Katrina Halili signs multi-picture deal with OctoArts Films

Two-time FHM Sexiest Woman Katrina Halili signed a multi-picture deal with OctoArts Films. She is scheduled to start shooting One Night Only for the 2008 Metro Manila Film Festival and the remake of the Vilma Santos-starrer Miss X.



Pagkatapos mai-launch sa telebisyon as a lead star saafternoon soap ng GMA-7 na Magdusa Ka, pumirma naman ng multi-picture deal siKatrina Halili sa OctoArts Films. Ginanap ang contract signing kaninangtanghali, July 22, sa Guilly's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Kasama ring humarap ni Katrina sa press ang big boss ngOctoArts Films na si Mr. Orly Ilacad at ang mga direktor na sina Jose JavierReyes at Gil Portes. Sina Direk Joey at Direk Gil ang magdidirek ng unang dalawangpelikula ni Katrina sa Octo Arts Films—ang One Night Only at ang remake ng MissX.

"Thankful po ako na pinagkatiwalaan po ako ni Boss Orly.Hindi pa po dumadating yung Magdusa Ka, yung first bida role ko, kontrabida palang po ako, in-offer-an na po ako ni Boss Orly. So, masayang-masaya po ako nakahit kontrabida pa lang ako, meron nang nagtiwala sa akin," nakangitingpahayag ni Katrina.

Dahil dalawang pelikula agad ang nakalinyang gawin niKatrina para sa OctoArts Films, obvious na malaki ang tiwala ni Boss Orly sakakayahan ng Kapuso star.

Ayon kay Boss Orly, "Available yung material na babagay kay Katrina, so yun yunguna naming ibinigay. Kung puwede nga lima agad ang ibibigay namin, e, paratuluy-tuloy yung relationship sa kanya. ‘Tsaka part ng pag-build up sa kanya safilm. We know, sa television, napakalaki na ni Katrina. Pero sa film, we needto work some more."

ONE NIGHT ONLY. Unang gagawin ni Katrina sa multi-picturecontract niya sa OctoArts Films ang 2008 Metro Manila Film Festival entry na One Night Only na ididirek ni Direk Joey. Makakasama ni Katrina ritosina Angelica Panganiban, Diether Ocampo, Roxanne Guinoo, Valerie Concepcion,Paolo Contis, Joross Gamboa, at Ricky Davao.

Gagampanan dito ni Katrina ang papel ng mistress ng isangcongressman. Ayon kay Direk Joey, nakasentro ang pelikula sa 24characters na nagsama-sama sa loob ng isang motel sa loob ng 12 hours, from 4p.m. to 4 a.m. Para raw itong Radio Romance ni Direk Joey noon, pero sex comedy na angtema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ang unang pagkakataon na makakatrabaho ni Katrina siDirek Joey at aminado ang sexy actress na kinakabahan siya ngayon palang. Pero ayon naman kay Direk Joey, walang dapat ipag-alala si Katrina.

Hindi na rin daw kailangang dumaan sa workshop ang actress dahil basesa napanood ni Direk Joey na pagganap ni Katrina sa mga teleserye niya sa GMA-7ay sigurado raw siyang magagampanan niya nang maayos ang kanyang role.

Posible raw simulan ang shooting ng One Night Only sa lastweek ng August dahil kailangang i-consider ang taping ni Katrina ng Magdusa Ka.

MISS X. Masasabing mas malaking challenge para kay Katrinaang Miss X. Bukod kasi sa remake ito ng 1980 film—na unang ginampanan ng StarFor All Seasons na si Vilma Santos at idinirek din ni Gil Portes—ay medyo daringdin ang role na ni Katrina rito bilang Asian prostitute sa Amsterdam.

Ayon kay Direk Gil, marami na raw attempt in the past nagawan ng panibagong version ang Miss X, pero hindi matuloy-tuloy. In fact, ilansa mga artistang na-consider to star in the remake were Vina Morales and DonitaRose during their heyday. Pero last year lang daw nagkaroon talaga ng linawang lahat and Katrina was "highly recommended" by Boss Orly.

Dahil almost 30 years na ang nakalilipas mula nang ipalabasang original Miss X, modernized version na raw ang gagawing atake ni Direk Gilat ng sumusulat ng script na si Eric Ramos, former editor-in-chief of FHM. Peroidiniin ni Direk Gil na ang puso ng istorya ay ganun pa rin.

Hindi pa napapanoood ni Katrina ang Miss X ni Vilma at mukhangmahihirapan na siyang makahanap ng kopya nito ngayon. Ayon kasi kay Direk Gil,yung original negative ng pelikula ay ibinigay nila sa Experimental of thePhilippines (ECP) noon at itinago sa Manila Film Center. Pero nang minsangbumagyo ay nakita raw nilang nakalutang sa baha ang negatibo ng Miss X.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Umaasa rin si Direk Gil na mapantayan o malampasan niKatrina ang ipinakitang husay ni Vilma sa orihinal na Miss X. "Kailangan, kasimapipintasan ng press ‘pag hindi maganda yung pagkakagawa ng pelikula," sabi niDirek Gil.

Dagdag pa ng direktor, isang "acting vehicle" ang Miss X para kayKatrina.

Bukod sa husay sa pagganap ay ire-require din kay Katrinaang pagiging daring sa ilang eksena sa pelikula. Pero nakahanda naman daw angtwo-time FHM Sexiest Woman para rito.

"Siguro hindi naman po ipapakita lahat kasi bawal na pongayon ‘yon, di ba?" pauna ni Katrina. "‘Tsaka may tiwala naman po ako saOctoArts at saka kay Direk Gil. Alam ko pong makakaya ko po ‘yon at kakayaninko po talaga dahil alam ko po maganda yung pelikula, ‘tsaka alam ko pong hindinila ako papabayaan.

"Hindi naman po ako first-timer kasi ilang beses na akongnag-pictorial for FHM at may ginagawa akong coffee-table book, ‘taposnagpa-fashion show din po ako. So, kaya ko po naman yun," paniniguro pa ngdalaga.

Tiniyak naman ni Direk Gil na hindi naman sobrang daring angipagagawa niya kay Katrina. At kahit daw bold at daring ang pelikula, gustoniyang ma-appreciate ito ng audience at maipalabas ito sa SM Cinemas, kung saanbawal ang R-18 films.

Sinabi rin ni Direk Gil na sinusubukan nilang kunin si Vilmaupang mag-cameo role sa bagong version ng Miss X. Nagpadala na raw sila ngfeelers at gusto raw mabasa ng actress-politician ang script.

Posibleng masimulan ang shooting ng Miss X sa late October or early part of November. Ayon kay Boss Orly, malamang ipalabas ito saFebruary 2009.

REGAL CONTRACT. Bago pumirma si Katrina ng kontrata saOctoArts Films ay kinonsulta muna raw niya ang kanyang abogado para tiyakingwala na siyang magiging sabit sa kontrata naman niya sa Regal Entertainment.

Matatandaang ang Regal ang nagbigay ng launching film kayKatrina sa pamamagitan ng Gigil. Bukod dito, ginawa rin niya para sa Regal angSuper Noypi at Shake, Rattle & Roll 9.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung pinirmahan ko sa Regal, four pictures for two years attapos na po ang two years ko, and tatlo pa lang po ang nagagawa ko. E, twoyears lang naman po yun at pinabasa ko po sa attorney ko at tapos na nga rawpo.

"'Tapos sabi rin ng attorney ko, paano raw po kungmagkakaroon ng problema? Gagawa pa raw ba ko ulit sa Regal in case na habulinpa ang isang movie? Sabi ko, ‘Oo naman po! Wala naman pong masama saakin.' At saka, wala naman po akong ginagawa ngayon, alangan naman ponghintayin ko?" paliwanag ni Katrina.

Pinagtatakhan din ng marami kung bakit sa Regal at OctoArtspiniling gumawa ng pelikula ni Katrina samantalang may sarili namang film outfit angKapuso network, ang GMA Films.

"E, wala naman po silang offer sa akin!" natatawang pag-aminni Katrina. "Baka wala po silang tiwala! Joke! Pero hindi po, di ba po, ang GMAFilms naman po, hindi naman po kasi sila maramihan kung gumawa ng movies?"

FROM AVENGER TO MOVIE STAR. Ano naman angmasasabi ni Katrina na sa mga kasabayan niya ay bukod-tangi siyangpinagkatiwalaan ng film outfits na magkaroon ng solo movies?

"May nagtanong nga po sa akin kanina kung pang-ilan daw akosa StarStruck. Sabi ko, ‘No. 8.' ‘Tapos sabi niya, ‘Tingnan mo, kahit pang-No. 8ka lang, nandito ka pa rin, tuluy-tuloy.' ‘Di po ba,' sabi ko, ‘yung No. 8suwerte po ‘yon?' Siguro, suwerte lang po talaga ako," saad ni Katrina.

Hindi na ba talaga siya babalik sa pag-kontrabida?

"Actually po, bago ang Marimar, nag-decide po ako na hindina ako magko-kontrabida. Sinabi ko na po sa sarili ko na kung hindi na akobibigyan ng GMA ng show, sabi ko, okay lang sa akin, siguro mag-aaral na langpo ako. Pero natuwa naman ako, after a week, tinawagan nila ako... Yun nga, in-offernila sa akin yung Marimar, hindi ko po siya tinanggap agad. Actually, two weekspo nila sa akin pinilit na tanggapin yung Marimar. ‘Tapos sabi ko sa sarili ko,‘Sige, last na ‘to.' ‘Tapos natuwa naman ako, after a week, in-offer nila saakin yung Magdusa Ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"‘Tapos nung ibinigay po sa akin yung Magdusa Ka, ang damingnag-react, di ba? Ang daming nagsabi na hindi ko kaya, hindi bagay... So natuwaako na mataas yung ratings namin at marami pong nanonood na gusting-gusto ponila. So, masayang-masaya po ako," lahad ni Katrina.

Additional report by Rose Garcia


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN