Katrina Halili had first date after a long time with Joross Gamboa

"Bakit po naman hindi ako papayag kung manliligaw siJoross. Wala nga pong nanliligaw sa akin, bakit naman hindi ako papayag? Ayokorin po namang tumandang dalaga. Pero siyempre, kikilalanin ko po muna siya attitingnan kung magiging matiyaga siya, at kung magiging mahaba ang pasensiyaniya sa akin," says Katrina Halili of Joross Gamboa who was seen dating her.



Walang tanong na hindi sinagot si Katrina Halili during herformal launch as the latest contract star ng OctoArts Films ni Orly Ilacad saGuilly's Bar & Grill sa T. Morato, Quezon City kahapon, July 22.

Dalawang pelikula agad ang nakahandang gawin ni Katrina. Unaang One Night Only mula sa sister company ng OctoArts na Canary Films tobe directed by Joey Reyes. Official entry ito ng Canary sa 2008 MetroManila Film Festival, December 25.

Pangalawa ay ang remake ng Miss Xna unang ginawa ni Vilma Santos noong 1979, andwill be partly shot in Amsterdam by September or October. Gagawin ito ngoriginal director na si Gil Portes, with script by Eric Ramos, under OctoArts Films.

WORKING FOR DREAM HOUSE . Unang tinanong ng PEP(Philippine Entertainment Portal) kay Katrina ay kung bakit tila wala siyangkapagurang magtrabaho ngayon. Bukod kasi sa regular soap niyang Magdusa Kawith Dennis Trillo, may out-of-town shows at out-of-the country na karaketandin siya. In fact, kagagaling lang niya sa New Jersey, U.S.A., with Allan K, topromote GMA Pinoy TV sa mga kababayan natin na naroon. Meron pa siyang gagawingGagambino na muli nilang pagtatambalan ni Dennis.

"May ipinagagawa po kasi akong bahay namin sa El Nidoin Palawan," nakangiting sagot ni Katrina. "Malapit na pong mataposiyon at doon na nakatira ang mother at brother ko. Malapit na iyong matapos atgusto ko po doon na ako mag-retire kapag wala na akong trabaho. Kaya ipon nalang po ako nang ipon ngayon."

Naitanong tuloy ng PEP kay Katrina kung bakit wala yatangnali-link sa kanya ngayon, kahit ang issue sa sweetness nila noon ng katambalniya sa Magdusa Ka na si Dennis Trillo ay parang lumamig na. Ilan na baang naging boyfriend niya, at wala bang nanliligaw sa kanya ngayon?

"Loveless po talaga ako ngayon. Nakatatlo na po akongboyfriend. Una po iyong boyfriend ko noong high school ako, second si AndrewSchimmer at si Bullet Jalosjos po iyong huli, three years ago," kuwento niKatrina. "Hindi po naman ako mapili sa boyfriend, basta mabait, mahaba angpasensiya sa akin dahil moody ako, at dahil sa trabaho ko, papasa kung sinumansiya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DATING JOROSS GAMBOA. Pero may nasulat na nakita rawsilang magkasama ni Joross Gamboa?

"Totoo po iyon, nagyaya po siyang manood kami ng sine,kaya nakitang magkasama kami. Nagkasama po kasi kami ni Joross sa isang show saButuan City sa imbitasyon ni Direk Maryo [delos Reyes], and direktor ko po sa MagdusaKa. Doon po kami nagka-bonding, nagkulitan, at hanggang dito sa Manila,naging friends na po kami.

"Iyon nga po, nagyaya siyang manood kami ng movie, lastweek iyon at sabi ko sa road manager ko na lagi kong kasama, why not, i-try konamang lumabas. Pumayag ako, pero sabi ko kay Joross, may work pa ako sa umagakaya 1 p.m. na kami manood ng sine, kasi kailangan ko namang makauwi na ng 6:00p.m. para maka-rest dahil maaga ang call time ko ng taping ng Magdusa Kakinabukasan. Excited din naman po angfeeling ko kasi nga, matagal-tagal na iyong hindi ako nakikipag-date.

"Nakakahiya kay Joross, pero wala naman akong nagawanang natapos ang work ko ng 5:00 p.m. na. Wanted sana ang papanoorinnamin, pero hindi na nga kami natuloy, sa halip nag-dinner na lang kami atpagkatapos umuwi na rin ako."

Kumusta naman si Joross para sa kanya?

"Mabait siya, makulit, at sweet din siya. Tuluy-tuloypa rin ang pagti-text namin every day," nakangiting sagot ni Katrina.

Nang tanungin kung aware ba siyang ex-boyfriend ng magigingco-star niya sa One Night Only na si Roxanne Guinoo si Joross, sumagotsi Katrina na alam naman daw niya iyon. Excited nga raw siyang makatrabaho sinaRoxanne at Angelica Panganiban na parehong taga-ABS-CBN. Dati naman niyangnakatrabaho na si Valerie Concepcion noong nasa Kapuso station pa ito. Exciteddin daw siyang makatrabaho si Diether Ocampo.

Paano kung ligawan siya ni Joross, papayag ba siya at mayaasahan ba naman ito sa kanya kung sakali?

"Bakit po naman hindi ako papayag kung manliligaw siJoross," natatawang wika ni Katrina. "Wala nga pong nanliligaw saakin, bakit naman hindi ako papayag? Ayoko rin po namang tumandang dalaga. Perosiyempre, kikilalanin ko po muna siya at titingnan kung magiging matiyaga siya,at kung magiging mahaba ang pasensiya niya sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasama rin po namin siya sa One Night Only. Peropagkatapos ko po ng taping ng Magdusa Ka, may show muna kami ninaJonalyn Viray ng GMA Records sa Los Angeles at San Diego, California. Kaya po magkakasabay po ang shooting ko ng OneNight Only at pagsisimula ng taping ko ng bagong soap sa GMA-7."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN