KC Concepcion and Richard Gutierrez arrive today from Greece

KC Concepcion and Richard Gutierrez are expected to arrive this afternoon, July 23, from their nine-day shoot in Santorini, Greece.



Ngayong hapon, July 23, ang dating nina KC Concepcion atRichard Gutierrez mula sa Greece kung saan nag-location shoot ang stars andstaff ng For The First Time ng StarCinema under the direction of Joyce Bernal.

Lulan ng Emirates flight from Dubai, nakatakdang dumatingsina KC at Richard, pati sina Direk Joyce at ang production staff, ng 4:25 p.m.Ang pagdating ng grupo ay iko-cover ng TheBuzz at TV Patrol World.

Ayon sa isang source ng PEP (Philippine EntertainmentPortal) na taga-production, sweet na sweet sina Richard at KC sa shooting nilasa Greece. Halos hindi raw naghihiwalay ang dalawa. Obvious daw na mas lalongnaging kumportable na sa isa't isa sina KC at Richard, kaya maging ang mgamembers ng production staff ay kinikilig sa kanilang dalawa.

Si Richard pa raw ang nagbubuhat ng mga gamit ni KC. "She'sbeing treated like a princess by Richard," sabi ng aming source. "Nakakakiligtignan ang dalawa dahil sa kanilang sweetness. Marami raw tuloy ang nagtatanongkung sila na raw ba."

Ayon pa sa aming source, bumili ng matching bracelet andnecklace si Richard para sa kanilang dalawa ni KC. Suot kaya nina Richard at KCang kanilang mga bracelet at necklace pag-uwi nila?

Nine days nag-stay ang grupo sa Santorini in Greece.Pero back to work agad ang dalawa kahit kababalik pa lang nila from their trip.

May shooting si KC bukas, July 24, for her solo scenesng For The First Time atmagre-report na sa taping ng Codename:Asero si Richard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN