FIRST READ ON PEP: Katrina Halili insists Riza Santos snubbed her at FHM event

Katrina Halili to Riza Santos: "Sana lang, huwag kangmasyadong masama tumingin. Kasi ano, e, nami-misinterpret ng ibang tao. Ako,okay lang ako. Pero paano yung ibang tao? Baka mamaya niyan, dumami angkaaway mo."



Pagkatapos maglabasan ang istorya tungkol sa pang-iisnabdiumano ng beauty queen-actress na si Riza Santos sa Kapuso stars na sinaKatrina Halili, Alyssa Alano, at LJ Reyes sa FHM 100 Sexiest Women in the Worldvictory party last July 17 sa World Trade Center, nagbigay naman ng kanyangpanig ni Riza tungkol dito.

Sa artikulong unang lumabas dito sa PEP (PhilippineEntertainment Portal), sinabi ni Riza na hindi niya inisnab at inirapan ang mganabanggit na Kapuso stars. Paliwanag niya, busy raw siya noong mga oras na ‘yonat hindi niya gaanong napansin ang presence nina Katrina, Alyssa, at LJ.

Kaninang tanghali naman, July 22, ay muling nakausap ng PEPsi Katrina sa contract-signing niya with OctoArts Films sa Guilly'srestaurant sa Tomas Morato, Quezon City. Hiningi namin ang kanyang reaksiyon sapahayag ni Riza tungkol sa nangyari sa event ng FHM.

Pinangunahan na ito agad ni Katrina sa pagsasabing hindinaman daw siya galit kay Riza.

"Well, hindi naman po ako galit sa kanya. Alam n'yo naman poako, tao lang po ako. Katulad na lang po noong StarStruck, sinabi kona hindi ako pinansin ni Yasmien [Kurdi].

"Tinanong sa akin, ‘Bakit?' E, hindi naman talaga niya [Riza] akopinansin. Pero mabait naman po siya, siguro bad trip lang talaga siyanoon. Wala siya sa mood or ewan ko kung ano ang problema niya. O baka namannahihiya siya kasi first time niyang mag-ramp or hindi niya ako kilala. Hindinatin alam."

Consistent si Katrina sa pagsasabing nag-smile siyakay Riza, pero hindi siya sinukulian ng ngiti ng dating Miss Earth-Canada atex-housemate ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition.

Kuwento ni Katrina, "Tiningnan ko po siya at nginitian kosiya. Siguro po, ako rin naman kasi, di ba? Kahit ako rin naman po,sinasabihan ako ng mga tao na masungit daw ako, pero naiintindihan ko naman po yun. Kumbaga, nakikipagkuwentuhan lang ako at nasabi ko na sinungitan niya ako,tiningnan ko lang siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila nito, gusto pa rin daw ni Katrina na intindihinkung anuman ang naging actions ni Riza.

"Siguro ano po, yun lang yung...minsan may mga taongnahihiya. At dahil nahihiya siya, magpe-pretend na lang siya na masungitsiya. Kasi minsan, ganoon din naman ako.

"Actually, nasabi ko lang po kasi, kaibigan ko sila Iwa.E, si Iwa, parang nagsabi na sinungitan niya [Riza] si ano... So parang ako, ‘Ako rin!'"

Sa interview ng PEP kay Riza, itinanggi nito na may ganoonginsidenteng naganap. In fact, nagpahayag pa ito na bumili siya ng DVD copy ngmovie ni Katrina na Gigil at nagsabing idol daw niya si Katrina. Napi-feel bani Katrina ang sincerity sa naging pahayag ni Riza?

"Hindi ko alam!" sagot niya. "Kasi ako, kahit masungit ako,kung idol ko siya, hindi ko ipapakita. Siguro blangko lang ang mukha ko, perohindi ako magtataray."

Nasabi rin ni Riza na sa dami ng tao at sa pagiging busy nglahat noong event, hindi na raw niya matandaan kung nakapag-eye-to-eye contactnga sila.

"Imposible!" reaksiyon naman ni Katrina. "Kasi ilang besesko siyang tinitigan. Kunwari noong una, nginitian ko siya ‘tapos sinungitanniya ako. ‘Tapos tinitigan ko talaga siya at hindi ako tumigil kahit nakatinginsiya sa akin. Parang ako, ‘Sino ba ‘yan?'

"Pero siguro, yun nga, first time niya na pupunta doon.Hindi niya ako kilala or hindi niya alam kung paano niya ako ia-approach. Hindinatin alam."

Sa huli, may mensaheng gustong iparating si Katrina kayRiza.

"Hindi naman po ako galit sa ‘yo. Sana lang, huwag kangmasyadong masama tumingin. Kasi ano, e, nami-misinterpret ng ibang tao. Ako,okay lang ako. Pero paano yung ibang tao? Baka mamaya niyan, dumami angkaaway mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Wala naman yun. Alam ko na mabait ka naman sigurongtao. Posibleng hindi mo sinasadya. So siguro, iwasan mo na lang ang ganoongbagay. Nasa showbiz ka, e. Lahat ng tao nakatingin sa ‘yo," pahayagni Katrina para kay Riza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN