Friends and co-workers remember Direk Gilbert Perez

Director Gilbert Perez's friends remember him as being atrue friend and a jolly director. His remains will be buried at the Holy CrossMemorial Park, Novaliches, tomorrow, July 23.



Kasalukuyang nasa Studio 1 ng ABS-CBN ang mga labi ngdirektor na si Gilbert Perez. Ito ang pangalawang tahanan ni Manong Gilbert sahalos 30 taon ng buhay niya.

Nagsimula si Manong Gilbert bilang production assistant saBBC-2. Hanggang sa magsara ito't muling nagbukas as ABS-CBN pagkatapos ngMartial Law, patuloy na tinugunan ni Manong ang tawag ng telebisyon.

Naging executive producer siya ng mga programang Ready,Get Set, Go! at Eh, Kasi Bata. Sa programang Goin' Bananasnaging assistant director si Manong. Hanggang sa maging director siya ng mgaprogramang ATBP, Arriba,Arriba, Maalaala Mo Kaya, Gimik, G-mik, It Might BeYou, Sa Puso Ko Iingatan Ka, Bituing Walang Ningning, SuperInggo, Maging Sino Ka Man at Patayin Sa Sindak si Barbara.

Tinahak din ni Manong ang pagdidirek ng mga pelikula. Siyaang direktor ng Kahit Isang Saglit, Trip, Jologs, Dreamboy at Supah Papalilcious.

Narito ang ilan pa sa mga malalapit na kaibigan ng butihingdirektor na nagbigay ng kanilang huling pananalita para kay Manong sa EntertainmentLive! at The Buzz last Sunday.

Cory Vidanes: "Parang perfectionist. Using-uzi. Gustoniya lahat, tama ang pagkagawa. I always had the feeling na Manong really loved watching movies. He lovedwatching TV. May mata siya, e. I was never surprised that he would make it as avery good director and really, he did.

"Manong has been my friend, my brother for 26 years. Ako, satotoo lang, I won't be in the industry if not for Manong. When he got to St.Luke's [Medical Center], I thought at that point he is gonna go. Then theybrought him to CCU [Coronary Care Unit], they had this angioplasty.Miraculously, he was already opening his eye. Until he started talking, ‘O...,' ako was telling him, ‘Manong this issuch a miracle.'

"I miss you. I miss you so much and thank you. Thank youtalaga, Manong. I'm so happy... Lahat-lahat pasensya, pagmamahal. All thehard work. Also for us in ABS, You'resuch a great person. Manong, mami-miss talaga kita."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nova Villa: "Masakit din na mawala ang mahal mongdirektor, kaibigan."

Lani Mercado: "I will always remember yung smileniya. Well, Manong, mission accomplished ka na."

Al Tantay: "Siguro yung pinakamagandang role kobilang artista, under sa ‘yong direksyon. Nagpapasalamat ako sa ‘yo."

John Prats: "Happy na ako for him. Wala na akongmasasabi. I know kasi nagawa niya na ang mission niya. Happy siya, e."

Camille Prats: "Matuturing ko siya bilang pangalawangama. He will always be in our hearts."

Daddy Dondi Prats: "Siyempre, parang nawalan ako ngisang kapatid, isang kaibigan."

Jericho Rosales: "He shared a lot of things with me.Hindi lang professional but very passionate rin."

Direk Jerry Sineneng: "Manong, we love you. We'llmiss you. May you find peace."

Direk Wenn Deramas: "Sa mga nagawa niya simula sa TVhanggang sa huli niyang pelikula, quota na si Manong. Okey siya. Nagingfruitful yung stay niya dito. Walang nasayang."

Makisig Morales: "Ah, si Manong po sa amin ay sobrangbait po na direktor. Grabe. Mahal na mahal po namin siya."

Jairus Aquino: "Hindi po namin makakalimutan si DirekManong kasi po lagi siyang nandiyan para sa amin."

Angelu de Leon:"It's just so sad that we won't hear his voice and his laughter. More so, hindina niya kami madidirek ulit."

Bianca Lapus: "Siya yung nag-a-advise sa akin kapag may mga heartache-heartache,ganyan. More on talagang parang tatay-tatayan na parang kuya-kuyahan."

Albert Martinez:"Para sa akin, si Manong laging masaya, all the time. Kahit sumisigaw na, masayapa rin."

Direk Don Cuaresma: "Si Manong yung best friend ko.Ah, siya yung hingahan ko ng sama ng loob. It's not going to be the same againwithout Manong."

Direk Ruel Bayani: "Si Manong ay isang tunay na kaibigan.Siyempre nagpapasalamat kami sa many, many years of friendship."

Sa Studio 1 din magaganap ang huling misa para kay Manong,bago ito dalhin sa huling hantungan sa Holy Cross Memorial Park, Novaliches, bukas, July 23.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN