Dingdong Dantes and Marian Rivera grab the chance to shop around while in L.A.

Marian Rivera and Dingdong Dantes were among the guests inthe L.A. show of "Eat Bulaga!" They were warmly met by their waiting fans.Marian was even treated to an advanced birthday party by their fans.



Kasama ang Showbiz Central sa paglipad ng Eat Bulaga! sa Los Angeles, California, U.S.A. upang i-cover angshow. Sinamantala ng SC na mainterbyu muna ang isa sa guests EatBulaga! na si Dingdong Dantes.

Inumpisahan agad ng tanong na maintriga si Dingdong. Totooraw bang magkatabi sila ng Dyesebel leading lady niyang si Marian Riveranang sumakay sila ng eroplano papuntang L.A.?

Itinanggi naman ni Dong na magkatabi nga sila ni Marian saplane. Ang manager daw niyang Perry Lansigan ang katabi niya at hindi siMarian.

"Supposedly, sabay nga kaming pupunta rito. Pero dahil siyaang prinesent na sexiest woman sa buong bansa [sa FHM SexiestWoman party], she had to stay. So, na-delay siya ng isang araw. We'vebeen looking forward for this trip a long time ago. Pagkatapos ng LasVegas trip namin, finally we're here and we'll get to see our kababayan again."

Naniniwala rin si Dingdong na ang pagpunta nila sa L.A. ayisang magandang opportunity, especially sa kanilang dalawa ni Marian namakilala ang mga kababayan nating patuloy na sumusuporta sa kanila.

"The best opportunity para pasalamatan namin sila. So, kahitkami, matagal na naming hinihintay ito. Kasi sila, kahit they are here abroad,constant yung pagsuporta nila sa amin at sa mga programa namin.

"That's why you know, maganda yung nagiging resulta. Kayanga kapag nakita namin sila, magandang pasasalamat ang ibibigay namin sakanila."

Ayon pa kay Dingdong wala pa raw siyang nabubuong planokunsaan sila puwedeng magpunta. Pero kung magkakaroon ng chance, gusto rin dawniyang makapasyal sila.

"Kung may chance siguro, pupuwede kamingmakapasyal-pasyal. Kung Disneyland, hindi na siguro because its far fromhere."

Sa pagbalik naman ni Dingdong sa bansa from their U.S. tripay ang pagrampa naman niya for Bench Blackout sa Araneta Coliseum onJuly 25, Friday, ang inaabangan.

Magpapaka-daring ba si Dingdong sa pagrampa niya, likeWendell Ramos's daring butt exposures in the past Bench shows?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Wendell, may ano siya, e...kumbaga, he has his own thronedun sa Bench. And I don't intend to surpass or do something similar sa ginawaniya. Siyempre, I want to be known by my own identityalso."

MARIAN ARRIVES. Nang dumating na si Marian sa L.A.from being presented as FHM Philippines' Sexiest Woman, siya naman angininterbyu ng Showbiz Central. Ang manager niyang si Popoy Caritativoang kasama niyang lumipad papuntang U.S.

Kinumusta agad siya ng Showbiz Central.

"Masaya at saka, first time ko kasi rito kaya excited akotalaga," sagot ni Marian. "Ngayongnandito na ‘ko, super-happy talaga, dahil nakapasyal ako, kahit na ilang oraslang," pahayag nga ni Marian na isa sa busiest young actress sa bansa.

Pagdating niya nagkaroon nga raw sila ni Dingdong ngoras na makapamasyal at mag-shopping.

Pero na-surprise naman daw siya pagdating niya nang hindiniya akalaing may inihanda palang advance surprise birthday party para sa kanyaang ilang fans nila ni Dingdong Dantes na nakabase doon.

"Sobrang na-surprise talaga ‘ko. Akala ko, imi-meet ko langsila. Hindi ko akalain na meron pala silang surprise party at advance para sabirthday ko. O. di ba, ang aga!" masaya niyang sabi.

Kung ang pagbabasehan daw ay ang napakainit na pagtanggap sakanilang dalawa ni Dingdong kahit sa ibang bansa, hindi na raw maide-deny natalagang sikat na sikat na sila.

"Oo, sobrang saya ko! Kasi, na-meet ko ang ibang mga fans koat ang dami ko pang nakilala. Nakakataba talaga ng puso na kahit nanandito sila, nanonood talaga sila ng Dyesebel.

"At sana po, huwag kayong magsawa sa amin at marami pa pokaming gagawin para mapaligaya ang buhay nyo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN