Antoinette Taus meets ex-boyfriend and screen partner Dingdong Dantes in L.A. show of "Eat Bulaga!"

While still working for that big break in the U.S.entertainment scene, Antoinette Taus works as editor-in-chief ofa magazine that features successful Fil-Ams in the States. Asked what she cansay about ex-boyfriend and former love-team partner Dingdong Dantes, she said:"Oh, I always believed that he will be successful, kahit dati pa. So, it's nosurprise to me...we're friends. In touch naman kami. So, magkaibigankami. Walang malice. Friends kami."



Nakapanayam ng Showbiz Central correspondent angyoung star na si Antoinette Taus na ngayon ay masasabing naka-base na talaga saAmerika. Kinuhang guest kasi ito ng Eat Bulaga! para sa kanilang show saLos Angeles.

Napansin agad ng SC correspondent na mas payat daw siAntoinette ngayon.

"I've been working out," pagtatapat naman ni Toni.

At present, marami raw pinagkakaabalahan si Toni sa U.S.Ipinakita nga niya ang magazine na M7 kunsaan siya ang editor-in-chief.

Nang minsang makausap ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) si Antoinette, naikuwento nga nitong konektado siya sa M7magazine na nagtatampok ng mga Fil-Am sa Amerika that are really doing goodsa iba't ibang larangan.

Ayon kay Antoinette sa panayam sa kanya sa ShowbizCentral, "I have my own magazine. I'm the editor-in-chief of M7magazine. It comes out in L.A., San Francisco, Las Vegas, San Diego, andArizona.

"And aside from that, I'm also shooting a pilot show for amajor network. But I can't say what the title is and what network. Siyempre,confidential pa lahat. And also, I'm busy with different auditions also forother projects such as movies, TV shows."

Sa pagpunta ng Eat Bulaga! sa L.A., special guest dinng show sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Kaya hindi maiwasan na magkitaang dating magkasintahan. Antoinette was asked: How does it feel to seeDingdong again, and what can she say now that Dingdong is considered thehottest male idol in the Philippines today?

"Oh, I always believed that he will be successful, kahitdati pa. So, it's no surprise to me. I always believed that he will besuccessful even more. So, ganoon pa rin. I mean, we're friends. In touchnaman kami. So, magkaibigan kami. Walang malice. Friends kami."

Wala raw bang spark upon seeing Dingdong again?

"Wala! It's like, I see an old friend. That's it exactly,like I see an old friend."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, tinanong si Antoinette kung may mensahe raw basiyang gustong iparating sa mga manonood ng Showbiz Central?

"I'm really working hard na maka-penetrate ako rito. Parasiyempre, maitayo natin ang bandila ng Pilipinas all over the world. Inconjunction with everyone else, with the biggest stars in the world, we're alltrying to build a name for the Philippines. Ako, nagdarasal din ako na sana,makatulong din ako para mas makilala ang bansa natin all over the world."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN