Gretchen Barretto avoids Bong Revilla and Lani Mercado

"Kung papansinin nila ako, papansinin ko din silasiyempre. Nandito naman kami dahil nakiki-celebrate kaming lahat, kaya'tdapat happy, di ba?" says Gretchen Barretto about seeing Sen. Bong Revilla and wife Lani Mercado at a birthday party.



Takaw-eksena ang kakaibang entrada ng controverisal actress na si Gretchen Barretto sa birthday party ni CristyFermin kagabi, July 22, sa Metro Bar.

Kasalukuyan kasing ini-interview ng ilang entertainmentpress si Bong Revilla nang dumaan si Gretchen sa harap na parang walang nakita sa mesa nina Lani Mercado. Kasama ni Gretchen ang kapatidni Nadia Montenegro na si Tanya Montenegro at ang dati ring artista na si Ana Abiera.

Para sa hindi nakakaalam, nagkaroon ng ugnayan noon sinaGretchen at Bong na naging dahilan ng alitan ng aktres at ni Lani Mercado.

Nang tanungin naman ng mga reporter at TV crew ang aktreskung nakita niya sina Bong at Lani, hindi raw niya napansin ang mga ito.

"Kung papansinin nila ako, papansinin ko din silasiyempre. Nandito naman kami dahil nakiki-celebrate kaming lahat, kaya'tdapat happy, di ba?" sabi ni Greta.

Pinagkaguluhandin ang pagdating ni Batangas Governor Vilma Santos. Agad din siyang sinalubongng media at nagawa pang kunan sila ni Bong na magkasama at kapanayamin tungkolsa napabalitang pagtakbo ng huli bilang vice president sa 2010.

Kasalukuyannamang nagpe-perform sa stage si Piolo Pascual nang dumating ang Megastar na siSharon Cuneta, na agad naki-join sa mesa ni Governor Vi. Para silang mgadalagitang kilig na kilig habang pinapanood ang performance ni Piolo, nasinundan naman ng crooner na si Richard Poon.

Maya-mayapa ay muling nagkagulo ang mga tao dahil dumating naman ang ex-husband niSharon na si Gabby Concepcion. Kinuyog din ito ng mga TV crew at press nanaroroon. Kung hindi marahil ito nangyari ay malamang na dumiretso agad ito saupuan nina Gov. Vi, na nakapareha ng aktor sa ilang pelikula noon. Maynakapagsabi marahil sa Megastar ng presence ng dating asawa kaya't nagmamadalinaman itong tumalilis at lumihis ng daan pababa.

Pagtapatni Sharon sa grupo ng mga press, kasama ang PEP, ay nagawa pa nitong magsabing, "Magkita-kita na lang tayo sa concert ko, ha!"

Dinagsarin ng press ang very sweet couple na sina Angelica Panganiban at Derek Ramsay. Hinarapng mga ito ang media at TV crew at ipinaliwanag ang mga detalye ng kanilangnaging tampuhan weeks back.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kunganuman ang rason, please, ibigay na lang ninyo sa amin. Basta ang mahalaga,okey na kami," pakiusap pa ni Derek, na sinagot naman ng tanong niAngelica na: "Okey na nga ba tayo?"

Natatawana lang ang comedy-concert queen na si Ai-Aide las Alas sa mga narinig niyangsagutan ng magkasintahan. Nakatalikod kasi kay Ai-Ai ang magkasintahan habangtinututukan ng mga TV cameras at ini-interview.

Sa obserbasyon ng PEP aytila nagsisimula pa lang mag-usap at magkaintindihan sina Angelica at Derek. Seryoso sila sakanilang pagbubulungan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN