Rufa Mae Quinto says her purpose in life includes helping others

"Kapag nag-iisaako, doon ko naiisip na hindi lang pala ang pang-sariling kasiyahan ang hanapko kundi pati kasiyahan ng mga tao na nasa paligid ko. Kaya siguro akonagtatrabaho nang bonggang-bongga ay hindi para sa akin lang," says Rufa Mae Quinto.



Dinalaw ng PEP (PhilippineEntertainment Portal) ang shooting ng bagong pelikula ni Rufa Mae Quinto, angSingle, sa Sikatuna Village, Quezon City. Mula ito sa panulat at direksiyon niJose Javier Reyes at line-produced ito ng production outfit ni Rufa Mae na On-Q28 para sa Viva Films.

Ito ang pangalawangpelikula na nag-line-produce si Rufa Mae under On-Q 28. Una ang box-office hitna Apat Dapat, Dapat Apat na pinagbidahan niya with Eugene Domingo, Pokwang,and Candy Pangilinan.

Ang Single ay tungkol sa isang 30-year old woman na hindi pa alam angkatuturan ng kanyang buhay. Tumatanda siyang virgin at patuloy na nasa pangaraplang niya ang magkaroon ng pamilya, tulad ng mga kaibigan niyang maykanya-kanya nang pamilya na inaasikaso.

FIRST TIME WITH DIREK JOEY. First time na makakatrabahoni Rufa Mae si Direk Joey at inamin nito na kinabahan siya noong first shootingday nila.

"Siyempre naman,kahit na ganito akong matsika, nahihiya rin ako, lalo na sa mga taong first timeko makakatrabaho," sabi ni Rufa Mae. "Noon ko pa feel na madirek ako ni DirekJoey. Magaganda kasi ang mga pelikula niya, di ba? Marami na akongnakatrabahong mga director, pero never pa si Direk Joey. Kaya noong firstshooting day namin, dyusko, kinabahan ako!

"Pero sabi naman niDirek Joey na mag-relax lang ako kasi mag-e-enjoy kami sa paggawa ng movie. Angrequest lang niya ay ito-tone down niya ang pagiging komedyante ko. Gusto niyaay different approach naman daw ako dito sa Single.

"Nakakapanood namandaw siya ng mga movies ko at gusto niya na ibahin ang pag-atake ko sa Single.Imbes na todo-bigay na pagpapatawa, yung katamtaman lang daw. Huwag daw akomasyado sa body movements at more on sa mga dialogues ko ang pagpapatawa.

"In fairness,nakapag-adjust ako sa gusto ni Direk Joey at okey naman lumabas. Kaya nga proudako to say na idinidirek ako ni Jose Javier Reyes. Ka-level ko na yung mgaartistang nadirek niya!" sabay tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa ni RufaMae, noong mag-story conference sila para sa Single, hindi raw munanag-sink-in sa kanya ang kahulugan ng buong istorya.

"Noong ikinukuwentolang sa akin yung itatakbo ng story, hindi pa muna ako naka-relate talaga. Kasipuro mga nakakatawang mga sitwasyon muna ang mga nabanggit sa akin. Hindi payung pinakapunto ng istorya, kung bakit Single ang title niya.

"Not until nga noongmabasa ko na ang whole script nang malaman ko na gano'n pala ang istorya ngSingle. Doon lang ako naka-relate talaga. May mga sitwasyon nga sa script naparang ako talaga sa totoong buhay.

"Sabi nga ni DirekJoey sa akin na sa buhay natin, may mga makikilala tayo na katulad ng characterko sa Single. Yung forever na hinahanap ang tunay na meaning ng buhay. Kayasiguro may mga tumatandang dalaga o binata is because hindi pa nila alam anggusto nila sa buhay."

SOUL SEARCHING. Inamin din ni RufaMae na dumaan siya sa stage na parang panay soul searching ang ginagawa niya.Noong huling birthday nga niya last May 28, marami raw siyang naging katanungansa buhay niya, katulad nga ng character na ginagampanan niya sa Single.

"Noong mag-turn 28years old ako, medyo nag-isip-isip na ako talaga kung ano ba ang purpose ngbuhay ko? Marami akong katanungan talaga. Kaya nga minsan, gusto ko na may mgashows ako sa ibang bansa, kasi chance ko 'yon na mag-isa at mag-isip nangtahimik.

"Hindi ko rin kasialam kung ano ang gusto ko. Okey naman ang career ko dito. May mga shows namanako [Showbiz Central, SOP, Dyesebel] at endorsements. Heto't may mga pelikulaakong ginagawa. After nga nitong Single, susunod ang Desperadas 2. ‘Tapos mayI.T.A.L.Y. pa ako for GMA Films na sa August na ipalalabas.

"Kung relasyonnaman, happy ako kasi nandiyan naman si Bobby [Lopez] na bibisitahin ako ditosa Pilipinas kasi gusto niya akong panoorin sa Blackout [Bench Denim andUnderwear Show] sa July 25.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya kapag nag-iisaako, doon ko naiisip na hindi lang pala ang pang-sariling kasiyahan ang hanapko kundi pati kasiyahan ng mga tao na nasa paligid ko. Kaya siguro akonagtatrabaho nang bonggang-bongga ay hindi para sa akin lang.

"Siguro nga angpurpose ng buhay ko ngayon ay ang makatulong pa, hindi lang sa pamilya ko kundisa ibang tao na rin. Kaya nga blessing itong nakapag-produce ulit ako ngpelikula kasi ilang tao rin ang matutulungan ko na may pamilya na binubuhay."

Ang iba pang kasama sa cast ng Single ay silaAngelu de Leon, Mylene Dizon, LJ Moreno, Paolo Contis, Jon Avila, RafaelRosell, Mark Bautista, at Alfred Vargas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN