Mylene Dizon used her own experiences in acting out role in "100"

"When my father died, it was Christmas Day. Kaya siguro ganito ako ka-strong tingnan,kasi namatay ang father ko sa araw na kailangang nagsasaya kami at naghahanda,pero yun nga ang nangyari," recalls Mylene Dizon.



Tinawagan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si MyleneDizon para batiin sa pagkakapanalo niya bilang Best Actresssa nakaraang Cinemalaya Philippine Independent Film Festival para sa pelikulang 100. Medyo hindi paraw nakababawi ng tulog ang aktres dahil pagkagaling niya sa Hong Kong, tumuloyna siya sa Cultural Center of the Philppines (CCP) para sa awards night.

"Namakyaw ako ng mga materyales sa Hong Kong para sabago kong business. I'm into manufacturing leather cases for laptops. Iba narin kasi yung kahit paano, may pinagbubuhusan ng kinikita," saad ni Mylene.

Nagawang epektibo ni Mylene ang pagganap niya bilang babaengmay cancer sa 100, ang obra ni Chris Martinez, na tumatalakaysa pagharap sa kamatayan, dahil na rin sa personal experiences ng aktres.

"When my father died, it was Christmas Day,"pagbabalik-tanaw ni Mylene. "Kaya siguro ganito ako ka-strong tingnan,kasi namatay ang father ko sa araw na kailangang nagsasaya kami at naghahanda,pero yun nga ang nangyari.

"He also died of cancer. Natatandaan ko na walangospital na titingin sa dad ko para sa requirements ng death certificate, kasinga holiday yun, e. So I decided to bring him to Pampanga, doon sa relativesnamin doon. May kasama akong nagpalit-palit kami sa pagda-drive. Pero when itwas my turn to look after the corpse, humiga talaga ako sa tabi niya, kinausapko siya. Doon ko sinabi ang lahat-lahat ng nasa loob ko," kuwento niMylene.

Through her own experience, walang dudang may pinaghugutanng mas malalim na emosyon si Mylene, lalo na sa award-winning role niya bilang successfulcareer woman who's stricken with a terminal disease.

Kinabukasan after her Cinemalaya victory, she decided to goout with her son, Tomas, and her former lover who's also the father of her son,si Paolo Paraiso.

PAOLO'S DARING ROLE. Nabanggit namin kay Mylene na malaki ang improvement ni Paolosa akting sa indie film na Imoral. Gumanap bilang bisexual lover ng isang gayat isang babae na nag-decide sa set-up na magsama-sama sa iisang bahay siPaolo, at game na game ang aktor na nakipaglaplapan kina Katherine Luna atArnold Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagulat ako sa ideya dahil hindi ko akalaingtatanggapin ni Paolo ang ganoong role," sabi ni Mylene. "It's notthat I'm being prude or something, pero ang feeling ko, pagsisisihan niya angginawa niya. Yeah, it may only be a role, pero may repercussions din 'yan.Something which I have been experiencing after I did Rome & Juliet, where Iportrayed the role of a lesbian.

"Medyo may pagsisisi talaga sa akin, and I realized thatafter doing the film. Pero anyway, nariyan na 'yan. I just have to look at itas something na dapat ding pagdaanan ng mga artistang gaya namin."

Ganoon din kaya ang nararamdaman ni Mylene kapagnakikipag-kissing scene sa babae si Paolo? Gaya sa Imoral, bigay na bigay rinang sex scenes nila ni Katherine roon.

"Don't get me wrong. It's not the gay theme. It's moreof me, as what I have experienced. Yun lang. Kasi naisip ko, yung anak namin,magtatanong na 'yan. Lalo kung may mga nagsasabi na sa kanya. Napakabata paniya para pagpaliwanagan tungkol sa mga bagay na 'yan," paliwanag ngaktres.

Abala si Mylene ngayon para sa isang pelikula, ang CivilStatus: Single, para sa Viva Films, kung saan isa sa mga bida ay si Rufa MaeQuinto. Magkaganoon man, masasabi pa ring masuwerte ang pagiging daring niMylene para gumanap ng iba't ibang klaseng roles, na normally ay hindinaibibigay sa mas malalaking artista.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN