Gretchen Barretto now jokes about the "credit card issue"

"Oo, lumabas na kami after that incident. Ang credit cardko, oo, reding-ready na uli, bago na, pinalitan na, puwede na ulinggasgasin. Yung cash sa pitaka ko, pareho pa rin, P3,000. Minsan P1,000,siguro ugali ko na rin yun, so, di ko na mababago. I make sure na yung mgakaibigan ko maraming cash. Sabi ko nga, ‘Sige, ‘pag naputulan uli ako ngcard, nagasgas, sila ang magbayad," says Gretchen Barretto.



Kahit na hindi ganoon kaaktibo sa paggawa ng mga pelikula at sa mga programa satelebisyon, obvious namang hindi nawawala sa sirkulasyon si Gretchen Barretto.Sa halos linggu-linggo ba namang mga isyung lumalabas tungkol sa aktres,talagang laging in the news sa mga showbiz talk shows at showbiz columns siGretchen.

Nitong kamakailan nga ay napanood si Gretchen sa MaalalaMo Kaya. Marami ang napahanga na kung acting lang daw ang pag-uusapan aymasasabing malaki na ang improvement at inangat ni La Greta.

BACK TO ACTING. Sa panayam ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) sa kontrobersyal na aktres, sa dedication andbirthday party ng pamangking si Rodrigo Santino B. Santiago, sinabi niya saamin na isang pelikula nga ang gagawin niya under Star Cinema. Nangtanungin ng PEP kung ang pelikula bang ito ayyung nababalitang kasama niya si Bong Revilla, hindinagbigay ng kumpirmasyon si Gretchen.

"'Di pa napag-uusapan kung sino ang kasama ko pero siyempreunder Star Cinema, because mayroon akong one-picture contract with them.

"Gusto ko muna kasing makita yung istorya and dun natinmalalaman kung sino ba ang dapat sa role. Ayokong mamili ng leading man‘tapos saka pa lang pipiliin yung istorya. Ayoko na ng pa-cute napelikula, siyempre dapat medyo matured na, but love story."

For Gretchen, isang magandang experience ang papelna ginampanan sa nasabing MMK episode. Maraming positibongfeedback ang kanyang tinaggap, na ayon sa aktres, ay hindi niya naranasandati.

"Kinabuksan, ang daming nag-text sa akin, sunud-sunod,congratulating me. Ang sarap, kasi ngayon ko lang na-experience yun! Thankyou sa lahat ng magagandang reviews na binibigay nila sa akin. Sulit lahat ngpuyat at iyak ko.

"Mayroon talaga akong kaba sa umpisa nung taping na.Pagdating kasi sa Tagalog at umiiyak ako, dun ako napapalpak, nabubulol akokaya ang ginawa namin, parang nag-therapy muna ako ng Tagalog ko, lumabas namannang maganda."

POSITIVE REACTION FROM TONYBOY. Naging positibo namandaw ang reaksyon din ng live-in partner niya na si Tonyboy Cojuangco saacting na pinakita ni Gretchen sa nasabing episode. As for her daughterDominique's reaction, hindi naman nito napanood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ni Tonyboy, ‘Wow, ang galing mo na ngayon! Nag-improvedaw. Si Dominique naman, di niya naiintindihan at di niya rinnapanood. Magagalit yun kasi may kissing scenes."

Nang tanungin ng PEP kung okey ba sa kanya ang paggawa ngmga teleserye, isang pagtanggi ang sagot ng aktres.

"Hindi ko yata kakayanin yung sked na three times a week,‘tapos 24 hours a day ang taping. Parang wala na akong buhay nun kasi the nextday, matutulog ka na lang. Parang gusto kong maging maganda pa rin, maycareer, pero maganda pa rin.

"'Pag pelikula kasi at least nati-thread mo yung sked mokahit papaano."

CREDIT CARD ISSUE. Isa na ngayong running joke parakay Gretchen ang kinasangkutan niyang "credit card issue" kamakailan.

"Oo, lumabas na kami after that incident. Ang credit cardko, oo, reding-ready na uli, bago na, pinalitan na, puwede na ulinggasgasin. Yung cash sa pitaka ko, pareho pa rin, P3,000. Minsan P1,000,siguro ugali ko na rin yun so ‘di ko na mababago. I make sure na yung mga kaibiganko maraming cash. Sabi ko nga, ‘Sige, ‘pag naputulan uli ako ng card,nagasgas, sila ang magbayad."

ANGEL AND CLAUDINE. Nang hingan ng PEP ng opinionniya hinggil sa nalalapit na pagbabati nina Angel Locsin at ng kapatid niyangsi Claudine, positibo naman ang sagot ni La Greta.

"Yun ang wish ko, na magkaayos sila. Alam mo itong businessna ito, we all have room naman for new talents. Basta may talento ka,welcome naman sa show business."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN