John Lloyd Cruz dubbed "The Billion Peso Man" by pain-reliever brand

John Lloyd Cruz's endorsement of the headache reliever Biogesic drew in big sales. According to a marketingagent PEP had a talk with, he's now dubbed as "The Billion Peso Man" by thecompany.



By this time ay nakabalik na si John Lloyd Cruz ng Pilipinasgaling Japan kung saan naimbitahan siya ng TFC (The Filipino Channel) namag-show. Pagbalik ay sumalang na agad ulit si John Lloyd sa ilang natitirangeksena niya sa movie nila ni Sarah Geronimo na A Very Special Love ngStar Cinema at Viva Films.

THE BILLION PESO MAN. Kamakailan ay lumabas sa isangsurvey na number one sa sales among other leading brands ang shampoo naini-endorse niya kasama sina Bea Alonzo at Piolo Pascual. Tuwang-tuwa rin dawang kumpanya ng Biogesic dahil na-reach nila ang target sales nila naone-billion this year. Kaya tuloy tinawag nilang "Billion Peso Man" si JohnLloyd, ayon na rin sa marketing agent na nakausap ng PEP (PhilippineEntertainment Portal).

Patunay na hindi lang Box-Office King sa sinehan attop-rater sa telebisyon si John Lloyd, kundi tinatangkilik pa ng publiko pati mga produktong ini-endorse niya.

"Sana," umpisa ni John Lloyd nang makausap na ng PEP. "Lahatnaman siguro ng artista yun ang wini-wish, e. Ah, kasi pampalaki rin ng marketyun, e. I mean, maganda siyang sukatan ng kung gaano kalawak ang range ngmarket mo, meron ka talagang buying market."

CHOOSING ENDORSEMENTS. Nabalitaan din namin na unanginalok kay John Lloyd as endorser ang dalawang produkto ng alak bago nagpuntasa isa pang aktor. Tinanggihan nina John Lloyd ang endorsement dahil sa ilangmga dahilan.

"Hindi porke may dumadating, tinatanggap. Meron dingsinasala, lalo na ngayon."

Ano ba ang requirement niya para tumanggap ng isang productendorsement?

"Dapat talaga yung pinapaniwalaan mo yung ini-endorse mo,ikaw mismo tinatangkilik mo talaga. Kasi kung hindi, mahihirapan kang ibentayung produkto or magsa-suffer yung credibility mo. Sabihin mo gusto mo siya,hindi mo naman pala ginagamit. Hindi naman kailangan yung todo-todo na parang gustung-gusto mo, o mahal namahal mo yung produkto, but to a certain extent you have to own it. You have toown the product in able for you to sell it."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WEIGHING OPTIONS . So, okey din ba siya namag-endorse ng alak?

"Medyo...kasi may mga kapalit din, e. Ah, iba't ibangendorsement may kanya-kanyang kapalit lalo na ‘pag kagaya ng mga alak."

Hindi ba medyo delikado sa kanya ang mag-endorse ng alak?

"Hindi naman siya dangerous. Ngayon kasi, tingin ko masmalawak na ang pang-unawa ngayon ng tao pagdating sa endorsement, e. Pero,siyempre, kailangan mo pa ring alagaan ang kapakanan nung ibang ini-endorse mo.

"Pero, siyempre, endorsement ‘yan. Imposibleng hindi moi-entertain. Ie-entertain mo siya in a way na sobrang na-weigh ko na lahat ngoptions. Minsan magbibigay ka ng deal sa kanila na medyo, kailangan mongingatan kung...malulugi ka ba dahil particularly ang liquor may maaapaketuhan naibang endorsement.

"Meron sigurong isang brand na gusto ka ngayon pero kapagnagkaroon ka ng liquor endorsement, baka mag-isip na sila sa pagkuha sa 'yokasi ganun talaga, e. May mga kapalit.Yun ang sinasabi kong kapalit. So, kung ganun na kailangan mong magbigay ngkontrata or ng deal sa kanila na medyo, walang iwanan at saka yung medyo, insimple words, yung medyo mataas.

"Mas malawak na ang pang-unawa ng mga tao ngayon at yunnaman ay katotohanan na lang. At hindi naman porke nag-endorse ka ng alak obeer, lasinggero ka na rin. Mahirap lang kasi siya, kasi may mga kabataan. Kasipaano mo ie-encourage ang mga kabataan na iniidolo ka rin, ‘pag nakita ka nila na nag-e-endorse ng beer? E,‘yun nga, medyo nakakatakot din," tapos ni John Lloyd.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN