Rama, saShowbiz Central kahapon, July 20.

Bungad na tanong ni Raymond kay JC, ano ba talaga angmasasabi niyang relationship nila ng young actress na si Yasmien Kurdi?

Ayon kay JC, "Ang masasabi ko, hindi lang kami friends. Alamn'yo yung parang may special something?"

Diretsong tinanong ni Raymond na kung hindi sila friendslang, sila na ba ni Yasmien?

"Hindi, we're not friends, we're more than friends. O, bagoyun!" natatawang sabi ni JC.

Would he say na kilalang-kilala na talaga nila ni Yasmienang isa't isa?

"Oo! Lalong-lalo na pagdating sa work. Sobrang kumportablena namin sa isa't isa. Kumbaga, hindi na kami nahihiya sa isa't isa. Masmadaling magtrabaho, mas madaling umarte kapag kaeksena ko siya. Ang alam ko,same rin sa kanya, ganoon din siya sa akin."

Bagamat matagal na silang magkatambal sa telebisyon, unangpelikula nina JC at Yasmien ang Loving You ng Regal Entertainment. Ayonkay JC may kissing scene sila rito ni Yasmien na umabot ng one minute.

Bukod sa kanilang kissing scene, may balitang nagpakita rindaw sila ng katawan sa beach scene nila?

"Hindi naman daring talaga, pero yun nga, nag-e-explore langdin kami kung kaya kong mag-topless at siya naman, mag-two-piece," saad ni JC.

IS YASMIEN JEALOUS OF MICHELLE? May balitang pinagselosan daw ni Yasmien ang kissing scenenila ng dating girlfriend na si Michelle Madrigal noon sa pelikula nilang MyMonster Mom. Totoo ba ito?

"Hindi naman...hindi naman," paglilinaw ng binata. "Alam dinnaman niyang work lang sa akin ang lahat. Naririnig ko kasi na parangpinag-aaway raw sila, pero nakausap ko naman si Yasmien at sinabi niyang hindinaman daw. Kumbaga, happy lang din daw siya para sa akin. At least, hindi rawako nai-stuck sa isang loveteam lang. Naipapareha rin ako sa ibang leadinglady."

Ayon kay JC, after nilang maghiwalay ni Michelle, threeyears daw silang hindi nagkasama. "Ngayon naman, nag-uusap kami. Hindi ko namanmasasabing tulad ng dati, pero kumportable na rin akong katrabaho siya. Kahitpaano, okey na kami."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NEW LEADING LADY. Bukod kina Michelle at Yasmien, nali-link din ngayon si JCkay Rhian Ramos, na makakatambal niya sa soap opera na La Lola.

"Nakatrabaho ko na rin naman ng isang beses si Rhian, Ithink magkakasundo kami. Magaling si Rhian, magaling siya. Pero yun nga lang,hindi ko pa kasi nasusubukan sa isang show na magka-partner kami, so hindi kopa rin alam kung ano ang mga adjustments na kailangang gawin.

Ano ang sinabi ni Yasmien kay JC nang malaman nito na afterLoving You, baka matagal pa bago sila magkatrabahong muli?

"'JC, mami-miss kita,'" biro ni JC. "Well, hindi siyanagsasabi ng mga tungkol sa ganoon. Pero mararamdaman mo sa kilos niya nanade-depress siya. Like, ‘Uy, si JC, partner kay Rhian, hindi na kayomagkakasama.' Pero hindi siya nagre-react tungkol doon. Siyempre, maramingisyung maglalabasan. Ayaw na niyang palakihin. So, mas maganda kung hindi nalang siya magsalita."

Pero sino ba talaga ang pinakamalapit na babae sa puso ni JC?

"Naku marami!" tawa niya. "Pero sa ngayon, wala pa namanakong ibang nakakasama. So siguro,masasabi kong si Yas pa rin. Si Yas pa rin ang pinakamalapit."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN