Marjorie Barretto enjoys life being alone: "I'm no longer anybody's 'better half!'"

"Ako ngayon, I'm my own person now. I'm no longer anybody's'better half'. I hope people will take it well. Sana ‘pag lumabas yun, hindi namanganak pa nang manganak yung istorya," says Marjorie Barretto when asked how she's been doing after her separation from Dennis Padilla.



Sa pagpasok niya sa mundo ng pulitika bilang isang konsehalang Caloocan, kasabay nito ang kumpirmadong paghihiwalay nila ng asawang siDennis Padilla.

Samut-saring mga balita, intriga, at kuwento ang lumabastungkol sa paghihiwalay ng dalawa. Nandiyan ang paguugnay ng pangalan niMarjorie sa isang mataas na pulitiko ng pinaglilingkurang distrito—na ilangbeses din namang itinanggi ng aktres-politician—at ang kawalan diumano ngkakayahan ni Dennis na itaguyod ang kanilang pamilya. Hindi naman nabigyan ngkumpirmasyon ang mga usap-usapang ito.

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kayMarjorie sa nakaraang dedication and first-year birthday party ng pamangkin na siSantino, agad naming kinumusta ang aktres at kung may bago na ba siyanginspirasyon sa buhay ngayon, pagkatapos ng paghihiwalay nila ng asawa.

"Wala pa rin, I'm focused on my job, my being alone. Angtagal kong di alone and I'm enjoying it. Bata pa naman ako, ang dami pangopportunities na darating sa akin.

"Ako ngayon, I'm my own person now. I'm no longer anybody's'better half'. I hope people will take it well. Sana ‘pag lumabas yun, hindi namanganak pa nang manganak yung istorya."

Ang sinasabing "yun" ni Marjorie ay ang desisyon saannulment case na kanyang nai-file June last year. Sa "Funfare" ni RickyLo sa Philippine Star (July 21), ibinalita ng kolumnista na pinayagan na the Quezon City Regional Trial Court ang annulment petition niMarjorie three weeks ago.

HOW'S DENNIS? May balitang hindi pa rin nakaka-recover ang asawang si Dennis Padilla sa paghihiwalay nilang mag-asawa; lumalabas ang ilang kuwento na lalo raw nawalan ng direksyon angbuhay ng komedyante.

"Di natin masisisi kung sobrang naapektuhan siya kasi nagingmabuti naman akong asawa sa kanya for fourteen years. But I think he hasalready moved on. May girlfriend na nga siya ngayon."

May usap-usapang gagawa big announcement siMarjorie sa loob mga araw na ito. Nang tanungin siya tungkoldito, nanatili pa ring tikom ang bibig.

"It's a matter of announcing it properly; syempre, bakamaraming tao ang baka ma-offend. Basta, let's wait na lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SUPPORTIVE SISTERS. Kilala ang Barretto sisters na‘pag may problema o intriga ang isa ay nandun ang isa pang kapatid paramagbigay ng suporta at tulong. Pero nang tanungin ng PEP si Marjorie kung anoba ang suporta niya ‘pag may problema ang mga kapatid, sinabi niyang kani-kanyaraw sila ngayon ng nilalabanang sari-sariling battles. Although nandun namandaw lagi ang kanyang moral support para sa mga kapatid.

"Alam mo, kahit si Claudine ang pinakabunso sa amin,nakakalimutan namin na matanda na rin siya, isa na rin siyang ina, isa na rinsiyang asawa. Ngayon, kung anuman ang problemang dumarating sa kanya, we donot under-estimate her. Kailangang ma-realize natin na kaya na niya.

"Kung dati-rati lagi kaming dikit-dikit, na ‘pag mayproblema ang isa, nakikisali ang lahat, it's about time that we fight our ownbattles. Not that I don't support her, pero ayokong i-undermine siClaudine. I know that she can take care of herself, na kayang-kaya niya kahitano pa ang dumating sa buhay niya. Marami nang pagsubok ang dumating sa kanyana nalagpasan naman niya lahat.

"With Gretch, she's a very happy person, kaya di komaintindihan bakit ang daming lumalabas na talks against her. She's the one whomakes us happy. ‘Pag malungkot ako, siya ang nagpapaligaya sa akin.

"Ako kasi, I don't read [magazine and newspaper gossipitems] and I don't watch [showbiz talk shows] anymore, I don't bother myself parawala nang pressures."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN