Chairman Bayani Fernando reacts to Bong Revilla and Jinggoy Estrada's plan to kick him out of MMFF

MMDA Chairman Bayani Fernando is criticized by actorsturned senators Jinggoy Estrada (inset, upper right) and Bong Revilla (inset, lower right) for the way he runs theyearly Metro Manila Film Festival (MMFF). He challenges the two senators bysaying, "Kung gusto nilang mag-festival, they put up their own festival."



Rumesbak si MMDA Chairman Bayani Fernando sa kanyangbirthday party-presscon sa Cultural Center, Marikina City, kamakailan, sahakbang na gagawin daw nina Senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada nabibigyan siya ng last chance ngayong December sa pamamahala ng Metro ManilaFilm Festival (MMFF).

‘Pag hindi pa rin daw maganda ang mangyayari sa MMFF thisyear ay gagawa sila ng bagong ahensya at magpepetisyon diumano sila paramapalitan si Chairman Fernando bilang chairman ng MMFF.

"I-define na rin nila kung ano ang hindi magandang nagawa ngMMFF! Yung isang million, kung hindi maganda ang kita, yun ang hindi maganda.Magmula nang hawakan ko ang MMFF, tumaas ang kinita nito na hindi pa kinita ngMetro Manila Film Festival sa tanang 35 years of existence. Kaya hanggang saanang gusto nila? ‘Yan ang dapat i-research nila bago nila sabihin na hindimaganda," diretso niyang pahayag sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Ang sistema ng pamamalakad natin is always for improvementevery year dahil it's the same people na inabot ko diyan, six years ago, yun parin ang mga respected members of the industry. Sino ang mga nakaupo dun? SaMowelfund Boots Anson Roa, FilmAcademy of the Philippines (FAP) Chairman Esperidion Laxa; si Ric Camaligan napresident ng cinemas.

"Nandoon din mismo sa board na yun, sina Manny Nuqui na maysinasabi sa industriya kaya hindi puwedeng sabihin na nagpabaya o whatsoever,"deklara pa ni Chairman BF.

May legal basis ba sina Sen. Revilla at Sen. Estrada paraagawin kay Chairman Bayani ang MMFF?

"Wala... Hindi maganda yung pakialaman nila nang ganun yunpagkat yun ay isang batas. Kaya ko kinarir ‘yan, to reperesent the interestof the local government. Kasi ‘yan aysa pagmamagandang-loob ng mga mayor na binibigay sa industriya sa halip na mapuntasa city. Kaya.‘wag nilang anuhin yun dahil pagmamagandang-loob lamang yun. AndI'm here...I'm the chairman of the festival to represent the interest of thedonors.

"Kung gusto nilang mag-festival, they put up their ownfestival," malaman pang deklara ni Chairman BF.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong din si Chairman Bayani kung isa kina Gov. VilmaSantos o Sen. Bong Revilla ang maging running mate niya sa 2010 electiondahil plano niyang tumakbong presidente ng bansa, pabor ba siya?

"Partido ang magdedesisyon, e! Wala sa aking diperensya yun.Hangga't maaari, I would want somebodyna makakadagdag ng boto ko. Complementary," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN