Patrizha Martinez saddened by her mom being dragged into court case against Baron Geisler

Despiteall the hassles in their court battle against the young actor, BaronGeisler (left), Yayo Aguila (inset, bottom right) and daughter Patrizha Martinez (inset, upper right) said the ordeal onlystrengthened their relationship. "Parang ‘yong belief naminsa isa't isa lalong naging strong ‘yong bond namin. Because, siyempre, shesupports me, alam ko na she won't leave me and kahit anong mangyari ipaglalabanniya ‘ko and parang we appr



Humarap sa telebisyon kahapon, July 21, ang mag-inang sinaYayo Aguila at Patrizha Maree Martinez sa Boy& Kris.

Timing ang nasabing guesting sa dahilang kamakailan aynaiulat na nagsampa ng kasong perjury si Baron Geisler laban kay Yayo dahildiumano sa pagsisinungaling nito sa ipinasang sanaysay sa korte kaugnay ngkasong acts of lasciviousness na kinakaharap ng controversial young actor.

Ang kasong acts of lasciviousness ay isinampa ni Patrizhalaban kay Baron matapos diumanong hipuan nito ang dalaga at yayaing makipagtalikhabang gumigimik sila sa Fiamma Bar sa Jupiter Street sa Makati City, noong April25, 2008.

P5 million ang hinihinging kabayaran ng pamilya Martinez kayBaron. Bilang sagot ay nag-file ng kontra-demanda ang aktor kayPatrizha. Unjust vexation ang itinuturong dahilan ni Baron na nangatwiran dinna "baseless" ang kaso at nais lamang ni Patrizha na siraan ang kanyangpagkatao.

SAD TURNOF EVENTS. Sa panayam ng Boy &Kris ay aminado si Patrizha na labis siyang nalungkot sa pagkakadamay ngkanyang ina sa legal issue.

"Siyempre po kasi nung una kaming dalawa lang. Now,nakakainis na nakakalungkot kasi parang bakit may nadadamay na iba. Bakit ganun?Parang kung ako ‘yong kalaban mo, kung ako lang, ako na lang, ‘di ba?"paliwanag ni Patrizha.

Incidentally ay nagkasama pa sina Yayo at Baron sa realityshow na Pinoy Big Brother last year.During their stint sa show, ay nagkaroon na din diumano ng pagkakataon nabinastos ni Baron si Yayo.

"Meron din kasing mga instances na nagkaroon kami ng mga encounterbefore," saad naman ni Yayo kay Kris nang tanungin ito.

Kumpiyansa naman ang abogado ng mga Martinez na ibabasura ngkorte ang perjury case laban kay Yayo. Isinaad lamang daw ni Yayo sa affidavitang mga pangyayari ayon na din sa pagkakakuwento ng anak, kaya wala raw matibayna sandigan ang akusasyon ni Geisler.

Sa panig naman ni Baron ay sinabi nito na hangga't maaaringa daw ay ayaw niyang humantong sa buhul-buhol na demanda ang lahat. Malakingabala daw ang kaso at malaki-laki na rin ang nagagastos niya sa legal fees.Pero nanindigan din naman ito na kailangan daw niyang ipaglaban ang kanyangkarapatan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ganoon din naman ang nararamdaman ng pamilya Martinez. Onthe bright side ay nakatulong din daw ang mga pangyayari para lalong mapagtibaypa ang mother-daughter relationship nina Yayo at Patrizha.

"Close naman talaga kami. Pero ngayon parang ‘yong beliefnamin sa isa't isa lalong naging strong ‘yong bond namin. Because, siyempre, shesupports me, alam ko na she won't leave me and kahit anong mangyari ipaglalabanniya ‘ko and parang we appreciate each other more now," sambit ng dalaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN