Angelika dela Cruz says dad will go ballistic if live-in rumor true

"Hindi komagagawa 'yan dahil alam kong isusumpa ako nang bonggang-bongga ng daddy ko[Ernie dela Cruz]. I must admit, nagpupunta ako kung minsan sa bahay ni Orion saOrtigas. Siya naman ay pinupuntahan din ako sa bahay namin sa Malabon. I see nothing wrong with that," says Angelika dela Cruz about report that she is already living in with her boyfriend, Orion Casareo.



Ayaw pang ipaalam ni Angelika dela Cruz ang iba pang detalyeng Una Kang Naging Akin, na nakatakdang matunghayan sa Dramarama sa Hapon ngGMA-7. Kasama siya sa cast nito at ididirek ni Joel Lamangan. Although may mganababalitaan na tungkol sa bagong teleserye, wala pang confirmation nanatatanggap si Angelika, maliban sa pagkakasali niya rito.

Kaya nga ‘ayan at kontrobersyal na muli si Angelika.Napapabalitang kasal na raw sa boyfriend niyang si Orion Casereo. Pinabulaananna ito ng aktres at ang bagong nasagap ng PEP (Philippine EntertainmentPortal), hindi pa nga kasal si Angelika pero ito'y nakikipag-live in na diumanosa boyfriend.

"Oh, no!" bulalas ng aktres. "Hindi komagagawa 'yan dahil alam kong isusumpa ako nang bonggang-bongga ng daddy ko[Ernie dela Cruz]. I must admit, nagpupunta ako kung minsan sa bahay ni Orion saOrtigas. Siya naman ay pinupuntahan din ako sa bahay namin sa Malabon. I see nothing wrong with that. Pero kung nakikita manako na nagpupunta sa bahay ni Orion, hindi nangangahulugan na doon na akonakatira, at doon na rin ako natutulog.

"I still live with my dad sa Malabon, although napag-usapanna rin namin, kailangan na rin namin ni Mika [Mariko, her younger sister] ngmatitirahan na malapit sa pinagtatrabahuan namin. Nag-aartista na rin si Mika,di ba? At plano namin, ita-transfer na namin siya sa Miriam College.

"Kaya dapat lang na mas malapit na rin sa Miriam yungtitirhan namin ni Mika, di ba? Malamang na sa Quezon City, basta malapit saKatipunan at sa GMA-7, para hindi na kami mahirapan," paliwanag niAngelika.

Magsosolo raw si Angelika, pero kasama niya roon ang sisterniya at ibang kaanak. Hindi raw yun para mag-live in na sila ni Orion.

"Hindi pa kami kasal at malabo 'yan sa ngayon dahil maycommitments pa ako. Heto nga at may bago akong assignment sa GMA-7. Paranghindi naman yata napapanahon kung gagawa ako ng desisyong ganyan. Three yearsna ang relasyon namin ni Orion. So far, so good. Wala akong nakikitang masamakung maghihintay pa kami ng ilang taon," sabi ni Angelika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May nakakita raw sa kanila na bumibili ng mga kasangkapan atappliances sa isang mall. Natawa na lang si Angelika na inuugnay ang balitangito sa kung anu-anong tsismis.

"Nag-a-upgrade kasi ng TV niya si Orion, kaya nandodoonkami para tumingin ng bagong TV. Nagpunta pa nga kami sa gun showroom. Bakitwala yun sa nasagap mong kuwento?" at saka natawa ang aktres.

"I don't want to rock the boat, lalo na yung tungkol sapagpapakasal. Wala namang masama kung magpakasal na rin ako dahil nasa age naako. Kaso nga, ang point doon, hindi totoo, How I wish na totoo, pero hindiganoon kadaling mag-decide," sabi ni Angelika.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN