Willie Revillame says he's just enjoying the fruits of his labor

"Balewala lahat ito. Ito ay pinapahiramlang sa atin. Kahit bilyonaryo ka pa, wala ito. Lahat ng ito, ini-enjoy ko langkung ano meron ako. Nagsimula ako sa wala; ngayon nagkaro'n ka ng konti, eendyoyinko na ‘yan kasi dapat mag-enjoy ka sa buhay," says Willie Revillame about his assets and properties.



Nagpaunlak ng panayam ang TV host-comedian na si WillieRevillame kay Cristy Fermin sa The Buzz noong Linggo, July 20. Dumating siWillie kasama ang kanyang apo na si Elijah o Eli, na anak ni Meryll Soriano saaktor na si Bernard Palanca.

Usap-usapan sa showbiz ang balita, na unang lumabas dito saPEP (Philippine Entertainment Portal), tungkol sa pagpapagawa niya ng kanyanglast will and testament. May pakiramdam na ba si Willie na hindi na magtatagalang buhay niya?

"Alam mo, Tita Cristy, ganun talaga ang buhay. Anytime,hindi mo masabi ang buhay; baka bukas-makalawa, wala ka na sa mundo. Inaayos kolang lahat, okay. At ayoko nang magkaproblema yung mga taong iiwanan ko. Kahitsa kamatayan ko, gusto ko, ako lahat. Para ‘pag namatay ako, wala na, maghihintay na lang sila. ‘Tsaka gustoko, masaya ang lahat. Basta yun ang gusto ko, praktikal," pahayag ni Willie.

Kinumpirma rin ni Willie ang una niyang pahayag na gustoniyang sa studio ng ABS-CBN siya iburol.

"Sa Studio 3 kasi napaka-memorable ng buhay ko," sabi niya. "Diyanako bumagsak at diyan din ako umangat. So, gusto ko nandiyan ako. Kung ano angginagawa ko every day, yun din. ‘Tsaka gusto ko nga habang nakaburol ako, nagbu-BoomTarat pa yung mga tao, e. Oo, para ganun kasaya. Iba. Ganun naman talaga, e.Nagkita-kita naman tayo dun."

WILLIE'S PROPERTIES. Kuwento pa ni Willie, ibinigay na niya sa panganay niyanganak na si Meryll ang bahay niya sa Capitol Hills. "At yung Tagaytay, inuuwianko kapag weekend," dagdag niya.

Tinanong siya ni Cristy kung bakit marami siyang bahay atsasakyan.

"Wala kasing nagmamahal sa akin," birong seryoso ni Willie. "Hindi,kasi yung mga sasakyan, hilig ko na ‘yan, maliit pa ako. Hanapbuhay, hilig ko na‘yan. But anyway, yun ang nagiging inspirasyon ko, e. Yung everyday, napapagodako, gusto ko nakikita ko yung pinaghihirapan ko. Yung mga bahay, sa mga anakko na ‘yan. Hati-hati sila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi rin ni Willie na yung binibili niyang building saTomas Morato Ave. sa Quezon City ay very memorable para sa kanya.

"Alam mo yung building na yun, yung lugar na ‘yon sa Morato,nung drummer pa ako, diyan na kasi ako nakatira for 16 years. Nung drummer akosa Birdland, nagdyi-jeep ako, e. Naglalakad ako, sabi ko, ‘Gustong-gusto ko‘tong bahay na ‘to.' That was 25 yearsago, mga ganun. Mga 15 o 17 ako noon. Ako po'y nagtatrabaho na bilang drummersa halagang P165 a night. So, ‘pag dumadaan ako doon, ang ganda ng parking lotnoon. Sabi ko, ang lawak, saka hanggang likod. Kaya sabi ko ‘pag ako'ysinuwerte, sana ito ang maging bahay ko."

WILLIE'S HEALTH. Kinumusta rin ni Cristy ang kalagayan ng kalusugan niWillie.

"May problema ako sa aking intestine. May mga sugat becausenapabayaan ko ang sarili ko. Kasi sa Wowowee, alas-kuwatro na ako nagla-lunch,e. ‘Tapos nine o'clock [umaga], nandiyan na ako. Nagre-rehearse na ako kung ano ang gagawin for theday.

"Eight-thirty, minsan nandiyan na ako. Hanggang gabi na akodiyan. One meal a day lang ‘ata ako, e. Napabayaan ko. So, last year, nagpa-executive [check-up]ako, naayos naman. Yung ulcer ko, ang dami. Pero pagpa-check-up ko nung nagbakasyonako last two weeks ago, may nakitang bara sa puso ko, isang vein."

Kaya pa rin naman daw gamutin ang heart condition niya sapamamagitan ng pag-inom ng gamot. But just the same, nakahanda na rin daw salahat si Willie.

BILLIONAIRE TV HOST. Dagdag ni Cristy, walang duda na bilyonaryo na ngayon siWillie. Pero ang bilyon niya, nagiging piso lang kapag hindi niyanapapakinabangan.

"Balewala lahat ito," sabi ni Willie. "Ito ay pinapahiramlang sa atin. Kahit bilyonaryo ka pa, wala ito. Lahat ng ito, ini-enjoy ko langkung ano meron ako. Nagsimula ako sa wala; ngayon nagkaro'n ka ng konti, eendyoyinko na ‘yan kasi dapat mag-enjoy ka sa buhay. Kagaya ng ginagawa ko sa Wowowee... Angdami kong kaso dati. Sa backstage, umiiyak ka; pero paglabas mo sa tao,kailangan masigla ka. 'Eto ang pinasok kong trabaho."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila ng tagumpay, kontrolado pa rin daw ni Willie angsarili niya.

"Hindi ako puwedeng magbago. Kung ano ang pagkakilala mo saakin, ganun pa rin ang ugali ko. Umuuwi ako na naka-tsinelas, naka-shorts.Pagkatapos nito, ‘etong suot ko na ito, babalik na ako sa tunay kong buhay. ‘Eto,trabaho ko lang. Hindi ko ginagawa ‘to sa buhay ko dahil gusto kong sumikat.Hindi ko naman alam na ganun na kasikat ang Wowowee, doon ko na lang nakita saabroad," pahayag ng TV host-comedian.

Kasunod nito ay inusisa ni Cristy ang lovelife ni Willie.

"Ako, alam mo naman ako, dumaan na ang bagyo, lahat, lagi naakong nakangiti. ‘Tapos pagpasok ko sa kuwarto ko, ako na lang ang nakakaalamsa buhay ko. Ngayon, kung meron man akong nagiging inspirasyon o anuman, yunnaman ay kasama sa buhay," pagtataposni Willie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN