Angelica Panganiban supports Leni Robredo for VP; consistently roots for Duterte

Apr 25, 2016
<p>Kung si Rodrigo Duterte ang sinusuportahan ni Angelica Panganiban, ang kandidato mula sa Liberal Party na si Leni Robredo naman ang iboboto ng Kapamilya actress para maging vice president.</p>

Kung consistent si Angelica Panganiban na si Rodrigo Duterte ang kanyang ibobotong presidente sa national elections ngayong May 9, ang napipisil naman niyang iboto bilang vice president ay si Leni Robredo.

Ngayong araw, April 25, ipinost ni Angelica sa kanyang Instagram account ang campaign poster ng Camarines Sur Third District representative.

Sa kanyang maiksing caption, sinabi ni Angelica na sa simula pa lang ay si Robredo na ang manok nila sa pagka-pangalawang pangulo.

Yes. Since day1. Vice President Leni ?????

A photo posted by Angelica Panganiban (@iamangelicap) on

Si Robredo ay mula sa Liberal Party at running mate ni presidential candidate Mar Roxas,; samantalang si Alan Peter Cayetano naman ang running mate ng sinusuportahang presidente ni Angelica na si Davao City Mayor Duterte.

Samantala, sa kanyang Instagram post nitong linggo, ibinahagi ni Angelica ang larawan ng pie na nagpapakita sa pinaborang presidential candidate ng Facebook users na umabot sa higit sa 40,000.

Sa nasabing pie, nakakuha ng 60 percent si Duterte, 30 percent kay Mar Roxas, 8 percent kay Sen. Miriam Defensor-Santiago, at parehong 1 percent kina Sen. Grace Poe at Vice President Jejomar Binay.

Continue reading below ↓

Very vocal si Angelica sa pagpapahayag na si Duterte ang kanyang iboboto.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Kung si Rodrigo Duterte ang sinusuportahan ni Angelica Panganiban, ang kandidato mula sa Liberal Party na si Leni Robredo naman ang iboboto ng Kapamilya actress para maging vice president.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results