SexBomb Sunshine Garcia and manager Joy Cancio face-off in "Don't Lie To Me"

Joy Cancio (left) and SexBomb member Sunshine Garcia (right) are the first celebrity guests in the Face-Off Edition of Showbiz Central's "Don't Lie To Me" segment.



Sa kauna-unahang pagkakataon, dalawang lie-detector machinesang ginamit ng Showbiz Central para mag-interrogate sa kanilang guests.Nag-face-to-face ang SexBomb member na si Sunshine Garcia at ang kanyangmanager na si Joy Cancio sa "Don't Lie To Me" segment niJohn "Sweet" Lapus.

Sa unang tanong ni Sweet, magkaiba na agad ang sagot ngdalawa. "No" ang kay Joy at "yes" naman ang kay Sunshine sa tanong kung maypagkakataon ba na gusto nang ibalik ni Joy sa grupong SexBomb si Sugar Mercado,pero tutol diumano rito si Sunshine.

"Lie" ang resulta ng lie-detector test sa sagot ni Joy, naang naging apela ay hindi raw kasi niya nakakausap si Sunshine aboutit. Ang madalas lang daw niyang nakakausap ay si Mia Pangyarihan. Napatawadna rin daw nila si Sugar, pero para ibalik pa sa grupo ay hindi na raw.

Sa part naman ni Sunshine, nagtugma naman sagot niya salie-detector machine at hindi niya itinangging tumututol talaga siya na mulingmagbalik si Sugar sa SexBomb. "Siyempre, tapos na. Nagkaroon na ng lamat at saisang salamin basta nagkaroon na ng lamat, mahirap nang mabalik sa dati,"paliwanag ni Sunshine.

Pareho namang "no" ang naging kasagutan nina Joy at Sunshinesa ikalawang tanong ni Sweet kung totoo ba na gusto nang tumiwalag sa grupo ngilang SexBomb members ‘tulad nina Aira Bermudez at Jopay Paguia at sa halip aymag-perform na lang sa Japan dahil mas malaki raw ang kita roon. This time,parehong sumang-ayon ang lie-detector machine sa sagot na "no" ng dalawa.

Ayon kay Joy, "Hindi mo naman masasabing malaki ang kinikitanila roon dahil it's a charity show. Free show. So, nagbibigay lang ang Focusng mga allowances nila at the same time, nakakatulong tayo rito dahil nagbibigaytayo sa mga foundation dito."

"No" pa rin ang parehong sagot nina Joy at Sunshine saikatlong tanong kung totoo bang malaki ang kinakaltas ni Joy bilang manager samga alaga niya pagdating sa komisyon nito sa talent fees nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napa-"I love you Sunshine!" si Joy nang marinig na nag-"no"ang alaga. Yun nga lang, ang lie-detector machine naman ang hindi sumang-ayonsa kanilang mga sagot dahil parehong "lie" ang lumabas na resulta.

Umapela agad si Joy na hindi raw totoo ang resulta. Aniya,"Standard 30 percent. At saka ito kasing mga talents or artists natin,dine-develop natin sila. Kumbaga, mga aral ‘yan sa dancing, singing, and actingworkshop. At saka mga damit niyan, makeup, gastos yun ng Focus-E."

Idinepensa rin naman ni Sunshine ang kanyang manager. Aniya,"Siyempre, 30 percent pero para yun sa office. Siyempre, may mga tax kami nahindi na namin iniintindi. Si Ate Joy na, sila na ang umiintindi niyan."

Ika-apat na tanong ni Sweet ay tulad daw nina Yvette at Weng,na nakitang nagsitaba mula nang manganak, ngayon ay marami ang nakakapansin namaging si Aifah Medina ay tumataba. Totoo ba na nabuntis at nanganak din ito sa Japan?

Parehong "no" ang sagot ng dalawa sa tanong. Tumugma angsagot ni Joy sa lie-detector machine pero kay Sunshine, "lie" ang nagingresulta. Sabi tuloy ni John, mukhang kailangang linawin ng dalawa dahil bakadahil manager, wala raw alam si Joy sa nangyayari sa alaga at dahil si Sunshineay kaibigan kung kaya't ito ang nakakaalam.

Pero hirit agad ni Joy, "Sira yata ‘yang lie-detectormachine ni Sunshine! Negative yun, talagang negative. May mga production assistant tayong kasama sa Japan,so never na mangyayari yun."

Sabi naman ni Sunshine, "Papauwiin sila kung totoo man yun.At saka kahit naman sino ang pumunta sa Japan, tumataba."

Ang ika-limang tanong ay nanggaling kay Alyssa Alano. Tinanongniya si Sunshine kung totoo bang noong sumali sila sa isang game show (Gobingo)ay pumayag siyang paghatian nilang lahat ang premyo, pero na-bypass naman nitoang kanyang manager at hindi sinabi rito.

Hindi naman itinanggi nina Sunshine at Joy at parehong "yes"ang naging sagot ng dalawa na parehong tumugma sa resulta ng lie-detectormachine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sinabi ko talaga sa kanya na bakit siya nagdedesisyon nanghindi ko alam? E, ang daming cash advances niyan sa office!" natatawangpambubuko ni Joy kay Sunshine. Pero bigla naman siyang bumawi at sinabing, "Hindi,kasi nagpapa-aral ‘yan ng mga kapatid."

Nagpaliwanag naman na raw si Sunshine sa kanyangmanager. "Humingi naman ako ng sorry kay Ate Joy, pati kay Alyssa. In-explainko na rin naman yun sa mga interview ko dati."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN