Roxanne Guinoo says being daring is not a sign of rebellion

"Sa mgacriticisms and all, wala naman akong pakialam dahil hindi naman yung ibang tao yungnagbibigay ng pressure sa akin sa sarili ko. And hindi ko kailangang i-prove yun sa ibang tao. Wala akongkailangang patunayan na alam mo yun? Kumbaga, sabihin nila na ganito ka, ganyan ka, hindi. Ako magpu-provenoon sa sarili ko," says Roxanne Guinoo.



Nagrerebelde diumanoang young actress na si Roxanne Guinoo kaya siya pumayag na mag-pose nangtopless sa cover ng isang men's magazine. Bukod dito, marami rin ang nakapansinsa mapupusok na eksena ni Roxanne sa kanyang afternoon soap sa ABS-CBN, Ligawna Bulaklak.

Sinagot ni Roxannesa The Buzz last Sunday, July 20, kung totoo nga ba na nagrerebelde siya kayanagiging mapangahas na siya ngayon sa kanyang mga ginagawa.

"Hindi po," tanggini Roxanne habang kausap ang mga host na sina Boy Abunda at Ruffa Gutierrez. "Kasiwala naman akong reason para magrebelde. Ang akin, hindi yun ang magiging basis ko kung mag-Maxim ako na ganunpersonality meron ako. I did it because hindi basta naghubad lang. Yun lang.

"And sa mgacriticisms and all, wala naman akong pakialam dahil hindi naman yung ibang tao yungnagbibigay ng pressure sa akin sa sarili ko. And hindi ko kailangang i-prove yun sa ibang tao. Wala akongkailangang patunayan na alam mo yun? Kumbaga, sabihin nila na ganito ka, ganyan ka, hindi. Ako magpu-provenoon sa sarili ko."

Hanggang saan angkaya niyang gawin?

"Tingin ko, Tito Boy,yun na ang pinaka-ano, e, yun na ‘yon. And ayoko ring magsalita na tapos na ohindi. Pero as of now, ‘yan pa lang muna and wala naman akong plans na ano,alam mo yun?"

Sa gitna ngkontrobersiya sa mapangahas na desisyon ni Roxanne na pagpayag sa cover nang topless, ano ang naging reaksyon ngpamilya niya?

"Kinabahan sila,"sabi ni Roxanne. "Parang gusto nila tanggalin lahat ng bulaklak sa garden! Kasievery time na nakikita nila, naaalala nila na yun lang ang nakatakip sa anak ko.Pero very supportive sila and, of course, naunawaan naman nila. And in-explainko naman na trabaho lang yun."

"Masaya ba ang puso mongayon?" tanong sa kanya ni Boy.

"Ah, masaya po. Angpuso ko, nagtatrabaho," sagot ng dalaga.

ROXANNE'S SUITOR. Inamin din ni Roxannena may nanliligaw sa kanya, pero pinigilan din niya agad. Bagamat mabalis nakumalat sa ABS-CBN na nagiging malapit siya ngayon sa TV and commercialdirector na si GB San Pedro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon kay Ruffa,as of last Sunday, ay binasted na ni Roxanne si Direk GB, na siya ring nagdidirekng morning show nina Boy at Kris Aquino na Boy & Kris.

"Marami naman po akongmga kaibigang direktor. Pero siyempre, si Direk GB po matagal ko nang kaibigan,"sabi ni Roxanne.

Mariin pang sinabi niRuffa na it's true na binasted na ni Roxanne si Direk GB.

"Hindi po," tangginaman ni Roxanne. "Ako, nirerespeto ko po si Direk. Sinabi ko na ayokongmagpaasa ng tao. Hindi ako nag-basted."

Patuloy pa bangnanliligaw sa kanya si Direk GB?

"Lumalabas naman pokami as a group, e. Kasi yung handler ko, kaibigan niya, pati ‘yan si Direk Jay[kaibigan ni Direk GB at floor director ng The Buzz] kasama. Talagang sinabi konaman na magkaibigan na lang kami. ‘Tsaka ayoko rin po, e.

"Ayokong pabayaanang trabaho ko and nandun yung focus ko sa trabaho. So, kung papatulan ko yung mga ganyan, baka mawala yung concentration ko," paliwanag ni Roxanne.

Tinukso ni Ruffa siRoxanne na hindi kaya ang dahilan ay dahil mahal pa rin niya angex-boyfriend niya na si Jake Cuenca?

"Hindi po," ngiti niRoxanne.

Nagbiro pa si Ruffana baka ang type ni Roxanne na lalaki ay yung maginoo pero bastos.

"Ay, hindi naman po!Yung mga 'mukha lang', pero matino," sabi naman ng young actress.

Pinapili naman niBoy si Roxanne between a rich guy na hindi guwapo at guwapo na mahirap.

"Ay, yungresponsable po," sagot ni Roxanne.

Sinabi ni Boy nahindi kasama doon ang pagiging responsible nung guy.

"Sayang ang lahi, TitoBoy, kapag pumili ako ng pangit! Pero ewan ko, wala muna!" natatatawang sabi niRoxanne.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN